Axl's POV
PresentI dont know if I should believe him. Kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga maalalang dumalo siya sa kaarawan ko. But, why would he lie about it, right? I mean, how could someone forget his face?! You, idiot!
Nasapo ko nalang ang noo ko dahil kahit ang sarili ko ay kinokontra ko na din.Pasilip silip ako bago tuluyang lumabas ng silid. Ang totoo ay hindi ko pa yata kayang harapin si Kalen. Hindi ko alam ang tamang sasabihin sa kaniya. Naalala kong, bigla ko nalang siyang iniwan noong sinabi niyang gusto niya ako. Hindi dahil sa ayaw ko sa mga narinig ko, I felt like my heart was about to explode at that time. I never thought that I could feel something towards a guy like me. Yes, I know this is not just a simple heart swooning effect inside me. Hindi ako tanga para hindi malamang unti unti ko na ding ginugusto ang mga sinasabi at pinaparamdam niya. And I am afraid that if he continues to do that, I might fall. Kaya lang, hindi pa ako handa at hindi ko alam kung kailan ako magiging handa para sa mga gantong bagay.
Nakapamulsa akong tumungo sa kusina para kumuha ng maiinom. Binuksan ko ang ref at nakita ang fresh milk na kasama sa mga binili namin noong nakaraan.
Kumuha ako ng baso at nagsalin. Hawak ang gatas ay umupo ako malapit sa island counter at tahimik na nagiisip. Pero paulit ulit lang naman sa utak ko ang mga sinabi ni Kalen. Damn that man! Hindi naging maayos ang tulog ko dahil sa mga sinabi niya.
Frustration is visible on my face as I drink the glass of fresh milk.
"Masarap ba?"
Nanindig ang balahibo ko nang maramdaman ang hininga ng kung sinong bumulong sa mismong tenga ko. Paglingon ko ay nakita ko si Kalen na nakangisi at nakatitig sa akin."Y-yeah. Kumuha ka sa ref kung gusto mo"
Mabilis kong inalis ang paningin sa kaniya dahil naiilang ako. Pero imbes na gumalaw ay idinantay niya ang mga kamay sa magkabilang gilid ko, tuloy ay para akong nakakulong sa mga braso niya."I want that one." inginuso pa niya ang gatas mula sa baso ko.
"Nainuman ko na yan, Kalen. Kumuha ka nalang ng iyo" inis kunwaring sabi ko habang hindi pa din makatingin sa kaniya.
"A little taste of your sweet mouth won't kill me, right?"
Napamaang nalang ako ng mabilis niyang kinuha ang baso at ininom ang gatas doon. I sighed when he finished drinking it.
"Ikuha mo ako ng bago--" naiinis ko siyang nilingon "sa bagong baso."
Dapat lang na ikuha niya ako dahil gatas ko naman ang ininom niya. Wait, that sounded so wrong! Mabuti nalang ay hindi ko sinabi iyon ng malakas, damn!
He chuckled, at ikinuha nga talaga ako ng bagong gatas pero iyon pa rin ang baso. Tibay ng mukha, share na kami ng laway diyan tsk. Hindi nalang ako nagreklamo at tinanggap nalang ang ibigay niya ang bagong gatas.
Hindi pa siya nakakaupo ng tumunog ang cellphone niya.
"Hello"
Wow, serious. Akala mo talaga kanina ay hindi mapagbiro. Ngayon kasi ay pati ang facial expression niya ay nag-iba."Good morning Mr. Ford, Im sorry for this early call, Sir, but I'm afraid you need to come here at the company. You have to personally sign some papers and Sir, the parcel is here."
He put the call on speaker so I heard his, I guess, secretary.
"Hmm, I'll be there" maikling sagot niya at pinatay na ang tawag.
Ininom ko na lang ang gatas kahit pa ramdam kong nakatingin siya sa akin. Nagkukunwaring hindi ko narinig ang usapan nila. Dumb dumb Axl, he put the call on speaker, right?
Ah basta.
BINABASA MO ANG
Blazing Romance
RomanceSecrets, lies and enemies. Are they willing to risk everything for love?