"Uh, one iced americano please" pinilit kong palalimin ang boses ko habang sinasabi ang mga iyon. Natatawa kong tinignan ang pagpindot pindot ni Josh sa screen.
"Would you like to add some---yawa ka!" napatakip agad siya ng bibig matapos mapasigaw ng ganoon. Napatingin pa sa kaniya ang ilang customer na nasa loob ng cafe kaya agad naman siyang humingi ng dispensa.
"Where have you been, fucker?! Alam mo naman na dadalawa tayo dito, aabsent ka pa. Masaya ka ba sa off mo ha? Tangina mo talaga"
Sabi na nga ba at makakarinig talaga ako ng panenermon nito. Ipinakita ko nalang sa kaniya ang pinaka magandang ngiting kaya kong ibigay, pero ganoon pa din at nakakunot ang noo at salubong ang mga kilay niya.
"I have to take care of some things, Josh. Sorry na isinumpa,--" inambahan naman niya ako ng suntok kaya napaiwas agad ako.
Bumukas ang pinto mula sa stock room at iniluwa noon si Claud. Noong una ay hindi rin niya ako napansin pero nang makita ako ay casual lang siyang naglakad papunta sa amin."How are you?" nakapamulsang tanong niya sa akin.
"Okay naman. Uh, can we talk outside for a sec?" tumango lang siya at ipinasa kay Josh ang hawak na tray. Mukhang nag-aayos siya ng stock kanina bago ako dumating.
Lumabas kami at mula dito ay kita kong naninigarilyo si Kalen malapit sa kotse niya.
"What is it, Axl?" tanong agad niya ng makaupo kami sa bench na nakapwesto sa harap ng cafe.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, noong isang araw lang naman ako nakapagdesisyon nito."Uhh, I dont think makakapagtrabaho pa ulit ako dito sa cafe, Claud."
Natahimik muna kami ng ilang segundo. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, ganito naman lagi 'tong si Claud. Mahirap hulaan.
"I visited your apartment, you're not there. You moved out?"
This time, napayuko ako at hindi na talaga alam kung anong sasabihin sa kaniya. Hindi naman kasi naging malinaw ang huling pag-uusap namin at sa tawag lang iyon. Hindi ko personal na nasabi sa kaniyang lilipat ako.
"Okay, okay. I won't force you to spill it. But, are you sure? You won't work here anymore?"
Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. Simula nong napalaban sila Kalen ay napag isip isip kong hindi malabong madamay din sila Claud. They are after me, so I guess they will do everything, kahit pa mandamay ng iba makuha lang ang gusto nila. And I won't allow that. Kaya ngayon pa lang ay ako na iiwas sa kanila.
"Come on bud, bigyan mo naman ng ibang kasama si Josh, for sure urat na urat na sa akin 'yon. Give him a handsome one hahaha"
Pareho kaming natawa dahil sa suhestiyon ko. May halong katotohanan naman iyon ah, malay ba namin kung maging boyfriend pa niya ang papalit sa akin. Oh 'di no more sungit moments for him hahaha."Will you be okay?" sa tanong niyang iyon ay bigla akong napatingin sa direksyon ni Kalen. Hindi ko alam pero napangiti na lang ako ng maalala kung paano niya ako iligtas.
"That smile creeps me out. Are you in love?"
Inlove? I don't know. Hindi pa naman ganoon kalalim ito, I guess?
"Sus, you're just imagining things, Claud. OA mo ha, bawal ba ngumiti?!"
Kibit balikat lang ang sagot niyang 'yon sa tanong ko."Just visit here once in a while. And answer my call, that way, I'll get to know your whereabouts and to check if you're safe."
I smiled at him. Alam kong gusto niyang itanong kung anong nangyayari pero alam niya ding hindi ako handang sabihin 'yon.
"Thank you, Claud. Don't worry I'll be fine."
BINABASA MO ANG
Blazing Romance
RomansaSecrets, lies and enemies. Are they willing to risk everything for love?