Chapter 6

40 6 39
                                    

"Stop putting beer into my basket Kalen. Kumuha ka ng sarili mo kung gusto mo talaga ng mga 'yan"

Ibinalik ko sa kaniya ang mga beer na nasa basket ko. Narito kami ngayon sa isang convenience store dahil pare parehas na kaming nabuburyo sa penthouse. Malapit lang naman ito sa building kaya pumayag na din si Kalen, nung una kasi ay ayaw niya. Pero wala siyang nagawa ng tatlo na kaming nag-aya.

Nakakabilib ang convenience store dito sa Hongkong, bukod sa madami kang pagpipilian ay kahit hindi malawak ang espasyo, napakasinop naman ng pagkakasalansan ng mga bilihin. People living here in Hong Kong are very good at using limited spaces. Also, there's a lot of free stuffs after you shop. May mga bilihin silang hindi ko pa noon nakita sa Pinas.

Isa sa palagi kong binibili dito ay ang Ceylon Lemon Tea. Hindi naman ako mahilig sa beer, si Claud ang naglalagay ng mga 'yon sa ref ko dati para raw pag nagpunta siya doon ay may iinumin siya.

Kumuha ako ng ilang piraso non at nilagay sa basket ko. Paglingon sa gawi ni Kalen ay nandon lang siya at nakapamulsang tumitingin tingin sa mga inumin.

"Just get some, ilagay mo na dito"

Buntong hiningang sabi ko. Nakakaloko ang ngiting ipinakita niya pagkatapos kong sabihin 'yon. Kumuha nga siya ng limang bote at nilagay lahat yun sa basket na dala ko.

"Let me carry that"

Dapat lang. Hinayaan ko nalang siya sa gusto niyang mangyari at ipinagpatuloy ang pamimili.

"Chocolate"

"Strawberry"

Hindi kalayuan ay naririnig ko na naman ang pagbabangayan nila Jaren at Onyx. Lumapit ako sa kanila para makita kung anong pinagtatalunan nila. Pareho silang may hawak na maliit na kahon. Pink ang kulay na hawak ni Jaren habang si Onyx naman ay kulay tsokolate.

"Axl! Come closer! Bilis."

Utos sakin ni Jaren, sa likod ko ay nakasunod lang si Kalen at pareho kaming walang alam sa nangyayari.

"Please tell him that strawberry is better than chocolate"

Nang makita ko ang paketeng hawak niya ay napahimas nalang ako sa batok ko. Really? Condoms? Ito ba ang pinunta ng dalawang 'to dito? Hindi naman na bago sakin iyon, nong college ako ay pinilit ako nila Claud na maglagay sa wallet dahil pampaswerte daw iyon. Hindi naman ako naniniwala pero dahil nilagay na nila sa mismong wallet ko ay hindi na rin ako umangal, I thought I could use it someday, but that someday didn't happened so I just threw it. I saw Onyx putting back the chocolate flavored condoms and just sighed. I think that's a sigh of defeat hahaha. Wala pa man akong sinasabi ay suko na agad siya kay Jaren.

"You're making him uncomfortable Kade. Put that condom back, walang bibili niyan ngayong gabi"

Utos ni Kalen sa kapatid.

"Even you kuya?" but as usual, Jaren is Jaren. Pinagtaas baba pa niya ang kilay habang tinutukso ang kapatid.

"No. I dont even need that, I like it r---"

Pabulong niyang sinabi ang iba kaya hindi ko na narinig pa. Onyx chuckled and punch Kalen playfully. Tumingin din ako kay Jaren at ganon din ang reaksyon niya. Ako lang ata ang hindi nakagets sa sinabi ng lalaking 'to.

"Let's just pay this, kailangan na nating bumalik"

Wala na kaming nagawa at sumunod nalang sa kaniya papuntang counter. Hindi na rin pinagtalunan pa ng mag-asawa ang condoms na hawak nila.

"Wanshang hao, Ta yao duoshao qian?"

I never thought Kalen knew how to speak Chinese. Here in Hongkong, there's just two main language, that is Chinese or Cantonese and the other one is English. Ilang buwan na akong nakatira dito pero hindi pa rin ako natututo ng lenggwahe nila. Lagi lang Ingles ang ginagamit ko sa pakikipag komunika.

Blazing RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon