Bad
"Dad? Are you okay?" tanong ko ng makita ko siyang umiinom ng gamot sa kusina. Kakababa ko lang kasi ng makita ko siya.
"Yes, princess. I'm fine."
"May sakit po kayo?"
Lumapit ako sa kanya at tinignan yung gamot niya. It's a maintenance medicine para sa high blood.
"Dad, you have a high blood?"
"Oo anak. But nagpacheck up na ako don't worry. Inumin ko lang daw to araw araw para maging maayos ako." tumango naman ako.
"Nag away na naman po ba kayo ni mommy kagabi?"
Kumuha ako ng coffee at bread tsaka umupo sa stool chair namin.
"Hindi naman, pinagsabihan niya lang ako. Masydo kasi akong busy ngayon sa trabaho."
"Daddy naman, don't overworked yourself, baka anong mangyari sayo. Tsaka alam mo naman na may sakit ka na dad."
"You really sound like your mother, but she's the harder version of you." natatawang sabi niya.
Bigla namang pumasok si mommy sa kusina, mukhang antok na antok pa. Late na ata siyang nagising kasi usually maaga pa siyang umaalis papunta sa hotel niya.
Hindi niya siguro ako napansin kasi dito ako nakaupo malapit sa pintuan. Padabog siyang lumapit kay daddy at hinampas ito sa braso.
"Look what you've done! Late na ako! Napakalandi mo kasi!" sigaw niya kay daddy kaya nanlaki ang mata ko. What?
"Good morning too, my love." natatawang sabi ni daddy
"You're so..ugh! Whatever! I'm going na! Wake Selene up at pakainin mo muna bago ka umalis." tumingin naman si daddy sa akin.
"Uh I'm here mom." gulat na napalingon si mommy sakin.
"Anong oras ka nakauwi?" tanong niya
"Uhm around 8, mom. Hindi na ako nakapunta sa kwarto niyo kasi uh you seemed fighting with daddy kagabi, I uh heard your shouts." bahagyang natigilan si mommy.
"Y-You heard what?"
"Uh yung sigaw mo po mommy, kaya hindi lang po ako tumuloy sa kwarto niyo."
"What she mean is yung pinagsabihan mo ko, medyo tumaas yung boses mo kagabi at yun ang narinig ni Selene." singit ni dad
"Oh, okay. Well, mauna na ako. Make sure to eat and take your meds before you leave. Sisigawan na naman kita mamaya pag nalaman kong hindi ka uminom."
"Sige, ang sarap naman pakinggan ng sigaw mo eh." malakas na hinila ni mommy ang buhok ni dad bago siya lumabas.
"Kumain ka muna, princess. Ako nang maghahatid sa mommy mo." paaalam ni dad at patakbong humabol kay mommy.
They are weird sometimes.
After I eat bumalik na ako sa kwarto ko upang maligo. Since I have nothing to do today nanuod na lang ako ng movie sa kwarto ko.
My eyes darted on my phone ng biglang umilaw ito. Troy's calling. Kinuha ko naman iyon at sinagot.
"Hey."
"Buwan, nasa labas kami." huh?
"What?"
"Buksan mo naman kami, nandito kami sa labas."
"Oh, okay."
He's with Thea?
I hurriedly went down to open Troy at nagulat ako ng makitang tatlo sila. He's with Styx and Thea. Ngumiti sakin si Thea at niyakap ako.
YOU ARE READING
It's Not All Roses
Teen FictionIloilo City Series #1 Thalia Selene Buenavente, daughter of a governor and a famous businesswoman, Selene is a paragon in the eyes of other people. All she did is to follow her mom, not until she met this guy, Styx Ryder Santaella, the breadwinner o...