Chapter 8

19 1 0
                                    

Clingy

Maya maya ay nagsimula nang mag set up yung band kasi magsisimula na sila anytime. Hindi na kami pumasok sa loob kasi nakikita naman dito at masyadong masikip doon sa loob.

"Buwan, san kayo mamaya matutulog?" Tanong ni Troy sakin

"Ah kumuha kami ng hotel." Sagot ko.

"Luh gago! Di kami sinama!" Sigaw niya kaya napatawa ako

"Yaan mo dude, sa bahay tayong lima!" Sabi naman ni Clark

"Oo nga! Inom tayo!"

Napailing naman ako, syempre meron ding dala si Cass dyan sa backpack niya. Noong isang linggo pa niya pinagplanuhan na iinom daw kami eh.

"Sama ka sa kanila mamaya." Baling ko kay Styx

"Okay lang?"

"Oo naman."

Hindi naman ako strict pagdating dyan tsaka sina Troy lang naman yung kasama niya. Kailangan niya ring mag enjoy kasi puro na lang siya work.

"Selene?" Napalingon naman ako ng marinig ko ang pangalan ko.

"Ashton" bati ko. May kasama siyang mga kaibigan din niya, yung iba ay kakilala ko din.

Naramdaman kong bumaba ang kamay ni Styx sa bewang ko at hinila ako papalapit sa kanya.

"Nandito ka pala, I thought sumama ka kina tito sa Singapore kaya hindi na kita inaya." Ngumiti naman ako.

"It's fine. May mga kasama naman ako." Sagot ko at bumaling kina Troy. Kilala din niya kasi si Troy.

"Yeah, I can see that." Tsaka siya tumingin sa kamay ni Styx na nasa bewang ko.

"Anyway, yung dinner natin sa Saturday . With your family."

"Okay."

"Mauna na kami, Selene." Tumango ako at kumaway sa kanila bago sila umalis.

"Siya yung nakita mong kasama ko noon." Sabi ko kay Styx.

"Hmm. Yung boyfriend mo dapat." I chuckled and held his hand.

"Ano ka ba, I already rejected him."

The band starts singing, napatingin ako kina Troy na sumasayaw sa tabi ng river kahit na sad song yung kinakanta.

Parang tanga talaga yong pinsan kong yon.

"First dinagyang mo to?" Tanong ko

"No. Last year, nakagala din kami."

"Sinong kasama mo?"

"Childhood friend."

He wrapped his arms around me and hugged me tightly habang nakikinig kami sa banda.

After the band ay hinatid na kami nina Troy sa hotel, we just walked and marami pa namang tao even though almost 1 am na, at kahit malayo yung hotel okay lang din kasi nandyan si Troy na clown namin.

"Text me later." Sabi ni Styx ng makarating kami

"Alright. Pero okay lang naman pag hindi, enjoy kayo."

"Text mo pa rin ako." I smiled at him. He's so clingy! Kanina pa yan! Natatawa ako kasi panay hawak niya at sandal sakin. Grabe, I didn't know na may ganitong side siya kasi he's always serious and cool.

"Sige, take care."

"Asus! Wala namang label yan!" I glared at Troy. Stupid ka.

"Good night, miss." He kissed my forehead at niyakap ako.

It's Not All RosesWhere stories live. Discover now