CH [6] It's An Honor

878 93 6
                                    

Chapter [6] It's An Honor

Ace's POint OF View

Hindi ako makapagsalita habang nakatitig lang sa nakayukong si Hazel sa tabi ko. Umiiyak yata siya. Hindi ko inasahan na may sasabihin siyang ganun kaya't sobrang nabigla talaga ako.

"Ayoko na sayo." Ano sabi niya? Ayaw na niya sakin? Ano na naman bang sinasabi ng babaeng to.

Hinarap ko naman siya at pinilit na mapatingin sakin. "Hoy. Ayos kalang ba? May sakit kana ata ah? Kung ano ano nalang yang sinasabi mo bigla."

Umiling lang siya habang hindi ako tinitingnan sa mata tsaka muling niyuko ang ulo kaya't napabuntong-hininga na lamang ako.

"Hoy! Ang yabang mong bata ka ah?" Lagot! Nakalimutan kong nasa gitna pala kami ng gulo ngayon.

Mabilis na nagpakawala  ng isang malakas na apoy ang kamay nung lalaking nasa likod namin kaya't mabilis kong winagayway ang kamay ko para sana gumawa ng sand pangsangga pero sa kasamaang palad hindi gumana.

"Patay na! Bakit ayaw gumana.!?" Huli na ang lahat dahil masyado nang malapit ang apoy samin ni Hazel kaya't niyakap kona lang si Hazel at tinalikuran ang apoy na papalapit.

Narinig ko ang paparating na bugso ng apoy kaya't hinanda kona ang pagtama nito sa likod ko pero naghintay ako ng ilang segundo, pero wala akong naramdamang tumama samin.

Ano bang nangyari?

Dahil sa sobrang kuryusidad, nilingon ko ang likod ko habang yakap yakap pa si Hazel at napansin ko agad na may isang ice wall na nabuo sa maliit na espasyo at pinipigilan nito ang paglagpas ng apoy mula sa kabilang bahagi.

Hindi lang yun ang napansin ko, kundi pati narin ang isang batang lalaki na nakapamulsang nakatalikod samin at may black shorts ito at isang green shirt. Kulay puti ang buhok niya at nung lumingon ito sakin nakita ko ang asul na mga mata niya.

Siguro kung pag-aaralan ang katawan at mukha niya. Magkasing edad lang din namin siya ni Hazel.

"Sino ka?" Tanong ko sa kaniya pero bago pa siya makasagot bigla nalang akong nasampal ni Hazel sa panga kaya't kaagad ko siyang nabitawan at napahawak sa panga ko. Masama ko siyang tiningnan. "Ba't kaba nananampal?! Sakit nun ha!"

"Kung ayaw mong masampal, wag kang mangyakap ng basta basta! Manyakis to." Galit kong tiningnan si Hazel dahil sa sinabi niya.

"So ako pa ngayon ang masama ganun ba?" Bulyaw ko rito.

"Oo! Ganun na nga."

"Niyakap kita kasi—"

"Kasi manyakis ka."

"Arghh! Sabi ng hindi nga ako manyakis eh. Kasalanan to ng bata jan kung hindi niya tayo niligtas hindi ako maaakusahan na manyakis!" Paninisi ko dun sa batang may asul na mata.

"So kasalanan ko pala na niligtas ko kayo." Tinuro nung lalaking may asul na mata ang sarili niya habang nakatingin samin.

Reincarnated With You: Season 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon