Natataranta na si Lovely at Flor habang niyuyugyug si Ella. Umuungol ito ngunit kahit anong ulit nilang gisingin ay walang epekto dito.
"Oyyy gumising kana ellaaaa" kabadong turan ni Lovely habang si Floor naman ang yumuyugyug dito.
"AHHHHHHH" Biglang sigaw nito kaya napaupo sina Lovely at Flor na para bang nakahinga ng maluwag.
Mabilis na tumakbo si Flor sa kusina para kumuha ng isang basong tubig habang si Lovely naman ang siyang kumakausap kay Ella.
"Ano bang nangyari sayo? Binabangungot ka ata" turan ni Lovely kay Ella dahil pawis na pawis ito. Inabutan naman ni Flor si Ella ng tubig na agad naman nitong naubos.
"Okay lang ako. Salamat Flor at Lovely" hihingal hingal na turan pa nito.
"Ano ba? Hindi ka Ok. Halos mamatay kana sa bangungot mo na yan. Ano bang nangyayari sayo?" kabado namang sagot ni Flor.
"Sorry kung pinag alala ko kayo. Pero ok lang ako bangungot lang yon sana hindi na to malaman ng iba ah please. Hmmf anong oras na ba?" tanong nito.
Nagmamadali namang napatayo si Ella dahil nangako siya kay Hazel na susunduin niya ito. Bubuksan pa lang niya ang pinto ng magsalita si Lovely.
"Umalis na siya. Huwag kang mag-alala ang sabi ko kanina may ginagawa ka. Hindi ko sinabing binabangungot ka" kalamado ng turan nito.
"Salamat sa inyo" sabay yakap sa dalawa.
"Nga pala ano bang paboritong pagkain ni Hazel? Gusto ko sanang bumawi sa kaniya. Nangako kasi ako sa kaniya. Gusto ko lang bumawi." Alangang tanong nito.
Agad naman nilang pinuntahan si Jing para itanong ang paborito nitong pagkain. Ito kasi ang dating yaya ni Hazel.
"Hmmf. Sa totoo niyan hindi ko talaga sure kong ano ang paborito niya pero ning mga panahong yaya niya ako. Lagi siyang gumigising ng maaga para lang bumili ng champorado diyan sa labas. Tapos lalagyan niya yon ng napakaraming gatas." Natatawang turan ni Jing.
Napatulala naman si Ella sa sinabi nito.
Maagang gumigising noon si Ella para mamulot ng mga plastic bottle o mga lata at bote na pwedeng ibenta para lang may pambili siya ng champorado at gatas. Paboritong paborito niya ito dahil napakasarap.
"Oy ano yan parang tae ah?" tanong ni Ash habang kumakain ako ng Champorado.
"Bunganga mo Ash kumakain ako oh. Atsaka baka kapag natikman mo to eh magustuhan mo" Turan ko habang inaalok siya ng champorado.
Matinding pamimilit ang ginawa niya para lang tikman ni Ashton ang champoradong may gatas.
"Woww ang saraappp pengeee" Turan ni Ash habang nilalantakan ang champorado niya.
Napangiti nalang si Ella habang titig na titig kay Ashton na parang gutom na gutom.
Simula ng araw na yon hindi ko na kailangan pang mamulot ng bote,lata at plastic bottle para lang may pambili ng champorado dahil araw araw ng may dala si Ashton.
"Hoy bakit ngingiti ngiti ka diyan?"sabay hampas sa kaniya ni Jing.
"Wala may naalala lang ako e" sabay ngiti sa kanilang tatlo ni Flor, Jing at Lovely.
Pumunta agad sa Kusina si Ella at nagpaalam kay Manang Luz kung pwede siyang magluto para kay Hazel tuwang tuwa naman ang matanda at nag request pang pati ang mga kasambahay ay lutuan.
Kulang kulang kalahating oras ay natapos na siya sa pagluluto.
"Wow ang bango naman niyan. Ano ba yan ha?" turan ni Manong Rom.
"Champorado niluto nitong si Ella" pagmamalaki ni Manang Luz sa kanilang lahat hindi naman nakalagpas kay Ella ang ginawang pag irap ng dalawang kambal. Hinayaan nalang niya ang mga ito.
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND (COMPLETED)
RomanceUmalis siya ng walang paalam. Bumalik ng Biglaan. Tatanggapin mo pa ba ang taong sumira sayo noon? Para sirain ka ulit? - Ashton Kyle Villanueva __________________+++++ Namuhay ng malungkot. Nagpadala sa takot. Hihingi ng tawad sa lalaking pinakamam...
