Nagmulat ako ng mata ng makarinig ng mahinang kaluskos galing kung saan. Saglit pang nanlabo ang paningin ko dahil na din siguro sa kagigising ko lang. Nang luminaw iyon ay tumambad sakin si Jaren na nakangisi at tinataas baba pa ang kilay.
"You're back. Where's Onyx?" tanong ko ng hindi ko mapansin ang asawa niya sa paligid.
"May hinihintay sa baba, pa-akyat na din siguro 'yon."
Tatayo na sana ako ng maramdaman ko ang kamay na nakapulupot sa bewang ko. I saw Kalen's arm snaked around my waist and is peacefully sleeping beside me. Nakatulog na pala kaming dalawa dito sa sala, ang huling naalala ko kagabi ay nagkwekwentuhan kami sa mga bagay bagay. Hindi ko alam kung paanong nakasandal na ako sa kaniya. Magdamag kayang ganoon ang posisyon namin sa pagtulog? Hindi ba nangangalay ang isang to?
Inayos ko nalang ang ulo niya at ipinaunan sa balikat ko. Ayaw ko pa siyang gisingin dahil mukhang napagod siya kahapon kakapirma ng papeles, at dahil na din sa Hong na iyon.
"I've never seen my brother like this. He's always tough, ruthless when it comes to business. Ang sabi pa nga ng iba ay nakakatakot daw siya,"
Mahinang natawa si Jaren na parang may naalala sa kuya niya.Inaayos ko naman ang buhok niya para hindi matakpan ang mukha niya, kapag kasi andito lang kami sa penthouse ay hindi naman siya gumagamit ng kung ano para ayusin ang buhok niya, bagsak lang iyon. Maliban kung aalis siya, doon ko lang nakikitang nakaayos ang buhok niya. Nevertheless, he looks handsome in both hair style.
"But, iba ang nakikita ko sa kuya ko ngayon. Sometimes I feel like he's lifeless, specially when our mom died. Palaging tahimik, pero kapag ginalit siya ay talagang tripleng karma ang babalik sa taong gumalit sa kaniya."
And then I remembered Hong. Kalen said something yesterday about revenge. And I saw how Hong got scared. Ano nga kayang mangyayari sa magkapatid na iyon?
"Wake up now kuya, 'wag mo masyadong enjoy-in ang pagkakaunan kay Axl"
Kalen grab the small pillow and throw it to his brother with his eyes half closed. Siniksik pa niya ang ulo sa leeg ko kaya nakikiliti ako.
"Gising na, hindi ka ba nangangalay sa pwesto mo?"
Tinatapik tapik ko ang pisngi niya para gumising na siya. Ako ang nahihirapan sa pwesto niya, mas matangkad siya sakin at nakaunan pa siya sa balikat ko kaya alam kong hindi komportable iyon sa kaniya.
"5 minutes. You fuckin' smell good, hmm"
Nilalayo ko ang leeg sa kaniya dahil nakikiliti ako sa ginagawa niyang pag amoy doon. Natawa ako ng sa kakalayo ko ay natumba kaming pahiga sa sofa.
"Ang haharot tangina. Nawala lang kami ng ilang araw may ganito na palang nagaganap, tch"
Tinignan naman siya ng masama ni Kalen at pinakitaan ng gitnang daliri. Imbes na maasar ang kapatid ay dumila pa ito sa kaniya. Parang bata.
"Make some breakfast Axl please. Mamamatay na ako sa gutom"
OA na pagkakasabi ni Jaren. Nakanguso pa siya kaya naalala ko ang pag nguso din ni Kalen kagabi. Magkapatid nga hahaha.
"Mang uutos pa. Gumawa kang sarili mong agahan, Jaren"
"Pwede naman, basta ba handa kang magpa-renovate ng penthouse kuya"
Sinipa ni Kalen ang binti ng kapatid kaya gumanti naman ito hanggang sa tuluyan na silang nagpalitan ng suntok at sipa sa isa't isa. Ako naman ay nakatingin lang sa kanila at pinapanood kung paano nila mabilis nasasalag at naiiwasan ang bawat pag atake nila. Para lang silang naglalaro sa hangin dahil sa bilis, hindi ko rin alam kung paanong wala silang nasasagi ni isang gamit na madaanan nila.
BINABASA MO ANG
Blazing Romance
RomantizmSecrets, lies and enemies. Are they willing to risk everything for love?