I woke up and saw a colored cream ceiling. Nandito ako sa silid ko ngayon, mukhang nakatulog ako kanina habang kinakantahan ni Kalen. Ang huling natatandaan ko ay nasa sala kami kanina. Binuhat ba niya ako papunta rito?
Bumangon ako at dumiretso muna ng banyo para maghilamos, pagkatapos ay lumabas ako at tumingin sa orasan. Fuck, it was already 7pm. Hindi pa ako nakakapagluto, for sure ay nagrereklamo na naman si Jaren ngayon na gutom na. Ayaw naman niya kasi matuto, siya pa ba magrereklamo? Sakalin ko kaya siya? Winaksi ko ang kalokohang naisip at tuluyang lumabas ng silid.
"He fucking deserve it. Kulang pa nga 'yong nangyayari sa kanila ngayon ng kapatid niya."
Naabutan kong naguusap usap sila sa sala at ang seseryoso ng mukha.
"What exactly did you do, kuya?"
Tanong ni Jaren sa kapatid. Nililinis nito ang sugat ni Onyx sa braso. Habang si Kalen naman ay nakapande kwatrong upo sa sofa."Burned his ship, steal their investors, and I secretly bought their company."
Damn, he bought a fucking company?! Just, how wealthy is this man?! Para kasing wala lang sa kaniya na bumili ng kumpanya.
"They didn't notice that you, their enemy, bought it?" tanong rin sa kaniya ni Onyx. Ako naman ay pasimpleng nakikinig sa usapan nila ng hindi nila nakikita.
"They are too desperate. Naging madali sakin gawin yon dahil maikli na lang ang nilalakaran nilang tulay. Ni hindi na nag-isip si Hong ng pirmahan niya ang papeles na iniabot sa kaniya. Tanga ang isang 'yon"
I chuckled when he said that Hong is dumb. I mean, he really is. Napatingin tuloy silang tatlo sa kinaroroonan ko, kaya umayos ako ng tayo at lumapit sa kanila.
"Hey baby, gising ka na pala"
Nahiya naman ako ng higitin niya ang bewang ko at isubsob ang mukha sa tiyan ko."Ayan na naman sila! Jusko, label muna ehem!"
Pagpaparinig ni Jaren sa aming dalawa. Kalen raised his middle finger kaya mabilis ko iyong sinaway. Tumingin naman siya sa akin at tumaas ang sulok ng labi.
"Kumain na kayo?" tanong ko sa kanila. Saka ko lang napansin ang mga bote ng alak sa center table. Mukhang magkakainuman ang mga ito.
"'Wag kana magluto Axl. Nagpadeliver na kami," kapagkuwan ay nagbago ang itsura ni Onyx at tila nasasaktan "A-aray ko naman, dahan dahan lang Jaren. Sana sinabi mong galit ka para hindi na ako nagpatulong magpagamot sayo" reklamo niya.
"Hahaha sorry, akala ko kasi scratch it. Baka kako may lumabas na 50 pesos" natatawang sabi ni Jaren. Siraulo, kita ng may sugat kung ano ano pang ginagawang kalokohan sa asawa niya.
Lumingon naman ako kay Kalen na nakayakap pa din sa bewang ko. Tarsier? Pero ang gwapo namang tarsier nito kung sakali. Pinitik ko ang noo niya para bumitaw siya at para makaupo ako.
"You sleep like a baby, ni hindi ka nagising ng buhatin kita"
Totoo ngang binuhat niya ako. Lakas naman nito, sabagay nung napaaway pala sila ay binuhat niya rin ang kalaban at basta nalang tinapon na parang basura hahaha. Umusog siya para makaupo ako sa tabi niya.
"You did all that to Hong?" tanong ko sa kaniya. Nag iwas siya ng tingin at inabot nalang ang alak sa center table.
"Told ya, he's a beast. Hindi dapat ginagalit si kuya hahaha"
Binebendahan na ngayon ni Jaren ang sugat ni Onyx. Umabot din sila ng tig isang alak pagkatapos.
"Hindi naman ganon ang tingin ko sa kanya.." sumandal ako sa sofa at tumingin kay Kalen. I've seen him in his serious mode, at kahit pa yata makita ko siyang galit ay hindi mababagong gusto ko ang lalaking to.

BINABASA MO ANG
Blazing Romance
RomanceSecrets, lies and enemies. Are they willing to risk everything for love?