Anniversary
Today is our anniversary, We decided to have an overnight sa isang beach resort dito sa Carles. Kasama ko din si Troy at Thea kasi si Troy yung nagpaalam kay mommy na isasama daw niya ako.
"Maliligo ba tayo after? Gusto ko sa beach!" Sabi ni Thea habang kumakain kami ng dito sa kanilang restaurant.
Kita niyo? Sinama lang siya ni Troy dito okay na agad sila. Parang mga baliw talaga.
Hapon na kasi ng makarating kami at kumain kami agad.
"Bilisan natin, may sunset na maya maya." Sabi naman ni Troy
We hurriedly finished our late lunch, pagkatapos ay bumalik kami sa Villa. Kumuha ako ng dalawang Queen villa kasi sa isang villa ay isang queen sized bed lang. Magkatabi lang naman yung villa namin. Nasa harap ng pool yung villa tapos yung beach nasa harap din ng pool kaya malapit lang.
"You're wearing that?"
Lumingon ako kay Styx, nakasimangot siya habang nakatingin din sakin.
"What do you want me to wear? Pants and jacket?" I sarcastically answered.
I am wearing kasi a two piece bikini na kulay black.
"Thalia.." he warned me.
I smiled sweetly and walked towards him. I wrap my arms around his waist and kissed him on his lips.
"Please?"
"Fine. Just don't leave on my side."
"Of course." I kissed him again bago siya hinila palabas.
Nakita ko sina Thea at Troy na nag pipicture sa labas kaya lumapit kami.
"Wew, sexy buwan oh." Ngumisi ako kay Troy bago lumapit kay Thea.
"Let's go. Sa beach tayo, mag susunset na." Sabi ko at hinila na siya
"I'll take a picture of you, go."
Tinulak niya ako papunta sa dagat kaya natatawa akong tumayo doon. The sunset hit my back, and the cold water of the sea run through my feet.
"Gosh, so pretty, Thalia."
Tumawa naman ako. Gaga talaga.
"No wonder grabe makabakod si Styx." Tsaka tumawa siya ng malakas kaya napailing ako.
"Sira ka. Patingin nga."
Lumapit ako sa kanya at tinignan iyon. Not bad. Mas pumayat ako ngayon kesa noon.
"Dalawa tayo." Sabi ko
"Hi! We can take you a picture if you want. Do you need help?"
May lumapit na dalawang lalake samin, they must be a tourist too.
"Oh okay, sige. Thanks."
Binigay ni Thea yung phone niya sa lalakeng naka white. Tumayo pagkatapos si Thea sa tabi ko at humawak sa bewang ko.
The guy took a couple of shot bago binaba ang phone at lumapit samin.
"Done." Ngumiti siya at binigay kay Thea yung phone
"Thank you, tourist din kayo?" Tanong ni Thea
"Yup. We're from Bacolod. Kayo?"
"Iloilo."
Tahimik lang ako sa tabi ni Thea habang nag uusap sila nung lalake, ang kasama naman niya ay nakatayo din sa tabi niya. Tumingin ito sakin at ngumiti kaya ngumiti din ako.
YOU ARE READING
It's Not All Roses
Teen FictionIloilo City Series #1 Thalia Selene Buenavente, daughter of a governor and a famous businesswoman, Selene is a paragon in the eyes of other people. All she did is to follow her mom, not until she met this guy, Styx Ryder Santaella, the breadwinner o...