Rumors
Maaga yung shoot ko ngayon kasi mamayang 1 pm yunh flight ko pabalil ng iloilo. Nasa rooftop kami ng Azalea kasi nandito yung pool nila na sinara din for the shoot.
"Okay na ba yung paa mo? Kaya mong maglakad?" tanong ni Allen habang inaayos yung make up ko.
"Yup! Okay lang." sagot ko at ngumiti. They are really taking care of me, hindi lang dahil sakin sila nagtatrabaho, they treat me as their friend.
"Wait lang Selene ah, may inaayos pa kami." sabi nung photographer kaya tumango ako. Yung lighting ata yung inaayos kasi mahirap pag underwater.
"Okay lang po." sagot ko at bumaling kay Ylona
"Yona" tawag ko
"Yes?"
"Yung tungkol sa cake na sinabi ko sayo, pwedeng ikaw na lang yung pumunta? Ibibigay ko na lang yung pera sayo." sabi ko. It's for Lance's birthday kasi, and sabi ko kay Troy ako na yung bahala sa cake.
"Oo naman, ilang cake ba?"
"Five. I have the receipt naman, at kukunin mo na lang sa Saturday ng umaga."
"Oh sure."
"Uh Selene.." lumingon naman ako kay Mitch ng tawagin niya ako.
"Hmm?"
"Si Engr. Santaella, hinahanap ka." kaagad na nabura ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Si Yona naman ay napatingin din sakin.
"Saan siya?" tanong ko
"Andyan na oh" tsaka niya tinuro si Styx na paparating. He's wearing a shorts and a white shirt, may shades din siyang suot habang nakapamulsang naglalakad papunta sa amin.
"Omg. Ang gwapo." bulong ni Allen kaya mabilis akong umiwas ng tingin.
"Hi" rinig kong bati ni Styx sa mga kasama ko
"Hi Engr! Upo ka!"
Naramdaman kong umupo si Styx sa tabi ko. Tss, ano bang ginagawa niya dito? Nagtataka na sina Allen kung bakit sunod ng sunod to eh.
Hindi ba siya hinahanap ng girlfriend niya? Oh baka naman sinasabi niya lang na may trabaho siya? Tss, ibang babae ata tinatrabaho nito.
Oo, Thalia. At ikaw yon.
Wtf? No way, at kelan pa siya natutong mambabae? Hindi ko siya tinuruan ng ganon. Sa loob ng tatlong taon namin, hindi kami nag away ni minsan tungkol sa pambababae na yan o sa pag checheat. I mean, minsan yung mga nagbibigay ng gifts sakin ay pinagyatalunan namin pero never yung nanghinala kami sa isa't isa na may iba.
Napakasama nito, ano na lang maratamdaman ng girlfriend niya pag nalaman niyang nambababae yung lalakeng to? Isumbong ko kaya siya?
"Ba't hindi mo sinasagot yung mya tawag ko?" tanong niya
"I'm busy." tipid kong sagot at kinuha yung juice sa table at ininom.
Gosh, so hot.
"I can see that." he sarcastically answered. See? Pati yan alam niya nang sagutin ako ng ganyan.
"Ano bang ginagawa mo dito? Ba't ka sunod ng sunod?"
"What's wrong with you? Ang aga aga ang init ng ulo mo." yan. Answer me with another question, Santaella. Magaling.
Hindi na lang ako sumagot at tumingin sa set namin. Mukang okay naman na.
"Selene, lika na."
Tumayo na ako at kumapit kay Ylona. Masakitpa rin kasi yung paa ko. Nagka sprain ata yung ankle ko.
YOU ARE READING
It's Not All Roses
Teen FictionIloilo City Series #1 Thalia Selene Buenavente, daughter of a governor and a famous businesswoman, Selene is a paragon in the eyes of other people. All she did is to follow her mom, not until she met this guy, Styx Ryder Santaella, the breadwinner o...