Chapter III

5.7K 1K 75
                                    

Chapter III: Begging and Desperation

Nagngitngit ang mga ngipin ni Gurduk at pinigilan niya ang kanyang takot. Para sa kanya, hindi siya dapat nakararamdam ng takot dahil higit na mas mataas ang antas niya kaysa kay Eon. Subalit hindi niya mapigilan dahil ang aura ng binatilyo ay marahas, na ramdam na ramdam ang kagustuhan nitong pumaslang. Dahil ramdam niya ang intensyon ni Eon sa pamamagitan ng aura ng binatilyo, hindi niya mapigilang pagpawisan.

Kanina lang ay kampante siya na mapapatay niya si Eon at makakapaghiganti siya rito, pero ngayon, may namumuo ng pag-aalinlangan sa kanyang puso.

‘M..mas marami kami! Mas malakas ang aming kabuoang puwersa kaya hindi kami matatalo!’ Sa isip ni Gurduk. Ikinuyom niya ang kanyang kamao at bumaling sa kinaroroonan ng kanilang lider. ‘Kailangan kong madaliin ang laban para matulungan ko si boss na tapusin ang isang 'yon!’

Pinatindi niya ang kanyang aura. Pareho lang sila ni Fu na hindi nagtataglay ng elemento, bagkus ang tinataglay nila ay lakas na maikukumpara sa mga monstrous beast.

Pumadyak siya sa lupa at mabilis na sinugod si Eon. Nagkaroon ng maliit na bitak sa lupang kanyang pinagtadyakan at ang hanging ay malakas na umihip dahil sa mabilis niyang pagkilos.

May lumitaw na mahahaba't matatalim na kuko sa kanyang kamay. Ito ang kanyang sandaya--Top-tier King Armament na may anyong mahahaba't matatalim na kuko.

“ROAAAAR!” Umatungal si Gurduk at walang tigil na nagpakawala ng mga atake.

Kinalmot niya nang kinalmot si Eon gamit ang matatalim niyang kuko. Madaling naiiwasan ng binatilyo ang kanyang mga atake, at noong ito na ang gumanti ng mga atake gamit lamang ang kanyang kamay at kamao, napaatras na lamang si Gurduk.

Ang mga suntok at hawi ni Eon na may halong enerhiya ay hindi kayang tapatan ni Gurduk kahit pa mayroon siyang sandata. Mas mataas ang kanyang antas pero napapaatras siya at nahihirapan siyang lumaban kay Eon dahil sa pambihira nitong lakas.

“Akala ko ay basura ka,” hayag ni Eon. Suminghal siya at muling nagwika habang nagpapaulan ng mga atake. “Mas walang kuwenta ka pa pala sa basura. Kung hanggang dito lang ang lakas mo, hindi mo ako mapipilit na gamitin ang aking sandata! Tapos ang lakas ng loob mong hamunin ako?!”

May namuong baluti sa kanang kamao ni Eon, at pagkatapos, tumalon siya at mabilis na bumulusok pababa.

Wala ng pagkakataon si Gurduk upang iwasan ang papalapit na atake ni Eon dahil masyado itong mabilis. Hindi na siya makakaatras pa kaya ang ginawa niya na lamang ay dali-dali niyang pinagkrus niya ang kanyang mga braso upang salagin ang kamao ni Eon.

BANG!!!

“GROWL!!”

Isang pagsabog ang umalingawngaw kasunod ang pag-atungal ni Gurduk. Bumaon ang kamao ni Eon sa braso ni Gurduk at narinig ng binatilyo ang pagkadurog ng mga buto nito sa braso.

Bumaon din ang paa ni Gurduk sa lupa. Nagkaroon ng maliliit na bitak sa paligid, at ilang sandali pa, mas lumakas pa ang inilalabas na enerhiya ni Eon. Dinagdagan niya pa ang kanyang puwersa na naging dahilan ng pagtilapon ni Gurduk patungo sa kakahuyan.

Hindi niya kayang tapatan ang lakas ni Eon, at hindi niya rin kayang protektahan ang kanyang sarili mula kay Eon dahil higit na mas mahina siya sa binatilyo. Wala siyang katangian ng isang pambihirang adventurer. Hindi siya talentado, at maraming mababang antas ng Heavenly King Rank ang kayang tumalo sa kanya.

Sobrang nipis din ng kanyang pundasyon. Halatang minadali niya ang pagpapataas ng kanyang antas kahit na alam niya namang ordinaryong lahi ng mga beastman lamang siya nagmula.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon