Chapter LXXII

6K 1.1K 102
                                    

Chapter LXXII: Nothing is Impossible

CLANG!

Muling nagbanggaan ang dalawang malaking espada sa himpapawid. Nagpapatuloy pa rin ang pagtutunggalian ni Finn at ng diyablo. Mahigit dalawang araw na mula ng sila ay magsimulang maglaban, pero nananatiling walang pagbabago sa binata. Wala siyang kahit anong sugat o galos, at kung nagkakamayroon man siya, agad din itong naghihilom dahil sa bilis ng kanyang kapangyarihan sa pagpapagaling.

Masigla pa rin ang kanyang enerhiya, kontrolado pa rin niya ang sitwasyon at nananatili pa rin siya sa kanyang isang daang porsyentong kondisyon.

Hindi siya namomroblema sa kanyang kalaban, at kahit na madalas siyang nalalagay sa alanganin, nakagagawa agad siya ng solusyon para makabawi at makapantay sa diyablo.

Walang duda na kaya niyang patagalin pa ang laban, at ang mas maganda pa, habang siya ay nakikipaglaban sa ganitong estado, nakakakuha siya ng karanasan sa pakikipaglaban at mas nararamdaman niya ang unti-unti niyang paglakas.

Mas nahahasa pa lalo ang kanyang kakayahan sa pakikipaglaban. Nasusubukan niya ang iba't ibang taktika sa diyablong ito, at nakakapag-eksperimento pa siya ng iba't ibang kombinasyon ng atake at skill.

BANG!!!

Naghiwalay ng landas si Finn at ang diyablo matapos sumabog ang puwersang nagtutunggalian sa pagitan ng kanilang mga sandata. Pareho silang napaatras, pero umatungal ang diyablo at mabilis na kumilos para sugurin muli si Finn.

Inalis ng binata pagkakahawak ng isa niyang kamay sa kanyang espasa. Itinutok niya ang ngayong libre niyang kamay sa diyablong pasugod sa kanya, at kapansin-pansin ang naiipong enerhiya sa kanyang palad.

[Water Sage Art: Water Rays!]

Kumawala ang napakaraming sinulid na tubig mula sa enerhiyang namumuo sa palad ni Finn. Bumulusok ang mga ito patungo sa diyablo. Nagpatuloy pa rin ang diyablo sa pagsugod, at napahinto lang siya ng tumagos ang lahat ng matatalim na sinulid sa kanyang katawan.

Umatungal ito, at pagkatapos, balewalang winasak niya ang mga sinulid na para bang mga ordinaryong sinulid lang mga ito. Pagkatapos nitong wasakin ang atake ni Finn, nagpatuloy na ito sa pagsugod bitbit ang kanyang malapad na espada.

Napansin ni Finn na biglang bumilis ang pagkilos ng diyablo kaya agad siyang na-alerto. Naramdaman niya rin na mas bumigat pa ang aura nito kaysa rati kaya mas lalong naging seryoso ang kanyang ekspresyon.

At dahil sa pagbabagong ito, agad ding binago ni Finn ang kanyang plano. Naging berde na lang ang kanyang enerhiya mula sa asul na berde, at pagkatapos nito, nagkaroon ng malaking pagbabago sa kanyang hitsura't kasuotan.

Napakabilis ng kanyang pagpapalit-anyo. Nagawa niyang magamit ang ikalawang antas ng kanyang Supreme Tempest Art bago pa man makalapit sa kanya ang diyablo.

Ngayong mas bumilis na ang kanyang kalaban, tatapatan niya ito ng bilis gamit ang kanyang Supreme Tempest Art. Mas lalakas na ang pagkonsumo niya ng enerhiya mula ngayon, pero handa siya at hindi pa rin siya nangangamba na baka hindi niya kayanin na umabot ng apat pang araw.

Isa pa, mayroon siyang napapansin sa diyablong kanyang kinakalaban. Iyon ang dahilan kung bakit siya kampante at kung bakit kahit nalalagay siya sa alanganin ay sigurado pa rin siyang kontrolado niya ang sitwasyon.

‘Ang enerhiyang tinataglay ng diyablong ito ay limitado lamang, iyon ang dahilan kung bakit bihira itong gumamit ng mga skill at malalakas na atake. Gawa lang ito sa kapangyarihan ng nilalang na iyon kaya hindi kalaunan, mawawala rin ito sa oras na maubos ang enerhiyang nakapaloob dito,’ sa isip ng binata habang nakikipagpalitan ng mga atake sa diyablo.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon