Una't huli
Mabilis kaming umalis ni Styx at pumunta sa hospital. Aries called Styx na nahospital daw si tita, I still don't know the reason kasi mabilis na binaba ni Styx yung tawag at umalis na.
When we arrived nakita ko sina Tanya, Hera at Hades sa labas ng room.
"Ryder!" Mabilis akong hinila ni Styx at naglakas kami papalapit sa kanila.
"What happened?" Tanong ni Styx
"Gastritis daw sabi ng doctor, at kailangan niyang operahan." Oh my God.
"Bakit? Ooperahan?"
"Di ko alam, hindi ko pa nakausap ang doctor niya." Sagot ni Hera kaya lumingon sakin si Styx na parang nagtatanong.
"Uh kailangang linisin ang tyan niya, kaya ooperahan, may damage na or butas na ang tyan ni tita kaya ayon." Sagot ko at napapikit naman siya.
"Damn.."
Pumasok kami ni Styx sa loob ng kwarto ni tita. Nakahiga si tita at maraming nakalagay na dextrose sa kamay niya.
"Ma" tawag ni Styx kaya napalingon sa amin si tita. She look pale.
"Oh Ryder, nandito ka na pala." Ngumiti si tita tsaka umupo.
"Ano ba yang ginagawa niyo, mama? Ba't ka nagkaganito? Hindi ka ba kumakain ng tama?"
"Marami akong trabaho nak eh, nakakalimutan ko."
"Mama naman eh.." napatingin naman sakin si tita kaya ngumiti ako.
"Thalia, iha nandito ka din pala. Narinig ko ang nangyari sayo, okay ka lang ba?"
"Opo tita, salamat po." Ngumiti at tumango si tita bago bumaling kay Styx.
"Ano daw sabi ng doctor, Ryder?"
"Ooperahan ka ma, lilinisin ang tyan mo."
"Oh? Wag na, siguradong mahal yon."
"Mama naman, maghahanap ako ng pera."
"Kailangan mo yung pera Ryder kaya wag na."
"Mama makinig ka sakin. Ipapaopera kita, wag matigas ang ulo."
Nakatingin lang ako sa kanila habang nag uusap sila. Pinapagalitan pa ni Styx si tita eh masama na nga ang pakiramdam.
"Pahinga ka muna dyan, kakausapin ko ang doctor mo."
Lumabas na kami ni Styx. Nagpaiwan na lang ako kasi nandito na rin si Aries, umalis naman si Styx kasama si Hera kasi siya yung kumausap kanina sa doctor.
"Thalia, hey kamusta? Nabanggit ni Ryder yung nangyari. Okay ka lang ba? Pag kailangan mo ng tulonh nandito lang kami ah." Tumango naman ako at ngumiti kay Aries.
"Yes, I'm fine. And thank you."
Nag usap lang kami saglit bago bumalik si Styx. He look so bothered kaya baka malaking pera ang kailangan sa pag papaopera kay tita.
"Ano daw sabi?" Tanong ni Hades
"Two hundred thousand ang kailangan." Oh God. Saan naman kami kuluha non? Tsk. Ngayon pa talaga.
"Hey baby, uwi ka muna, magpahinga ka don, dito muna ako. Maghahanap ako ng pera." Sabi ni Styx sakin.
"Tutulungan kita, maghahanap din ako ng pera."
"Wag na. Problema ko na to."
"At problema ko din to, okay? Girlfriend mo ko kaya tutulungan kita." Tumango naman siya at niyakap ako.
YOU ARE READING
It's Not All Roses
Teen FictionIloilo City Series #1 Thalia Selene Buenavente, daughter of a governor and a famous businesswoman, Selene is a paragon in the eyes of other people. All she did is to follow her mom, not until she met this guy, Styx Ryder Santaella, the breadwinner o...