Axl's POV
"Have you seen Kalen?" tanong ko kay Jaren na naabutan kong nagsisindi ng sigarilyo. Nagising akong wala sa tabi ko si Kalen, akala ko ay maaga lang itong nagising ngunit paglabas ko ng silid ay wala pa rin ito.
Nagkibit balikat lamang si Jaren. Pinakiramdaman ko ang lalaki ngunit tila hindi maganda ang gising niya. Sakto naman ang dating ni Nyx na mukhang galing sa kusina at may dalang kape para sa asawa. Binati ako nito saka inilapag ang kape sa harap ni Jaren.
"I actually have a favor to ask..." umupo ako sa sofa at tumingin sa kanilang dalawa.
"I want you guys to get Mirko and leave his grandmother in one of our safehouse." napag-alaman ko kasing marami ang inihandang safe house ni Chief kung sakali mang may mangyari sa isa at matuklasan ito ng kalaban.
"Only Mirko? Baka magulat ang bata kung siya lang ang dadalhin at hindi kasama ang lola niya, mukhang close na close ang dalawa."
Ipinatong ko ang baba sa kamay ko atsaka tumingin kay Jaren.
"Dahil gusto kong palabasing patay na ang bata..."
Naging seryoso ang mukha ng dalawa dahil sa sinabi ko.
"His life is in danger and I just can't stand here and do nothing. I may not know him but he's just a kid. Plus, it's a win-win, 'pag tayo ang unang nakakuha kay Mirko ay may tiyansang pumanig pa sa atin si Lance, I dont trust him but he'll reconsider once he knew we saved his child."
Tumango ang dalawa sa akin na tila nagets naman ang point ko. Sigurado akong ang mga nanloob sa kanila nang nakaraang gabi ay utos galing sa organisasyon. Alam nilang maaring magsalita si Lance sa amin kaya kung makukuha nila ang anak nito ay mapipilitan siyang itikom ang bibig. Mahihirapan kaming kumuha ng impormasyon sa kaniya hanggang sa matunton na kami ng mga kalaban.
"His grandmother would be devastated knowing that Mirko is her only grandchild, halos siya na ang nagpalaki dito matapos masawi ang nanay niya sa isang aksidente, and Lance is not there when he was growing up."
It pains me to know that. But they left me with no choice. I have to do this in order to protect the child.
"Hindi natin pababayaan ang lola niya, we'll make sure to protect her until all this chaos is over and she can be with her grandson again."
The two nodded and told me to let them know when the plan would be implemented. Of course, it won't take long, the organization sure keeps an eye on the child so I told them to double the men watching over the two.
Pabalik pa lang muli ako sa silid nang pumasok makarinig kami ng warning tone na umalingawngaw sa buong basement. Naging alerto ang dalawa at agad na pumasok ng meeting room. Sumunod naman ako at nakitang nakaharap si Onyx sa monitor na kung saan ay makikita mula sa cctv ang ilang mga kalalakihang armado at naghihintay sa labas. Sumisipat sipat ang mga ito at tila may hinahanap.
"It won't be long before they find out about our safe house. Just one intense look for that specific tree with our security code and we're done."
Naging mabilis ang pagliligpit namin ng mga dokumento at importanteng gamit nang maalala ko ang mga bihag namin.
"Here, take this and ready the car. I'll be back quickly."
Hindi ko na pinakinggan pa ang pagtawag nila sa akin at dumiretso sa pinakabasement ng safe house. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at nagtungo sa pinakadulong selda. Nakita kong nakaupo doon si Lance kaya pinilit ko itong patayuin.
"Try something funny and I'll not hesitate to kill you. Cooperate and I'll do anything to save your child."
Wala akong panahong tignan kung anong naging reaksyon niya sa sinabi ko ngunit laking pasasalamat ko na lang at hindi na ito nanlaban pa.
BINABASA MO ANG
Blazing Romance
عاطفيةSecrets, lies and enemies. Are they willing to risk everything for love?