Fear
Kakatapos lang ng photoshoot namin kaya umupo ako sa upuan at uminom ng tubig. Nakakapagod yung mga poses.
I picked up my phone at nakita kong may iilang message si Styx. I tried to call him pero busy yung phone niya kaya nagbuntong hininga na lang ako at nagbihis.
"Uwi na Selene?" tanong ni Yona
"Yeah, Styx is looking for me."
"lika na, mag paparty muna kami"
"sige, pahatid na lang ako sa driver"
"nope. Hatid muna kita."
Kinuha niya na yung bag ko at naunang lumabas kaya sumunod ako. Pumasok na ako sa van at umupo.
"Okay ka lang? Selene?"
Napatingin naman ako kay Yona ng magsalita siya, nakasandal kasi ako sa upuan habang nakatingin sa labas.
"Yup, I'm just tired."
"Hmm, kamusta kayo ni Styx?"
"we're good.." I think.
I took a deep sigh at binalik ang tingin ko sa labas, seeing this city lights makes me calm.
"alright, kahit nararamdaman kong hindi ka okay, I'm just here, Selene" ngumiti ako at tumango.
"Thank you, Yona."
Pagkarating namin sa bahay ay mabilis akong nagpaalam kay Ylona at pumasok na. Dumiretso na ako sa kwarto namin at nakita kong wala si Styx doon, pero naka bukas yung shower kaya baka naliligo.
Nilagay ko yung bag ko sa mesa ng mapansin ko ang cellphone ni Styx, may tumatawag na number lang. Kinuha ko iyon atsaka sinagot.
"Hello? Who's this?" tanong ko
"Selene?" napatigil naman ako ng marinig ko ang boses. Babae.
"Yeah, who's this?"
"Hello?" tanong ko ulit pero pinatay niya na yung tawag.
"Hey, nandito ka na pala." umangat ang tingin ko ng marinig ko ang boses ni Styx, kakaligo nga lang niya.
"may tumawag na babae" sabi ko at binigay sa kanya yung phone.
"what? sinong babae? anong sabi?" mabilis niyang tanong.
"I don't know. Walang pangalan, sino ba yon? Nakita kong maraming calls sa phone mo na galing sa number niya"
"That's nothing, hayaan mo na" hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kanya.
Hayaan ko na lang?
"anong hayaan ko? sino ba yon, Styx?"
"Wala nga, magpahinga ka na"
"bakit hindi mo masabi? Sino nga yon?"
"Thalia, pag sinabi kong wala, wala nga"
Akmang tatalikod siya ng mabilis kong kinuha yung phone niya na nasa kamay niya.
"akala mo hindi ko napapansin na palagi kang may katawagan sa phone?"
Nagsimula nang sumikip ang dibdib ko, ayokong isipin yon. Dahil hindi siya ganong tao, noong una, akala ko trabaho niya lang, pero napapansin ko gabi gabi na eh.
"Thalia, what are you doing? Give me that" sinubukan niyang agawin pero nilayo ko ito.
"Thalia, this is not funny, stop it. Ibalik mo na" hinawakan niya yung kaliwang braso ko.
"Who said I was trying to be funny? Sabihin mo kung sino yung babaeng yon, yung Niesse ba? ha?"
"God, Thalia, ano bang sinasabi mo? You're always making an argument! Kahit maliit na bagay pinapalaki mo!"
YOU ARE READING
It's Not All Roses
Teen FictionIloilo City Series #1 Thalia Selene Buenavente, daughter of a governor and a famous businesswoman, Selene is a paragon in the eyes of other people. All she did is to follow her mom, not until she met this guy, Styx Ryder Santaella, the breadwinner o...