18

160 4 0
                                    

ASHTON POV

Sobrang saya ng araw na iyon para sa kaniya. Tuwang tuwa si Hazel at Ella habang naglalaro para kaming isang buong pamilya.

Ang iba sa mga kalaban naming ay nagrereklamo na dahil kami ang laging nananalo sa mga palaro. Gusto ko kasi maging masaya ang pamilya ko.

Sa araw na ito ay binabalak niyang mag propose kay Ella, Alam niya sa sariling mahal pa rin niya ito. Wala na siyang paki alam kong bigla nanaman itong mawala.

Inalis niya ang galit sa kaniyang puso at tatanggapin muli si Ella sa buhay niya at sa buhay ng anak namin na si Hazel.

Akala noon ni Ashton ay wala ng kwenta ang buhay niya. Inom ng alak at pakikipag away lang ang madalas niyang ginagawa. Iniwan siya ng taong pinakamamahal niyang si Ella.

Bago magtapos ang school year ay nais niyang mag propose kay Ella. Hindi naman agad agad sila mag-papakasal. Ang gusto niya lang ay makasigurong kaniya talaga ito.

May nangyari na sa kanilang dalawa at ayaw niyang maangkin pa ng iba si Ella kaya buo na ang loob niyang mag propose dito kahit Highschool pa lang sila.

Nagpatulong siya kay Rona ng araw na iyon. Gusto niyang sorpresahin ang dalaga kaya buong araw siyang hindi nagtext o tumawag dito. Hinayaan niyang si Rona ang komuntak dito.

Si Rona Bff siya ni Ella. Umamin ito sa kaniya dati na mahal siya nito pero pinagtapat niyang si Ella lang ang mamahalin niya at wala ng iba. Tinanggap naman ito ng dalaga kaya hindi naging hadlang ito sa pagiging magkaibigan nilang tatlo.

Akala niya magiging masaya ang araw niya kasama si Ella ng araw na iyon ngunit kahit anino nito ay hindi nagparamdam. Handa pa sana siyang mag antay ng biglang tumunog ang kaniyang CP.

"Sorry Ash. Hindi na kita mahal. Si Noel talaga ang mahal ko simula pa noon. Ginamit lang kita wag muna akong hanapin pa" Umiiyak at paulit ulit niyang tinitingnan ang sender kung si Ella ba talaga iyon.

Noong araw na iyon nawasak na siya. Gigising lang siya para sirain ang buhay niya. Nagbago lang ang lahat ng makita niya ang isang sanggol na nasa labas ng kanilang mansiyon.

"Shino ka namang bhata ka?" lasing pang turan nito habang binubuhat ang basket na may lamang bata.

"Jusko Ashton. Sino yang batang yan? Nakabuntis kaba?" Galit na tanong ni Manang Luz. Bigla naman akong natauhan dahil iisang babae lang ang inangkin ko sa tanang buhay ko.

Pinakatitigan ko ang bata. Kamukha ko siya at may pagkakahawig sila ni Ravella.

Kinuha ko ang bata kahit nakainom pa ako, Nakita ko ang pendant na ibinigay ko kay Ravella noong sinagot niya ako.

"Aampunin ko ang batang ito manang. Simula ngayon ako ng ang tatayong tatay niya at ang ipapangalan ko sa kaniya ay Hazel Ravella Villanueva." Simula noon ay nagbago ng muli ang buhay ko. Nagtrabaho ako ng nagtrabaho para lang maibigay ang pangangailangan ko sa anak ko.

Hindi ko siya pina DNA test dahil alam kong anak ko siya.

Bumalik ang diwa niya ng magsigawan ang mga tao.

"Sir si Ella nahimatay" sigaw ni Lovely kaya agad agad akong tumayo at binuhat ito.

Labis labis ang pagmamadali ko para lang maihatid ko siya sa Hospital. Sinalubong kami agad ni Gabriel na natataranta.

Ilang oras ang lumipas ng binalak kong pumunta sa canteen ng Hospital para bilhan ng pagkain sina Hazel at Lovely. Stable na ang lagay ni Ella at aantayin nalang namin siyang gumising.

"Ouch, ano ba?" Maarteng turan ng isang binabae na aking nakabangga.

"Sorry hindi ko napansin. Pasensiya kana" turan ko habang nakatitig sa mukha niya. Nagulat naman ako ng makilala ko siya.

"Nasaan si Ella ha?" nag-aalalang turan nito na ikinabigla ko.

"Noel ikaw ba yan?" tanong ko pa ulit para makasigurado.

"Gaga kaba, Kitang kita mo na ngang ako ito e" Mataray na turan nito.

"Anong nangyari sayo?" tanong ko pa ulit. Hindi lang ako makapaniwala na siya ang kaharap ko. Ibang iba siya sa Noel na kilala ko.

"Oo ako nga to. Bakla man ako pero kayang kaya kitang suntukin dahil sa ginawa mo kay Ella. Nasaan na ang pinsan ko?" galit ng turan nito.

Naguguluhan naman si Ashton dahil pinsan daw nito si Ella. Ang akala niya noon ay umalis si Ella para makasama ang lalaking ito.

Humagulgol ng iyak si Noel habang nakatingin kay Ella na mahimbing na natutulog, Hindi ko alam kung bakit ganoon ang reaksiyon niya. Napagod lang naman si Ella dahil sa mga palaro kanina.

Lumabas muna ako para ihatid si Hazel at Lovely sa sakayan ng Taxi hindi ko kayang iwanan si Ella ng ganito.

"Daddy magiging okay si Mommy diba?" naiiyak ng turan ni Hazel.

"Yes baby magiging okay si Mommy at uuwi siya sa bahay." Tinap niya ang ulo nito na nagsasabing magiging Okay din ang lahat.

BESTFRIEND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon