Chapter 7

39 7 0
                                        

AFTER what happened last night, Kalen ask his men to double the security for the entire building. Kinailangan niyang magdagdag ng tao dahil sigurado daw siyang alam na ng mga ito kung nasa'n kami.

Inilagay ko sa tray ang dalawang pinggang may laman na pagkaing para sa almusal. Bibigyan ko kasi ang dalawang nagbabantay sa labas. Oo, kahit dito sa penthouse ay may nagbabantay na din, ngunit sa labas lamang sila ng pinto. Ibinilin ni Kalen na 'wag silang aalis o kung may importante naman silang gagawin ay siguraduhing may kapalit na magbabantay sa labas ng pinto.

"Goodmorning, have a breakfast first"
Sabi ko sa dalawang taga bantay. Nung una ay ayaw nilang lumapit sa akin pero nang mapansin nilang mabigat ang mga dala ko ay tinulungan na din nila ako.

"Thank you Ma'am"

Imbes na mainsulto ay natawa ako sa sinabi ng isa sa kanila. Ma'am? Saka ko lang narealize na nakalugay pala ang may kahabaang buhok ko. Kaya siguro niya ako napagkamalang babae.

"Im not a girl hahaha"

Humingi naman agad ng tawad ang tumawag sakin ng Maam, pero tinawanan ko lang siya. Highschool palang ako ay napapansin na ng ilan na mukha daw akong babae kapag humahaba ang buhok. Akala ko noon ay nagbibiro lang sila pero ng pati si Mama ay sinabi na din 'yun, tinanggap ko nalang.

"Ehem" someone clears his throat and when I turned my back, I saw Kalen's irritated face. Kay aga aga nakabusangot ang isang to.

"Go back to your post after you eat your breakfast. And you..."

He glanced at me before he clear his throat again.

"Can you make a breakfast for me?" naging malumanay ang boses niya pero iritado pa din ang mukha.
Nagpaalam pa muna ako sa dalawa bago tuluyang isara ang pinto.

"Ba't ganyan mukha mo?"
Pinagtaasan naman niya ako ng kilay at pinagkrus pa ang mga kamay sa dibdib.

"What's wrong with my face?" tanong niya habang nakataas pa din ang isang kilay. Aba attitude, kalahi ni Josh.

Hindi ko nalang siya pinansin kahit pa natatawa ako sa itsura niya. Dumiretso na lamang ako sa kusina para tignan kung ano bang pwedeng kainin naming dalawa. Kami lang ang tao ngayon dito dahil may inutos si Kalen sa mag asawa, kung ano iyon ay hindi ko alam.

Sinimulan kong magluto pero naiinis lang ako kapag humaharang ang buhok ko sa mukha ko. Naghanap ako ng panali dahil di ko maalala kung san ko nilagay ang akin ng maligo ako pero wala akong makita.

Lumapit si Kalen sa akin at huminto sa harapan ko. Mas matangkad siya sa akin kaya kinailangan ko pang tumingala para makita kung anong gagawin niya. Hinawi niya ang buhok ko at unti unting ginagapos na para bang tinatali. And I was right, ingat na ingat niyang tinatali ang buhok ko na para bang masasaktan ako pag hinigpitan niya ang pagkakatali. Nagkaroon na naman ako ng tiyansang titigan ang mukha niya. I couldn't help but wonder, bakit wala man lang akong makitang kahit isang tigyawat o pores sa mukha niya? Hindi naman siya yung tipong naglalagay pa ng kung ano ano sa mukha, sadyang makinis lang ang balat niya. Damn Axl, you're admiring him too much!

Nang matapos ay doon palang din siya nagbaba ng tingin sa akin. Ang kaninang kamay niyang nasa buhok ko ay naglandas na sa mukha ko. He's now caressing my face, his hand feels so soft against my skin. Hindi ko maiiwas ang paningin sa kaniya dahil para na naman akong hinihigop ng mga mata niya. When he stop touching my face, napansin kong nakatitig lang siya sa mga labi ko. Unconsciously, I licked my lower lip. Para kasing nanuyo iyon at hindi ko malaman kung bakit. He touched my lips using his thumb, para bang pinupunasan niya iyon sa marahan na paraan.

"I really want to devour your lips right now" aniya sa mababang boses.
Nanatili lang akong tahimik at pinapakiramdaman ang sarili ko. Is it really possible that I also want to taste his lips?

Blazing RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon