CH [64] Strong Opponent

222 42 8
                                    

Chapter [64] Strong Opponent

Caid's POint OF View

Dahil nga nandun ang lalaking may kulay lilang mata sa bayan ngayon habang kinakalaban ng anak ko at ni Hanami, malaya akong makakalapit sa Main Camp ng hindi mapapansin ng mga bandidong guwardiyang naiwan dito.

Inaamin kong hindi biro ang dami nila dito na nagbabantay kaya't mabilis ang nagiging pagkilos ko para malampasan sila nang hindi ako nakikita o napapansin.

Pero nung sandaling nasa likurang parte na ako ng Main Building o ng Main Camp dahil dito ako dadaan papasok, bigla nalang napatigil yung isang guwardiya dun na tila ba'y may napansin itong kakaiba sa kaniyang paligid.

"Anong problema?"

"Hindi moba napapansin yun?"

"Ang alin?"

"May awrang papalapit. Hindi kolang matantiya kung saan ito banda nanggagaling."

"Si master Ruk ba ang tinutukoy mo?"

"Masyadong kakaiba ang awra ni master Ruk sa isang ito. Kaya't nasisiguro kong hindi ito isa sa atin."

"Ipapaalam ko ito agad sa iba. Hindi pwedeng may makapasok sa loob ng building na ito dahil lagot tayo kay Master Aslan pag nagkataon."

Rinig kong pag-uusap nung dalawang guwardiya bago nagmamadaling umalis ang isa sa kanila at patakbong nilibot ang paligid para ialarma ang iba at siguradong ang sunod nito ay sa loob naman nito ibabalita ang posibleng problemang darating.

"Mukhang masama to. Napansin na nila ako mukhang minaliit ko ang mga guwardiyang ito." Naibulong kona lang din. Bago mahinang nagbuntong-hininga. Kung ganun, wala na akong ibang mapagpipilian kundi ang pwersahang sumugod bago pa tuluyang maging alerto ang lahat na parating na ako.

At walang pagdadalawang-isip akong tumakbo ng sobrang bilis paabante at lumayo sa katawan ng kahoy na pinagtataguan ko.

May isang guwardiya ngayon pitong metro ang layo sakin habang sampung metro din naman ang layo nito sa back door banda nitong building na binabantayan nila.

Tila nagulat ito sa aking biglaang pagsulpot sa kanang bahagi niya kaya't gamit ang mataas na patpat na hawak niya mabilis niya itong inihampas pababa saking bunbunan kaya naman mabilis ko ding naigilid sa kaliwa ang katawan ko at sabay nung pag diretso ng hampas niya sa lupa na bumitak din sa lupang yun gamit ang kanang kamao kong nagliliyab mabilis kong pa diretsong na uppercut ang panga nito kaya't mabilis itong tumalsik paitaas sabay nabitawan ang sandata nitong dala at bumagsak nang halos pitong metro din mula sa akin at wala ng malay.

Pero bago pa tuluyang bumagsak sa lupa ang patpat niya gamit naman ang kanang paa ko mabilis ko itong sinalo sabay pahagis na pinabalik sa itaas at nung mag level ito sa dibdib ko mabilis yung nasalo ng kanang kamay ko.

"May nakapasok!" Isang guwardiya ang agad ding sumigaw sabay may isang napakalakas na fireball naman ang bumulusok ngayon palapit sa aking likod kaya't mabilis ko ding paikot na iginilid sa kanan ang katawan ko kaya't sumabog ang apoy nayun pa slide sa likuran ko.

Tapos ay isang double sworded na guwardiya naman ang mabilis na tumatakbo ngayon palapit saking harapan kaya't paikot ko namang inihagis pasalubong rito ang umiikot na patpat at gamit ang double sword nung lalaki hindi man lang ito umiwas o huminto bagkus ay hiniwa lamang niya  pababa ang patpat nayun ng espada niya at nahati nga ito sabay mas bumilis pa ang kaniyang takbo papalapit sa akin.

Nang sandaling ito'y makalapit sa harapan ko pahalang niyang sabay iwinasiwas ang dalawang espada sa magkakasalubong na direksiyon at nung tatama na ang mga ito ng sabay din sa dalawang tagiliran ko, nag somersault agad ako pakaliwa kaya't muntikan lang akong matamaan nun.

Reincarnated With You: Season 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon