15

160 3 0
                                    

Matalim ang titigan nila Ella at Rona at walang gustong bumitaw sa titigan na yon. Samantalang ang mga kapwa kasambahay naman ni Ella ay natatakot para sa kaniya. Kilalang kilala kasi nila si Rona.

"Mommmmyyyyyyy" malakas na sigaw ni Hazel kaya napatingin sila dito. Gusto sanang lumapit ni Ella pero tumakbo na si Hazel kay Rona.

So? Siya pala talaga ang tunay na Mommy ni Hazel. Turan ni Ella sa kaniyang sarili.

Wala ng nagawa pa si Ella ng hawakan ni Rona si Hazel. Bumaba din si Ashton na may hawak hawak na bulaklak.

"Hi there Mrs. Villanueva" sabay halik sa pisngi nito. Gustong gusto niyang sabunutan si Rona pero wala siyang magagawa. Saling kitkit nalang siya ngayon sa pamilya nila. Kung hindi lang talaga nangyari ang gabing yon.

Pinangarap niya din ang ganyang pamilya.

Nag mamadali si Ella dahil late na siyang nagising.Ngunit naguguluhan siya ng walang tao siyang madatnan sa kanilang Classroom.

"Wala bang pasok?" tanong niya sa sarili.

Lalabas na sana siya ng classroom ng biglang pumasok ang kaniyang mga classmates na may dala dalang mga bulaklak.

Sabay sabay itong kumakanta kaya naman napaluha siya.

"Anong meron?" tinatanong niya sa mga to pero walang nagsasalita lahat ito tumigil sa pagkanta. Hinanap ng mata niya si Rona pero wala ito dito. Hinanap niya rin si Ashton pero wala din dito.

"Alam ko naguguluhan ka ngayon pero hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko sayo." Sabay ngiti nito kay Ella.

''Ashton?'' kinikilig na turan nito.

"Ravella Chel Lastrella pumapayag ka bang maging Gf ko?" tanong nito kay Ella habang nakatitig sa kaniyang mga mata.

"Ashton, Oo pumapayag ako" Umiiyak na turan niya dito.

Binuhat siya ni Ashton at para bang sobrang saya ng araw na iyon para sa kanilang dalawa.

Pagkatapos ng Klase ay agad siya nitong isinama sa parke.

BUENAVISTA PARK

"Anong ginagawa natin dito?" tanong niya ay Ashton.

"Nakita mo yang puno na yan? Habang lumalaki yan ay tumitindi din ang pagmamahal ko sayo" sabay ngiti nito.

"Naku, Kailan kappa naging bolero?" pabirong tanong niya kay Ashton.

Naupo sila sa tapat ng puno. Humiga si Ashton sa kaniyang mga hita. Samantalang si Ella ay titig na titig sa mukha ng binata.

"Mahal na mahal kita" biglang nasabi ni Ella na ikinadilat ng mata ni Ashton sabay ngisi.

"Mahal na Mahal din kita Ella ko" sabay halik sa kaniya nito.

"Hoy bawal yan" saway niya sa lalaki.

"Hindi ka naman mabubuntis. Kiss lang iyon" natatawang turan ni Ashton.

"He, Kahit na noh." Sabay hampas kay Ashton na ngayon ay nakaupo na.

"Pero seryoso, Ilang gusto mong anak?" gusto nanaman sanang paluin ni Ella si Ash ngunit mukha talaga itong seryoso.

"Bata pa tayo para diyan. Pero kung sakali kahit ilan basta kaya nating buhayin." Napangiti naman si Ashton sa sagot ni Ella.

Kumuha ng matulis na bagay si Ashton at inukit sa puno ang mga salitang.

ASH LOVE ELLA

FOREVER

FEBRUARY 14

Nakayukong humihikbi si Ella habang inaalala ang pamilyang dapat na bubuoin nila ni Ashton.

BESTFRIEND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon