Chapter 4

56 5 39
                                    

"Hey Claud,"

Bati ko sa kanya ng sagutin niya ang tawag ko. Kailangan ko kasing ipaalam na hindi ako makakapasok dahil na rin sa nangyari.

"What do you need?" kahit sa kabilang linya ay masungit din siya. Pero sanay na ako sa gantong ugali ni Claud, he may seem cold outside but for me, he'll always be a soft older brother.

"Can I take an off, for a week? Something came up and--

"What happened? I'll go to your apartment now"

I knew that this will be his reaction. Ayaw ko sanang lumiban sa pagtatrabaho dahil magtataka si Claud, pero sinabihan ako nila Jaren na magiging delikado hindi lang para sa akin kundi para na din sa mga kaibigan ko.

"You dont have to worry Claud, everything's fine"

I want to believe what I just said to him. Pero hindi ganoon iyon. Someone wants me dead so I have to be very careful from now on.

"Are you sure? We can close the cafe today, I'll go to your apartment."

"Aww, you miss me that much? Dont worry you'll see my handsome face once I get back hahaha"

Dinaan ko nalang sa biro ang sinabi ko sa kanya. I dont want to worry him, I dont want him to get involved.

"Fucker. Get back here soon, Josh will really kill you"

Natawa ako sa huli niyang sinabi. Naiimagine ko palang ang mukha ni Josh habang tinatalakan ako ay nakakatawa na.

"Yeah baka ipasa pa sakin ang sumpa 'non hahaha, anyways, thanks Claud"

He went silent for a couple of second.

"Yeah. Call me if you need anything"

Yun lang at siya na din mismo ang pumutol sa tawag. I sighed when it ended. Hindi ko alam kung totoong isang linggo lang akong mawawala, but I hope things will get back to normal as soon as possible.

Alas otso palang ng umaga at tulog pa ang iba. Sanay naman akong gumising ng maaga dahil na rin sa may trabaho ako. Claud hates late, napakaseryoso ng lalaking iyon sa cafe niya. Minsan ay tinutukso namin siya ni Josh na iyon na ata ang girlfriend niya, but knowing Claud, he will just shrugged at our jokes.

Dumiretso nalang ako sa kusina ng mapagpasyahan kong magluto ng almusal. For sure, wala akong maaasahan kila Jaren dahil di naman marunong ang mga iyon, hindi ko naman din alam kung marunong ba si Kalen at isa pa, nagpapagaling pa ang isang 'yon.

Just like in the Philippines, I observed that Hongkong's breakfast are simple yet delicious. So I  decided to make a seasoned noodles topped with egg and luncheon meat. I also prepared a congee, others called it rice porridge especially western countries, paired with fried dough stick and that's for Kalen. I remember Claud cooked this when I was sick, sabi niya makakatulong daw yon for fast recovery.

Malapit ng matapos ang mga niluluto ko ng may umupo sa silyang nakaharap sa counter table. When I looked at him, I saw Kalen.

"Oh, you're up. Okay ka na ba?" pabalik balik ang tingin sa niluluto at sa kaniya.

"Still weak, but my stomach wakes me up" seryoso na namang aniya.

Natawa ako ng mapansing nakahawak siya sa tiyan niya. Pinakain naman siya ni Jaren kagabi dahil kailangan niyang uminom ng gamot, mataas kasi ang lagnat niya epekto na rin siguro ng natamo niya sa balang may lason, pero hindi naman siya ganoon nakakain. Ngayon pa lang siguro umeepekto ang gutom niya hahaha.

Sumandok ako sa congee at isinalin sa may kalalimang mangkok.

"Here, it's congee, uhm, I dont know if you'll like it. But eat it anyways, it's for your fast recovery"

Blazing RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon