"Wait, I dont want to be rude, but who are you? Paano kayo nakapasok dito sa apartment ko?"
Tanong ko sa mga lalaking prenteng nakaupo sa sofa ko ngayon. They seem harmless but I cant let my guard down. Ngunit sasagot palang sana yung nagpakilalang Jaren ng may marinig kaming kumakatok sa pintuan.
Naging alerto naman ang dalawa at nagulat ako ng mula sa likod ng pantalon nila ay tig isa silang humugot ng baril.
What the fuck is going on?!
Hindi agad ako nakapagsalita at nakabawi sa pagkagulat hanggang sa makita ko nalang silang dalawang pumwesto sa magkabilang parte ng pinto.Kumatok pa ulit ang nasa labas at sa pagkakataong to ay mas malakas na. Nagsenyasan ang dalawa at dahan dahang lumapit sa pinto. Si Jaren ang nakahawak sa doorknob at nasa likuran naman niya ang isa pa. Jaren suddenly open the door and Onyx pointed the gun to whoever is outside. But when they saw the man standing and was about to knock again, they also stepped outside to welcome him.
"Akala ko ba bukas ka pa dadating?" ngayon ay binabalik na ni Onyx ang baril niya sa likuran, habang si Jaren naman ay nilock na muli ang pinto.
"Chief wants me to go here as soon as possible." the man said. Tumingin siya sa gawi ko at alam kong nahalata niya ang kalituhan sa mukha ko. Lumapit na muli sa pwesto ko si Jaren kaya sumunod nalang din ang dalawa.
"Sino ba kayo?" tanong ko na naman sa kanila. Baka mamaya ay may dumating na naman at kumatok sa pintong yan.
"I told you earlier, Im Jaren, this is Onyx and that's my brother, Kalen" si Jaren na naman ang nagsalita. Nilalantakan niya ngayon ang isang chips na galing sa binili niya kanina.
"Alam ko na yan, pero ano bang ginagawa nyo dito? Hindi ko naman kayo kilala and Im sure na hindi ko pa kayo kailanman nakita. So why the fuck are you here at paano nyo napasok ang apartment ko? " tuloy tuloy na tanong ko sa kanila. Onyx is just giving me a bored look and this Kalen guy is just staring at me.
"Someone gave us the order to protect you and that is why we are here" malalim ang boses na sagot ni Kalen. Nakapamulsa at nilalaro sa isang kamay ang susi siguro ng kotse.
Ngayon ay mas naguluhan ako. Protect me from what? From who?
"What do you mean protect me? Im doing good all along at basta basta nalang kayong sumulpot. I dont even know you guys personally" naupo ako at tumingin sa kanilang tatlo. Mukha silang mga desente sa totoo lang pero hindi ko pwedeng paniwalaan ang sinasabi nila.
Ilang minuto pa silang nakipagtitigan sakin ng bumuntong hininga si Jaren. Ipinagpag ang kamay dahil sa kinain na chips at naka-dekwatrong umupo naman ngayon.
"Alese Cuizon, that's your mother's name, right?"
I stilled when I heard my mother's name from him. How did he know that? Iilan lang naman ang mga kaibigan ni Mama kaya nakakapagtaka na kung isa ito sa mga anak ng kaibigan niya ay bakit hindi ko sila kilala?
"Paano niyo nakilala si Mama?" umaasang tanong ko sa kanila. Maybe they had connections with her? Na baka alam talaga nila ang nangyari sa kanya ng gabing yon.
"Hindi namin kilala ng personal ang mama mo. Chief just gave us some info's about her and said that you need protection."
Napahawak nalang ako sa sintido ng maramdamang sumakit ang ulo ko. They are giving me informations yes, and they are answering my questions but still, I dont seem to get it. All of it.
" Who's this Chief? I'll talk to him. Hindi ko kailangan ng proteksyon. Maayos akong namumuhay at maayos din ang trabaho ko." nawawalan ng pasensiyang sinabi ko sa kanila.
But to my disappointment, walang nagsalita at nagabalang sagutin ako. They are just sitting there like I didnt exist at all.
"Makakaalis na kayo, you may be know my Mom pero hindi ko kayo pwedeng patuluyin ng ganon nalang dito. So go now" mariing utos ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Blazing Romance
RomanceSecrets, lies and enemies. Are they willing to risk everything for love?