Apat na araw na simula ng makalipat ako dito sa penthouse ni Kalen at sa apat na araw na iyon ay halos hindi mahagilap ang may ari ng bahay.
Hindi naman sa hinahanap ko siya, talagang hindi ko siya naaabutan dahil tuwing gigising ako ay wala na siya atsaka, hindi rin ako handang harapin ang isang 'yon. Matapos niya akong pagtripan, hindi na muli kami nakapagusap pa. Ayos na din siguro ang ganoon, kahit kasi ako ay hindi alam kung bakit ganon ang reaksyon ng puso ko ng araw na iyon. It feels weird and comforting at the same.
Naabutan kong nanonood sa sala si Jaren at sa malayong sofa naman nakaupo si Onyx. Mukhang hindi pa nagpapansinan ang dalawang 'to. Ganon ba kalala ang pinag-awayan nila para hindi magkibuan ng ilang araw?
"Oh hi Axl, sit here. Nagorder ako ng pizza, maya maya lang ay darating na yon"
Parang kanina lang ay hindi magkasalubong ang kilay ng isang to, kung makangiti sakin ay parang may gold akong dala.
Umupo nalang ako malapit sa tabi at nakinood na din. Hindi pa man din ako nagtatagal sa upuan ko ng tumabi rin si Onyx, tuloy ay napapagitnaan nila ako. Narinig ko pa ang pag-ingos ni Jaren. Napaka-awkward.
Kinuha ni Onyx ang remote control at akmang ililipat ang channel ng tignan siya ng masama ni Jaren.
"Try and I'll cut your hands"
Ngunit sadyang mapaglaro ata si Onyx ngayon at talagang nilipat pa niya sa pambatang palabas. What the hell? Adventure Time?
"Ibalik mo Onyx. Nanunuod ako"
"Eh ang panget naman ng pinapanood mo. We bare bears?"
Totoong We bare bears ang pinapanood ni Jaren kanina. Hindi ko nalang pinalipat dahil nacute-an din naman ako sa mga character.
"Really? Adventure Time?!" pang-gagaya pa ni Jaren sa kanya.
"What's wrong with it? Finn is cool"
"Then what's wrong with we bare bears? Ice bear is also cool" balik din ni Jaren.
Ako naman ay parang bato sa gitna nila at pinipilit di matawa. Hindi ko inaasahan na dahil lang sa pambatang palabas ay magtatalo pa sila. Hahaha, parang mga bata.
Seryoso silang nagtitigan kaya naman kinuha ko ang remote at nakilipat na din sa tv. Nang mahanap ang gusto ko ay sumandal ako sa sofa at pinabayaan silang dalawa.
"Isa kapa Axl, really? Ben 10?" nakataas ang kilay at nakakrus ang braso sa dibdib na tanong sakin ni Jaren.
"Hahaha whats wrong with it? Ben is cool" i mocked him. Inirapan niya ako gumaya ng sandal sa sofa. Bumaling ako kay Onyx at nakitang ngumiti din siya. I guess, he really wants to pissed Jaren.
Ilang sandali pa ay dumating na ang inorder na pizza ni Jaren. Tumayo ako at nagtungo sa kusina para maghanda ng inumin ngunit pagbalik ko sa sala ay hindi ko inasahan ang nadatnan ko.
Onyx is now holding Jaren's waist and kissing him passionately. Nung una ay may pagtanggi pa sa mga kilos ni Jaren pero ng kalaunan ay nagpaubaya na rin siya. He pulled his husband closer and deepen the kiss until they both fell into the sofa.
Damn, why the hell am I watching them? I know I said Im cool with their relationship but, Im not prepared for this!
"Im afraid you have an audience"
Nagulat ako ng pagbaling ko sa pinto ay nandon at nakapamulsang nakatayo si Kalen. Natigil naman ang dalawa at lumingon sa akin. Oh fuck, why am I here?
"Ah, uhm, I didnt mean to uhm--"
They laughed at my reaction. Actually, this is the first time I've seen two boys groping each other. I dont feel disgusted at all, its just that, I guess, Im a little shocked?
BINABASA MO ANG
Blazing Romance
RomanceSecrets, lies and enemies. Are they willing to risk everything for love?