Chapter IV

5.9K 1.2K 107
                                    

Chapter IV: Under Attack!

Tama. Ang lahat ng nasa loob at malapit sa lungsod ay nakararamdam ngayon ng paparating na panganib na nagmumula sa gubat at bundok. Kasalukuyang nararamdaman ng mga adventurer ang pagdagsa ng kulupon ng mga monstrous beast, at hindi lang ito basta-basta marami, sobrang dami nito kahit na hindi pa nila aktwal na nakikita kung gaano karami ang mga ito. Nararamdaman lamang nila ang presensya at aura ng mga ito.

Habang gulat at nakatuon ang atensyon ng karamihan sa paparating na kulupon, nakita ni Fu na ito ay magandang pagkakataon upang tumakas. Gamit ang kanyang buong lakas, tatayo na sana siya upang tumakbo mula kay Eon, pero hindi niya inaasahan na bago pa man siya tuluyang makatayo, ang talampakan ni Eon ay lumapat na sa kanyang mukha.

BAM!!!

Napisat ang ulo ni Fu. Nagkadurog-durog ang kanyang bungo at ang dugo niya ay kumalat sa lupa. Wala siyang nagawa upang protektahan ang kanyang sarili dahil wala na siyang kakayahan. Akala niya ay makalilimutan na siya ni Eon dahil sa kasalukuyang sitwasyon na kanilang kinalalagyan, pero itinuloy pa rin ng binatilyo ang kanyang pagpaslang kahit na sa ibang direksyon nakatuon ang kanyang atensyon.

Agad na inutusan ni Finn ang kanyang mga manika. Inutusan niya sina Reden na agad i-absorb ang death energy ni Fu. Kumilos na rin si Eon. Kinuha niya ang mga kayamanan ni Fu at mabilis na tumabi sa kanyang master.

Pare-pareho silang nakatuon sa direksyon ng kagubatan at bundok. Ilang metro pa ang layo ng mga halimaw, pero ramdam na nila ang mahinang pagyanig ng lupa.

“Ang lungsod na ito ay mapapasabak sa malaking gulo, mananatili ba tayo rito, Guro?” Tanong ni Poll. Huminga siya ng malalim at nagwika, “Kung sakaling mapanganib na mga monstrous beast ang kulupon ng mga halimaw na parating, siguradong hindi pa sumisikat muli ang araw ay wasak na wasak na ang lungsod na ito at maraming adventurer ang mamamatay,” aniya pa.

Nanatiling walang pagbabago sa mga mata ni Finn. Tutok na tutok ang kanyang mga mata sa direksyon kung saan lilitaw ang kulupon ng mga halimaw. Hindi siya nagbigay ng senyales na aatras siya, bagkus kabaligtaran nito ang kanyang ipinapakita kina Poll.

Inilabas ni Finn ang kanyang kakila-kilabot na aura at sinabing, “Hindi tayo tatakbo. Lalaban tayo sa mga halimaw na parating. Hindi natin maaaring palampasin ang pagkakataong ito lalo na't kaya pang lumaban ng bawat isa sa atin.”

Ibinaling niya ang kanyang tingin sa paligid. Pinagmasdan niya ang mga adventurer na naglabas na ng kani-kanilang sandata. Mayroong agad na lumisan sa lugar upang takasan ang magaganap na kaguluhan habang marami ang nanatili upang lumaban.

“Kung sila ay handang lumaban para magkaroon ng karanasan sa mundong ito, walang dahilan para umatras tayo. Kung may lakas sila ng loob, mas malakas ang loob natin,” dagdag pang sabi ni Finn.

Ngumiti na lang si Poll sa loob-loob niya. Hindi rin siya natatakot, at gusto niya ring makipaglaban. Pero, isinasaalang-alang niya palagi kung ano ang magiging desisyon ng kanyang guro. Sa tabi niya, nakararamdam ng magkahalong pananabik at kaba si Paul. Higit na mas matinding laban ang papalapit sa kanila, at hindi nila alam kung gaano karami at gaano kalalakas ang kanilang makakalaban.

Dumating na ang iba pang mga adventured na nasa lungsod. Maging si Geyaj at ang kanyang mga tauhan ay lumabas na rin upang salubungin ang mga paparating na halimaw. Wala silang balak na abandonahin ang lungsod na ito, dahil minarkahan na nila ito bilang kanilang pansamantalang teritoryo sa mundong ito.

Kung mayroon pang kagaya ng lungsod na ito sa mundong ito, patuloy silang mananakop hanggang sa lumawak ang kanilang teritoryo. Bubuo na rin sila ng sarili nilang batas at gagawin nilang negosyo ito upang mapalago ang ekonomiya sa kanilang teritoryo.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon