Chapter 14

18 1 0
                                    

Breakdown

"Are you okay? Kanina ka pa tahimik." Rinig kong sabi ni Styx.

Naglalakad kasi kami ngayon sa subdivision at pauwi na sa bahay. Sabi ko sa kanya wag niya na ako ihatid kasi baka pagod siya pero nagpumilit pa din.

"Hmm I'm fine. Inaantok lang."

"Alright."

Pagkarating namin sa bahay ay agad akong nagpaalam kay Styx.

"Pasok na ako, text me when you get home." Sabi ko at bubuksan na sana yung gate nang bumukas din ito.

"Selene."

I frozed when I heard mommy's voice. Bumitaw ako kay Styx at mabilis na lumingon kay mommy.

"M-Mom.." what is she doing here? Akala ko mamayang gabi pa siya uuwi!

"You're with someone?"

"Ah o-opo mommy, uuwi na po siya." Tumingin ako kay Styx at tumango naman siya.

"Good afternoon po maam, uuwi na rin po ako."

"Oh no, pumasok ka muna. This is the first time Selene brought a boy here."

Nauna nang pumasok si mommy kaya tumingin ako kay Styx at nagbuntong hininga.

"Come on."

Pagkapasok namin ay nakita ko si daddy na nakaupo sa sofa. Agad akong lumapit sa kanya at binati siya.

"Dad.." he turned to me at ngumiti.

"Princess, nandito ka na, oh you're with someone, upo ka iho."

Umupo naman si Styx sa harap ni daddy at si mommy naman ay tinawag si manang upang kumuha ng pagkain.

"Salamat po."

"I bet you're close to Selene, ikaw yung unang lalakeng pinapunta niya dito." Sabi ni mommy at tumingin sakin

"Ah opo, matagal na po kaming magkakilala ni Selene, maam." Sagot din ni Styx.

Damn it. I know mom is being suspicious right now kaya sasabihin ko na lang sa kanya na boyfriend ko si Styx. I'll just accept everything she will say.

Tumingin ako kay Styx bago nagsalita.

"Actually mom, Styx..Styx is my..." nakita kong umiling si Styx at bumaling kina mommy.

"Thalia is my close friend maam, tinulungan niya ako one time kaya kami naging close." Sagot ni Styx kaya bumaling sakin si mommy.

"Is that so, Selene?"

"Uh o-opo mommy.."

"Oh well, that's nice. Mabuti naman at may kaibigan si Selene."

"Ano nga ulit ang pangalan mo iho?" Tanong naman ni daddy

"Styx po sir. Styx Ryder Santaella."

Nakita ko kung pano natigilan si daddy dahil kay Styx. Si mommy naman ay agad ding tumingin kay daddy.

"Dad? May problema ba?" Tanong ko

"Wala anak. Well, maiwan muna namin kayo dito may pupuntahan pa kami ng mommy mo." Tsaka si daddy tumayo at hinawakan si mommy sa kamay.

"Hindi mo man lang ba kamamustahin ang mommy niya? You met her son." Rinig kong sabi ni mommy kay dad.

"History repeats nga naman." Dagdag pa ni mommy at lumabas na sila ni dad.

"Magkakilala ba sina mommy at si tita?" Tanong ko kay Styx

"Hindi ko alam. Bakit?"

"Wala naman. Kumain ka muna. Aakyat lang ako sa kwarto."

It's Not All RosesWhere stories live. Discover now