Chapter 18

22 1 0
                                    

Blessing

The next day, I came to school early because we have a practical today. Dumiretso ako sa botanical garden kasi nandon sina Therese naghihintay. Umupo ako sa tabi ni Cass at ininom yung coffee kong dala.

"Diba walang pasok sa friday? Holiday? Kita daw tayo sabi nina Kris!" Umangat naman yung tingin ko kay Rese. Really? Walang pasok ba?

"Okay lang naman, diba? Thea? Si Kate kasi pumayag na eh."

"Sige. Game ako, san ba tayo?"

"Bucari tayo, camping." Suggest ko

"Pwede. Sige sabihan ko sila mamaya."

Maya maya ay umalis na rin kami at naglakad papunta sa room. Habang naghihintay kami sa labas ng room ay biglang nag vibrate yung phone ko kaya kinuha ko iyon at tinignan.

From: My Engineer

Look up.

That's what it said kaya dumungaw ako sa fifth floor at nakita ko si Styx na nakasandal sa terrace ng fifth floor doon sa kabilang building. Magkaharap kasi yung building ng medtech tsaka yung sa engineering tapos yung kaharap naman ng engineering ay yung business building.

Kumaway ako sa kanya at ngumiti kaya napatawa siya at tumango din. Nakita ko pati yung mga katabi ni Styx na kaklase niya ay kumaway din sakin.

"Gagi hanap din ako ng engineering sa kaklase ni Styx." Sabi ni Thea sa tabi ko.

"Ayaw mo na talaga kay Troy?" Tanong ko at tumingin sa kanya. Hindi naman siya sumagot at nagkibit balikat na lang.

After our practical ay agad kaming nag celebrate. That's one of the hardest practical we had. Puro parasite yung titignan mo sa microscope at pare pareha lang yung mga mukha.

"Gusto ko na lang maging parasite, Ascaris lumbricoides para malaki."

Napatawa naman kami kay Cass. Parang tanga!

"Kadiri ka, Cass! Gusto mong pagiling giling ka lang sa loob ng tyan?"

"Baka kumakain tayo? Ganyan pinag uusapan niyo!" Sigaw ni Thea

"Gago parang di ka kumain pagkatapos mong humawak sa tae ha!"

Oh my god. Ano ba naman to, bakit ganito pinag uusapan namin?

"Thalia, ikaw na lang mag papass ng lab manual natin sa office?" Tanong ni Therese sakin

"Yup. Bigay niyo na lang. Hihintayin ko naman si Styx sa loob eh." Sagot ko

"Okay. Kailangan ko kasing umuwi eh."

"That's fine."

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na ako sa loob ng university para magpasa ng mga lab manual namin. Papalabas na ako sa building papunta na sana kay Styx ng bumuhos yung ulan. Great.

Wala pa naman akong payong, hihintayin ko na lang bang tumila? Pero baka mas lumakas pa to. Kinuha ko yung bag ko at nilagay sa ulo ko. I was ready to run ng biglang may humawak sa bewang ko at pinigilan akong tumakbo.

"Madulas ka."

Agad akong lumingon ng marinig ko iyon. Sumalubong sakin yung mukha ng manyak na nakangisi at may dalang payong! What the hell?! Anong ginagawa niya dito?!

"You pervert! Let me go! Manyak!" Sigaw ko at tinulak siya. Napalingon naman samin yung ibang estudyante dahil sa pagsigaw ko. God!

"Chill. Hindi naman kita minanyakan." Natatawa niyang sabi.

"That's why you touched my waist! Stupid ka!"

"Hey, miss. Calm down, hindi ka naman minamanyakan ng kaibigan ko. He just saw you're about to slip kaya ka niya hinawakan." Singit noong katabi niya. At nagsama pa talaga siya! Mga stupid!

It's Not All RosesWhere stories live. Discover now