Chapter XCII

6.4K 1.2K 200
                                    

Chapter XCII: End of Trial

Bakas na bakas ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha ng bawat adventurer na matatagpuan sa sampung sila habang nakatitig sila sa imahe na nagpapakita ng pigura nina Poll, Herian, at Krayon. Bukod sa mga miyembro ng New Order, ang lahat ay hindi makapaniwala sa kanilang nasasaksihan. Ang lahat ay nagtataka, at naguguluhan sa nangyayari. Hindi nila lubos na maunawaan kung bakit iba ang inilalabas na kulay ng liwanag ng katawan ni Poll--kung bakit hindi kulay ginintuan kagaya ng dapat na inilalabas ng pambatong alchemist ng isang grupo sa oras na maaalis na sila sa kompetisyon.

Naguguluhan din ang lahat kung bakit nananatiling walang pagbabago sa mga miyembro ng New Order na kasali pa sa kompetisyon. Hindi ito ang inaasahan ng lahat na mangyayari. Hindi ito ang inaasahan ng bawat isa sa sampung grupo na kalahok sa kompetisyon.

Inaasahan nilang matatalo na ang New Order, at matitira na lamang ang Crimson Guardian at Crimson Lotus, subalit umasa lamang talaga sila dahil lahat ng kanilang inakala ay mali.

Malinaw sa kanilang paningin na hindi si Poll ang pambatong alchemist ng New Order. Nalinlang sila ng New Order, at ang tanong na naiwan sa bawat isa ay, kung hindi si Poll ang pambatong alchemist ng New Order, sino?

Si Poll lang ang natatanging alchemist na lumahok sa ikalawang bahagi ng pagtatasa, at wala na silang kilala pa na alchemist ng grupong New Order.

Tuluyan nang naglaho sina Poll, Herian, at Krayon. Ibinalik na ng kapangyarihan ng Dreamy Pill ang kanilang kamalayan sa kanilang pisikal na katawan. Pareho-parehong nakaramdam ng pananakit ng katawan ang tatlo. Ramdam na ramdam pa rin nila ang pagbaon ng bawat sandata sa kanilang katawan.

Unang nakabawi si Poll. Nakatayo siya agad mula sa kanyang pagkakaupo, at ang una niyang ginawa ay tumingala at tumingin sa imahe sa himpapawid. Ang grupo ni Roger at si Paul ay nag-aalalang lumapit sa kanya. Kinumusta siya ng mga ito, pero hindi niya agad napansin ang mga ito dahil ang kanyang atensyon ay nasa mga imahe lamang.

Natanggal na siya sa kompetisyon. Hindi niya nagawang makatagal pa. Nanghihinayang siya at nadidismaya, pero nagawa niya na ang kanyang parte. Nakuha niya ang atensyon ng maraming kawal ng Crimson Lotus at Crimson Guardian kaya malaking tulong ang nagawa niya para sa New Order. Ngayon, ang magagawa niya na lamang ay ipaubaya sa kanyang guro at sa iba pang natitirang miyembro ng New Order ang lahat.

Tungkol kina Herian at Krayon, tulala sila pareho. Nakatitig sila sa kawalan, at punong-puno ng tanong ang kanilang isipan. Hindi nila maintindihan kung ano ang nangyayari, at pakiramdam nila ay nakagawa sila ng malaking pagkakamali dahil nalinlang sila ni Poll at ng New Order.

At sa kasalukuyan, pansamantalang nahinto ang kaguluhan malapit sa pinangyarihan dahil sa pangyayaring hindi inaasahan ng mga miyembro at kawal ng Crimson Guardian at Crimson Lotus.

Naguguluhan din sila sa nangyayari, at ngayon, hindi na nila alam kung ano ang kanilang gagawin dahil para bang bulag na sila dahil hindi na nila alam kung sino ang kanilang kailangang puntiryahin.

Nalinlang sila ng grupong New Order. Hindi si Poll ang pambatong alchemist ng grupong ito, at ngayon nababahala sila't nangangamba dahil ibinuhos nila ang halos lahat ng kanilang atensyon para lamang matanggal si Poll sa kompetisyon. Marami silang isinakripisyong mga miyembro at kawal, dahil sa kanilang ginawang ito, mas lalong humina ang kanilang puwersa. Idagdag pa na balik sila sa simula dahil wala na silang direksyon, at hindi na nila alam kung sino ang kanilang kailangang paslangin para tuluyang matalo ang New Order.

Bakas din ang gulat sa mukha nina Zrimbo at Geyaj. Malapit lang sila sa kinaroroonan kanina nina Poll, at nasaksihan nila ang huling sandali bago tuluyang maglaho sina Poll, Herian at Krayon.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon