CH [97] Who Is Nibi?

149 31 3
                                    

Chapter [97] Who Is Nibi?

Ace's POint OF View

"Si Jade ang nanalo!" Sigaw muli ng butler sa panibagong panalo at sinundan ng malakas na palakpakan.

Silang dalawa ang naglaban, at kung sino man ang manalo, ay haharap sakin para sa championship match.

Ang Jade na ito ang huling makakalaban ko. Mabuti naman at matatapos nadin to sa wakas.

Kunting saglit lang na pahinga dahil kakatapos lang ng laban ni Jade, nagpasya nadin kaming magharap makalipas ang halos limang minuto.

Nagharap na kami ni Jade sa gitna ng Hall apat na metro ang pagitan ng isa't-isa. Kung titingnan ang height namin, halos magkasing tangkad lang din kami. Kaya't wala sa amin ang nakatingala o nakadungaw dahil direkta ang aming mga matang nagkatitigan ngayon.

Parehong nakapamulsa't tahimik lang na pinagmamasdan ang isa't-isa. Kulay kayumanggi ang mga mata niya. Bagsak ang itim nitong buhok na hanggang kilay lang din ang taas.

Naka unbutton ang lahat ng butones sa coat na suot niya kaya't kita ang pulang inner shirt nito. Naka pants lang siya ng kulay itim din.

Nang matingnan ko ang bandang bewang niya nabigla ako nang may nakatago roon na isang kutsilyo.

Kaya't tinuro ko agad yun at kinausap ang butler. "Hindi poba bawal ang magdala ng kutsilyo sa duel na ito? Nakita ko sa bewang niya na may dala siyang sandata."

Dahil dun nagbulungan naman ang ilan sa narinig pero tumikhim lamang ang butler tsaka ako sinagot. "Para mas maging interesante ang huling laban na ito, pwede kayong gumamit g kahit anong sandata nyo sa laban. Pero gaya ng rules, hindi nyo pa rin pwedeng patayin ang inyong katunggali at pilitin silang sumuko o ipatapak sa carpeted floor. Ang huling laban ng paligsahan. Sa pagitan ni Ace Sekival, at ng kaniyang katunggaling si Jade Sekival ay magsisimula na!"

Tinaas ng butler ang kamay. "Handa...laban!"

At kasunod na nangyari ay ang bigla nalang ding paghugot ni Jade ng kutsilyong yun sa bewang niya't mabilis yung ibinato ng sobrang bilis tungo sa mukha ko.

Kaya't mabilis ko din namang nasalo ang hilt nito bago pa tuluyang tumama sa mata ko dahil nabigla ako.

Ibinato ko ang kutsilyong yun hindi sa kaniya kundi sa carpeted floor sa likuran ko kaya't napakunot-noo hindi lang si Jade kundi ang mismong mga manonood, ang butler at ang Clan head.

"Ang bait mo naman masyado." Saad ni Jade at may hinugot muling tig-isang kutsilyo sa dalawang kamay niya. Mukhang marami pa pala siyang dala. "Pero wag mong isiping magkakampi talaga tayo dahil lang iisa ang angkan natin. Dahil ako lang ang makakakuha sa espadang yun!"

Hindi ko naman inaangkin yun e.

Mabilis naman niyang ibinato ulit ang kutsilyong nasa kaliwang kamay nya tungo sa mukha ko, kaya't mabilis ko din namang nasampal yun pakaliwa ng kaliwang kamay ko, kaya't na deflect yun at tumama dun sa carpet sa gilid hindi kalayuan sakin. Malakas din kasi ang pagkaka deflect ko kaya't umabot talaga yun dun.

"Normal lang ba sa batang yan ang sampalin ang mga kutsilyo?"

"Graba kakaiba siya. Sino ba talaga ang batang yan?"

"Ngayon kolang siya nakitang sumali sa paligsahang to."

"Bihira sa mga Sekival ang ganiyang estilo ng pakikipaglaban."

Marami akong naririnig na bulungan galing sa mga manonood. Pero tutok lang ako sa kalaban na tumatakbo na ngayon palapit sakin.

Nang nasa isang metro nalang ang layo niya sakin, mabilis nitong pahalang na iwinasiwas ang kutsilyo sa kanang kamay tungo sa kaliwang leeg ko, kaya naman paatras kong iniwasan yun.

Reincarnated With You: Season 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon