Chapter 14

41 1 0
                                        

"Good morning Mr. Ford." kinikilig na bati ng mga babaeng empleyado ni Kalen sa kaniya. Wala namang pake ang binati nila at basta lang naglalakad papunta sa elevator.

Palinga linga ako sa paligid kahit nakapunta naman na ako rito dati. Kaninang umaga ay tinawagan muli siya ng sekretarya niya dahil may importanteng meeting daw ang mga ito sa isang investor. Ayaw pa sanang umalis sa pagkakahiga ni Kalen pero pinilit ko na siya.

Habang naglalakad ay may nakasalubong si Kalen at tuluyan ng nakipagusap sa taong iyon. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang tingin ng ibang empleyado sa akin. Tila kinukwestiyon kung sino at kung ano ako sa buhay ng boss nila. Nakapamulsang yumuko na lang ako at hinintay matapos makipagusap si Kalen.

"Why?" nag angat ako ng tingin at nasa harapan ko na pala siya. Ngumiti lang ako umiling. Not minding everyone, he grabbed my hand and intertwined it with his. He then kissed the back of my hand. Nag init ang pisngi ko dahil sa ginawa niya. Im sure, everyone saw that.

"Let's go babe. I have a meeting, hmm?"

Hindi na ako nakapagprotesta pa nang hilain niya ako patungong elevator na papanhik sa office niya. Hanggang sa loob ay hindi pa din niya binibitiwan ang kamay ko.

"Ba't mo ginawa 'yon? Im sure everyone saw what you did," sabi ko habang nakatingin sa kamay naming magkahawak.

"What's wrong with that? Nahihiya ka bang hawakan ang kamay ko sa harap ng maraming tao?" malamig ang tono ng boses niya at hindi nakatingin sa'kin.

Unti unting kumakalas ang pagkakahawak niya sa kamay ko hanggang sa tuluyan na niyang bitawan iyon. Bumukas ang elevator at andito na pala kami sa floor kung nasaan ang office niya. Mabilis na lumabas si Kalen at sinalubong naman siya ni Sei.

"Good morning.." hindi pa yata alam ni Sei ang pangalan ko kaya nagpakilala na din ako sa kaniya.

Para namang walang kasama si Kalen at tuloy tuloy lang sa pagpasok sa office niya. Napabuntong hininga na lang ako dahil mukhang hindi naging maganda ang intindi niya sa tanong ko kanina. Of course I am ashamed. But not because of him, or the way he hold my hands. Hindi ko kasi mapigilang isipin kung ano ang magiging reaksyon nila sa kaniya. He almost got everything, and here I am, just me. I got nothing. Plus, Im a man, just like him. Their boss falls for a guy.

Pagkapasok ko sa office niya ay naabutan kong naroon na siya at abala sa pagaayos ng mga papeles na nasa lamesa niya. Nakakunot ang noo at seryosong nagbabasa.

"All the files you need are there Sir. Please call me if you need anything."

Nginitian ko lang si Sei ng magpaalam din siya sa'kin. Pagkalabas na pagkalabas niya ay lumapit ako sa pwesto ni Kalen at pinaikot ng bahagya ang swivel chair niya. Nagtama ang tingin naming dalawa pero mababakas ang pagkairita sa mukha niya.

"Stop sulking," aniya ko habang pinupwesto ang kamay sa magkabilang gilid ng upuan niya
"Hindi bagay sa mukha ng boyfriend ko." panunukso ko sa kaniya.

Nakita kong nagbago ang emosyon sa mga mata niya. Kung kanina ay naiirita siya, ngayon ay tila nagpipigil na lang itong ngumiti.

Inilapit ko ang mukha sa kaniya at dinampian ng halik ang noo niya. Atsaka ako nagbaba ng tingin sa mukha niya. I am staring at his eyes for a moment, then my gaze started to land on his lips. Its like its inviting me to kiss it, and so I did.

