Chapter LXXXIX

5.8K 1.1K 125
                                    

Chapter LXXXIX: Deception (Part 2)

CLANG! CLANG! CLANG!

Nakikipagpalitan ngayon si Finn ng atake kay Hasiophea. Patindi nang patindi ang mga atakeng kanilang pinakakawalan habang tumatagal. Ginagamit ni Hasiophea ang kanyang dalawang sandatang pamaypay para labanan ang dalawang espada ni Finn. Kung kalidad ng sandata ang pag-uusapan, lamang ang binata. Gumagamit siya ng dalawang High-tier Chaos Armament habang si Hasiophea ay gumagamit lamang ng dalawang Mid-tier Chaos Armament.

Kamangha-mangha na rin sapagkat nagmamay-ari siya ng Chaos Armament samantalang ang mga kapwa niya estudyante na sina Reben at Este ay gumagamit lamang ng mataas na kalidad ng Emperor Armament.

Dito pa lang ay makikita na talagang paborito siya ni Eurogasi dahil halatang siya ang mas pinapaboran ng kanyang guro kaysa sa dalawa pa niyang kapwa estudyante.

Kahit na lamang si Finn sa kalidad ng armament na ginagamit, nagagawa pa ring makasabay ni Hasiophea nang walang kahirap-hirap. Ang kanyang lakas ay hindi pangkaraniwan, at iyon ang agad na naintindihan ni Finn habang nagpapalitan sila ng mga atake.

“Gusto kong makita kung paano mong nagawang makakuha ng mahigit limang daang libong puntos sa unang bahagi ng pagtatasa. Ipakita mo sa akin ang iyong totoong kakayahan, Finn Doria!” Mayabang na sigaw ni Hasiophea habang sinasabayan niya ng paypay ang bawat pagwasiwas ni Finn ng kanyang espada.

Nanatiling tahimik si Finn at nakatuon lang ang kanyang atensyon sa pag-atake at pagsalag. Wala siyang balak na makipagkuwentuhan kay Hasiophea dahil ang tanging nasa isip niya lang ay matapos agad ang laban upang hindi sila malagasan ng maraming miyembro.

Samantala, abala si Klaws sa paglaban sa isa pang kilalang rogue adventurer sa Crimson Lotus Realm. Hindi ito kabilang sa kasalukuyan nilang henerasyon dahil kabilang ito sa mga antas ng katanyagan nina Rako, Hara, Faktan at ng magkakapatid na demonyo.

Mayroon din itong hindi pangkaraniwang lakas, at bukod kay Hasiophea, ang rogue adventurer lang din na ito ang nagtataglay ng antas at ranggong 2nd Level Chaos Rank sa grupo ng Myriad of Illusion.

Tama, isa itong ganap na 2nd Level Chaos Rank, pero hindi na matatag ang pundasyon nito dahil halatang gumamit siya ng isang kayamanan na ang epekto ay agarang pagtaas ng antas. Dahil sa paggamit niya ng kayamanang iyon, napuruhan ang kanyang pundasyon na nagresulta ng paghina ng kanyang kabuoang lakas.

Naglalaban sila ngayon ni Klaws, at habang ibinibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya para matalo si Klaws, si Klaws ay nililimitahan pa rin ang paggamit ng enerhiya. Nagpipigil pa rin siya hanggang ngayon dahil alam niyang mayroon pa silang sunod na laban pagkatapos nito.

Tungkol sa ibang miyembro ng New Order, bawat isa ay abala na sa pakikipaglaban. Si Eon ay kinakalaban at pinaglalaruan pa sina Reben at Este habang si Poll at Norton ay kinakalaban ang mga Heavenly Emperor Rank kasama sina Roger, Gilbert, Flora, Yuna, mga miyembro ng Bloody Puppeteers at ang magkakapatid na demonyo.

Sina Hara, Rako, Faktan, Yopoper at Yagar naman ang lumalaban sa ibang Chaos Rank ng Myriad of Illusion. Magkakalayo sila ng lugar na pinaglalabanan at kaliwa't kanan ang mga pagsabog at pag-alingawngaw ng mga hiyawan.

Tungkol kina Finn at Hasiophea, pareho silang walang pakialam sa nangyayari sa kanilang kapaligiran. Nakatuon lang pareho ang kanilang atensyon sa pakikipagtunggalian ng atake sa isa't isa, at ilang beses na silang nagpapalipat-lipat ng lugar dahil maya't maya ay mayroong tumitilapon na alinman sa kanilang dalawa.

Pareho pa rin silang nasa maayos na kalagayan. Bakas ang pananabik at tuwa sa mukha ni Hasiophea habang kinakalaban niya si Finn. Nagagalak siya sapagkat mayroon na siyang nakalaban na nakasasabay sa kanyang lakas at kakayahan.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon