Chapter VII: Rejection
Marahang napabaling sina Finn at Eon sa mga bagong dating. Muli nilang nasilayan ang punong komandante mula sa Crimson Lotus na si Geyaj. Nakita rin nila ang iba pang malalakas niyang kasamahan, at kasalukuyang naglalakad ang mga ito patungo sa kanilang direksyon. Malamig ang tingin ni Geyaj sa grupo ni Kang. Naramdaman iyon ni Kang at ng kanyang mga kasama. Napalunok sila at dahan-dahang lumingon sa direksyon kung saan nagmumula sina Geyaj, ang mga komandante at iba pang malalakas na kawal ng Crimson Lotus na nasa ilalim ng pamumuno ni Geyaj.
May komplikadong ekspresyon ang mababakas sa kanilang mukha. Hindi inaakala ni Kang na bibigyang pansin ni Geyaj ang kasalukuyang nangyayari, at ngayon, alam niyang nalalagay siya sa alanganin ganoon din ang kanyang mga kasama.
‘Katapusan ko na... Akala ko ay abala pa rin sila sa pakikipaglaban sa pabong iyon kaya kinuha ko ang oportunidad na ito upang makuha ang dalawang ito... Hindi ko akalaing mapapansin agad nila ang dalawang ito... Katapusan ko na talaga!’ Nawawalang-pag-asa sa isip ni Kang.
Alam niya kung gaano kalala ang kanyang kasalanan. Marahil hindi siya papatawan ng parusang kamatayan sa kanyang nagawang kahangalan, pero siguradong mapapatawan pa rin siya ng matinding parusa kasama ang kanyang mga tauhan. Wala siyang takas dahil kilala niya kung anong klase ng pinuno si Geyaj, at alam niya rin kung anong klase ng pagkatao ang mayroon ang kanilang punong komandante.
Agad na sumaludo si Kang at ang kanyang mga kasamang kawal sa direksyon ni Geyaj at ng mga Komandante. Pinagpawisan siya at nakaramdam ng matinding kaba. Hindi siya makatingin ng deretso sa mga ito, at nanginginig na ang kanyang binti at tila ba siya ay nanghihina.
“Punong Komandante Geyaj... A--”
“Ayokong makarinig ng kahit anong salita mula sa 'yo. Kung alam mo ang iyong kasalanan, tumahimik ka na lang dahil hindi ako tatanggap ng palusot mula sa 'yo sapagkat narinig ko na ang mga dapat kong marinig,” malamig na sambit ni Geyaj.
“Komandante Ramose,” tawag ni Geyaj.
“Ano iyon, Punong Komandante Geyaj?” Lumapit si Ramose at magalang na tumayo sa likuran ni Geyaj.
“Tauhan mo ang mga kawal na iyan, tama ba? Ipauubaya ko na sa iyo ang pagpaparusa sa kanila. Alam mo na ang gagawin sa gaya nilang ginagamit ang pangalan ng ating puwersa para mangikil at manakot ng iba,” sabi pa ni Geyaj.
“Ako na ang bahala sa bagay na ito. Ipapataw ko sa kanila ang kaparusahang nababagay sa kanila,” tugon ni Ramose. Matalim niyang tiningnan sina Kang.
Mga tauhan niya ito, at dahil nakagawa ang mga ito ng kasalanan, pati ang kanyang pangalan ay nadadamay. Kahit na hindi na bago ang ganito sa kanilang mga kawal at sa iba pang mga miyembro ng Crimson Lotus Alliance, iba pa rin ang sitwasyong ito sapagkat nahuli sila ni Geyaj.
Si Geyaj ay masasabing isang huwarang pinuno, at kapag may nakarating o napansin siyang katiwalian na kinasasangkutan ng kanyang mga tauhan, agad siyang gagawa ng aksyon. Hindi niya gusto ang mga katiwalian--lalong-lalo na ang paggamit sa pangalan ng Crimson Lotus para manakot o mangikil ng iba.
“Kung gano'n, makakaalis na kayo. Simulan n'yo na ang paglilinis ng mga kalat. Huminto na ang pagdagsa ng mga halimaw, at patapos na rin ang mga adventurer sa kanilang pakikipaglaban. Gawin n'yo na ang inyong trabaho habang ako ay magpapaiwan dito dahil mayroon pa akong mahalagang gagawin,” utos ni Geyaj.
Agad na sumaludo ang mga komandante at malalakas na kawal ni Geyaj. Agad na naglaho ang kanilang mga pigura at nagtungo sa iba't ibang direksyon upang gawin ang ipinag-uutod ni Geyaj. Naiwan na lang doon si Geyaj, Ramose at kanyang mga tauhan, ang grupo ni Kang at ang grupo ni Finn.
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]
ФэнтезиSynopsis: Sa bagong yugto ng buhay ni Finn, isang panibagong pakikipagsapalaran at paglalakbay ang kanyang mararanasan kasama sina Poll, Eon, at Paul sa loob ng isang misteryosong mundo. Bagong mga kalaban, kakampi, at katunggali ang kanyang makikil...