Upon staying here in Hongkong for almost a year, hindi kailanman sumagi sa isip kong nasa kapahamakan pala ang buhay ko.
"We lost him bud, that motherfucker is good." balita ni Onyx ng makabalik silang dalawa dito sa apartment.
Maayos na din ang mga gamit ko at handa ng umalis. I have no choice, ito ang unang beses na may nangyaring ganito sa apartment ko at aaminin kong natakot ako. That is when I realized, Kalen's telling the truth. Im in trouble.
"We have to move out. Axl's not safe here"
Tumango silang dalawa at tumulong nalang sa pagkuha ng mga gamit ko. Habang sinasakay sa kotse ang mga gamit ko ay narinig ko ang impit na mura ni Kalen. Pinagpapawisan na din siya habang nakasandal sa mismong kotse.
"Are you okay?" hindi ko na napigilang tanong sa kaniya. Hindi siya sumagot kaya napatingin ako sa braso niya. May tumutulong dugo don at balot na ng pula ang manggas ng puting damit niya.
"Kuya, you're bleeding, gamutin muna natin yan sa loob" suhestiyon ni Jaren pero hindi na pumayag pa ang kapatid. Nagaalala man ay di na siya nagpumilit pa.
"Onyx, call Chief and tell him that we're moving out. Jaren, drive." maikling utos niya sa mga kasama. Nauna na din siyang pumasok sa kotse at nakita ko ang pagsandal niya ng ulo na para bang pagod na.
Tumingin pa ako sandali sa apartment ko at sumunod na din sa pagpasok sa kotse. Pagkapasok ko ay tahimik si Kalen at nakasandal lang habang nakapikit. Kinuha ko ang panyo sa likurang bulsa ng pantalon ko at basta ko nalang itinaas ang manggas ng damit niya.
Nagmulat siya ng mata at bakas ang pagtataka sa mukha pero hindi ko na siya pinansin.
"Bakit hindi mo sinabing may tama ka?" naiiritang tanong ko sa kanya. Akala ko kasi kanina ay sugat lang dahil sa mga bubog na galing sa nabasag na bintana, yun pala ay may tama nga siya ng baril. Pwedeng maubusan ng dugo ang isang to lalo pa't hindi pa natatanggal ang bala sa braso niya.
Nanatili siyang tahimik at di sinagot ang tanong ko. Itinali ko ang panyo sa braso niya para kahit papano ay mabigyan ng pressure ang sugat niya at mahinto sa pagdurugo.
"Jaren, can we go to the hospital? May tama ang kuya mo, delikado pag hindi natanggal ang bala sa braso niya"
Tumingin naman siya sa kapatid na ngayon ay nakangiwi at mahinang nagmumura.
"Onyx can do that. For now, please put more pressure on his wound" kalmado ngunit nagaalalang sabi niya. So I did what he said, even though Kalen's grunting in pain. Ngayon ay mas pinagpapawisan na siya. Ipinagtaka ko pa ang mabilis na pag init ng kaniyang katawan, nang sapuin ko ang noo niya ay alam kong nilalagnat na siya.
"Onyx, I think this is not normal. I mean, he has a fever." nag aalala ko na ding sabi sa mga kasama ko. Hindi na maayos ang pagkakasandal niya sa upuan ng kotse kaya hinawakan ko ang ulo niya at pinasandal mismo sa balikat ko. Hindi ko na din alintana ang kumakalat na dugo sa ibang bahagi ng damit ko. Tuloy tuloy kasi ang pag agos ng dugo kahit may nakabalot ng panyo.
Mas pinabilis pa ni Jaren ang pagmamaneho at kahit tahimik kaming apat sa kotse ay alam kong pare pareho kaming nagaalala sa kalagayan ni Kalen.
Hindi ko na napansin pa ang mga dinaanan namin dahil sa bilis ng takbo ng kotse at nakatuon lang ang pansin ko sa lalaking ngayon ay nakasandal sa dibdib ko. When Jaren pulled the car infront of a building, men in black suits approached us. Jaren just command them to secure the entire building. Kami naman ay mabilis na inakay si Kalen papasok sa loob, nang makarating kami sa elevator ay pinauna na kami ni Jaren dahil ang sabi niya ay kailangan niyang tawagan si Chief.

BINABASA MO ANG
Blazing Romance
RomanceSecrets, lies and enemies. Are they willing to risk everything for love?