My plan was to give him just a peck on his lips but it became deeper when he stood up and caught my waist. Naikawit ko na lang ang mga kamay ko sa batok niya dahil mas matangkad siya kumpara sa akin. We're kissing passionately that I just see myself leaning on his working table. Hindi pa talaga kami nakontento dahil pinaupo pa niya ako mismo sa mesa niya ng hindi napuputol ang halik, nagpapaubaya naman ako dahil hindi ko rin naman kayang tanggihan ang paghalik niya.

"Fuck.. Hindi ko yata kayang magtampo ng matagal sa'yo, lalo na kung ganito ka manuyo." Kalen said as we broke the kiss.

We're both catching our breaths as if we join a marathon. Hinawakan ko ang mukha niya at marahang hinaplos iyon. Hinuli naman niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Nangiti ako dahil sa ginawa niya.

"Hindi ako nahihiyang hawakan mo ang kamay ko. Naisip ko lang kanina kung ano magiging reaksyon nila dahil lalaki rin ang karelasyon mo. I don't want to ruin your image, Kalen."

Binigyan muli niya ako ng marahang halik at saka tumingin sa mga mata ko.

"As long as I know that we both share the same feeling, I dont really care about what others might think. All I care about is you babe."

Cheesy as it may seem but I'm glad that he thinks that way and I think he has a point. And I just came into this realization that loving someone who has the same gender as you doesn't make you less of a person.

"Sir the Shin---Im sorry, I'll just come back Mr. Ford."

Mahinang natawa si Kalen sa biglaan ko ring pagtayo sa lamesa niya. Tumingin ako sa gawi ni Sei pero umiwas lang ito ng tingin, pinamulahan mas lalo ang mukha ko sa di ko malamang dahilan.

Its not like we're doing nasty things!

"I'll be there in a minute, Sei. Thank you."

Agad namang tumango ang sekretarya niya at lumabas na ng silid. Ako naman ay tumungo sa bookshelf niya at tumingin ng pwedeng basahin. Nang makapili na ako ay dumiretso ako sa isang single sofa at sinimulan magbasa.

"You won't come?" tanong ni Kalen kaya nag angat ako ng tingin sa kaniya.

"Nah, hintayin na lang kita dito. Wala naman akong gagawin doon sa meeting mo."

He just nod and give me a kiss on my forehead.

"Don't go anywhere. You can ask for food when you got hungry, just press that intercom, it'll connect you to the company's pantry."

Sunod sunod naman ang pagtango ko na parang bata. Nang makaalis si Kalen ay pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa. Hanggang sa matapos ako ay wala pa din siya kaya unti unti na din akong nabuburyo. Inilabas ko ang cellphone ko at nagbrowse na lang sa internet. I was busy watching some videos online when my phone rang and an unregistered number showed up.

"Hello? Who's this?"

Sa una ay tahimik ang kabilang linya hanggang sa pumalahaw ang sigaw ng isang pamilyar na boses.

"What the---who are you?!" hindi ko na mapigilan ang pagtaas ng boses ko ng kasunod din no'n ay ang sigaw ng isang pang tao sa kabilang linya.

Magsasalita pa sana ako ng bigla na lang namatay ang tawag kasunod ng isang video message.

Agad akong nanghina ng makita ang video nila. Nakagapos ang mga kamay at duguan na.

No! Not Claud and Josh! Not them!

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko ng may matanggap na naman akong mensahe. Agad akong tumayo at lumabas ng office ni Kalen. I heard someone called my name but I was too occupy to give a fuck.

Pagkabukas ng elevator ay mabilis akong lumabas sa company ni Kalen kahit pa tila wala ako sa sarili. Hindi ko alam kung ano ang sunod kong gagawin.

"Act normal. Just follow my instructions and your friends wont be hurt."

Naramdaman ko ang matalas na bagay sa may bandang tagiliran ko kaya hindi na ako nanlaban pa. Isa pa, masyado kong iniisip ang kalagayan nila Claud.

A black van stopped in front of us and instruct me to get inside. Pagkasakay niya ay nagsuot siya ng face mask katulad ng sa driver na ipinagtaka ko. As the driver maneuvered the car, nakaramdam ako ng pagkahilo. Something is inside this car that makes me feel sleepy. Pabigat ng pabigat ang talukap ng mata ko and the last thing I heard was..

"Boss. We got him."

Blazing RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon