Chapter XXXV

5.5K 1K 104
                                    

Chapter XXXV: Something will happen

Sa animo'y isang pangkaraniwan ngunit matarik na bundok, may mga kawal na alertong nakikiramdam sa paligid gamit ang kanilang pandama. Mukha lang karaniwan ang bundok na ito ngunit maraming nakatagong patibong dito at iba't ibang formation na nakamamatay. Higit pa roon, may mga Magic Cannon din at kapansin-pansin ang pagtutok ng kanyon nito sa iba't ibang direksyon. Hindi inaatake ng mga kanyon ang mga kawal dahil hindi pa gumagana ang mekanismo nito.

Ang mga kawal ay pinangungunahan ng isang makisig na planthora, at sa kanyang baluti ay makikita ang simbolo ng Crimson Guardian. Naiiba ang kanyang baluti sa mga ordinaryong kawal, at iyon ay dahil isa siyang punong komandante--isang hindi pangkaraniwang punong komandante dahil siya ang may pinakamataas na posisyon sa lahat ng mga tauhan ni Gamor.

Hindi siya ang pinakamalakas na punong komandante ngunit kinikilala siyang pinaka maimpluwensya.

At ang punong komandante na ito ay walang iba kung hindi si Gyuru--ang kapatid ni Kyuru na siya ring puntirya nina Finn, Eon at Poll. Siya ang namamahala sa mga lower realm, at kabilang na roon ang planetang Accra kaya siya ang may katungkulan at kaalaman kung sino-sino ang nakakapunta sa mga lower realm.

At pinupuntirya siya ni Finn dahil sa bagay na ito. Dalawang beses nang may nakapasok na malakas na adventurer sa planetang Accra. Ang una ay si Alisaia Seranim ng Ancient Phoenix Shrine habang ang ikalawa ay si Jero Siporko ng Soul-Eater Realm na sumira sa buong Ancestral Continent.

Si Jero ang pumaslang at nagnakaw sa mga kaluluwa ng mga malalapit kay Finn, Poll at Eon. At gustong makakuha ng kasagutan ni Finn mula kay Gyuru kung bakit niya o nila hinayaan na may makapasok na Chaos Rank sa isang lower realm lalo na't mahigpit iyong ipinagbabawal.

Samantala, kasalukuyan pa ring alertong tinatahak ni Gyuru at ng kanyang mga kawal ang matarik na bundok. Marami-rami rin sila at bumibilang sila ng daan-daan, at bawat isa sa kanila ay mababakasan ng komplikasyon. Mayroong pinagpapawisan na dahil sa kaba habang mayroong nananatiling kalmado kahit nasa komplikadong sitwasyon silang lahat.

“Mag-ingat kayo at huwag tatanga-tanga! Pakiramdaman n'yong mabuti ang tatapakan o lalakaran n'yo gamit ang inyong matalas na pandama bago kayo humakbang at magpatuloy!” Tiim-bagang na sigaw ni Gyuru sa kanyang mga tauhan. Tumingin siya sa mga Magic Cannon sa itaas at nagdilim ang kanyang ekspresyon. “Huwag n'yo ring susubukan na lumipad at lumutang dahil mabilis na natutukoy ng mga kanyon na iyon kung lumilipad tayo. Kung gusto ninyong mamatay, huwag n'yo akong idamay. Lumapit na lang kayo sa akin at ako ang papatay sa inyo.”

“Kailangan nating maging alerto sa hahakbangan natin dahil maraming patibong ang nag-aabang sa atin. Namatayan na ako ng ilang tatanga-tangang tauhan, at kung susunod kayo sa kanila sa impyerno, sinasayang ninyo ang mga kayamanang ibinigay sa inyo ng Crimson Guardian,” taimtim na sambit niya pa.

Tama, ang pinupuntirya lang ng mga Magic Cannon ay ang mga lumilipad o lumulutang. Mabilis makatukoy ang mga kanyon, at sa oras na matukoy nito na mayroong lumipad, magpapakawala ang mga kanyon na malapit sa kanila ng malalakas na atake. Kahit ang 9th Level Heavenly Emperor Rank ay walang ligtas sa mga atake ng Magic Cannon.

“Punong Komandante Gyuru! Bakit hindi tayo mag-iba ng daan? Masyadong mapanganib ang bundok na ito, at kung magpapatuloy pa tayo, hindi natin alam kung may matitira ba sa atin!” Nangangambang hinaing ng isa niyang komandante.

Nanlisik ang mga mata ni Gyuru at masama niyang tiningnan ang nagsalitang komandante. Inilabas niya rin ang kapangi-pangilabot niyang aura at pagalit na tumugon, “Hangal! Sa tingin mo ba ay hindi ko naisip na bumalik at maghanap ng ibang daan?! Malayo na ang narating natin at gusto mo ulit bumalik sa pinagmulan natin?! Baka nakakalimutan mong bukod sa bundok na ito na puno ng patibong at mga kanyon, ang karagatan na puno ng mga halimaw ang sa tubig at himpapawid ang isa pang daan.”

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon