CH [69] Battle At The Alley

244 35 5
                                    

Chapter [69] Battle At The Alley

Ace's POint OF View

Kinabukasan. Nasa daan na kaming apat ngayon pabalik sa Vendrisal para ibalita sa hari at ng headmistress ang nangyaring tagumpay sa misyon namin.

Medyo nakakapagod pero parang nung magsimulang mabuo ang Squad 44, nagiging busy na kami sa pagtanggap ng mga misyon at tila ba'y hindi ito nauubos.

Minsan nga, kahit nasa gitna kami ng pag-aaral pinapatawag kami para umalis ng Vendrisal at gawin ang misyong ibibigay samin. Medyo urgent daw kasi kaya kailangan magagaling ang ipadala.

Seryoso? Ang Squad 44 lang ba talaga ang grupong nakikita nila sa akademyang ito? Minsan pa nga kahit hindi pa kami nakakabalik sa Vendrisal mula sa isang misyon may ipapadala na naman silang panibago.

Nakakapagod.

Nakakapagod talaga.

"Ace. Dali tingnan mo!" Biglang tawag sakin ni Ryan kaya't mabilis ko itong napihit ng lingon.

May tinuturo siyang isang lawa sa tabi kung saan kami dumadaan ngayon.

"Yan ang Water Prison na sinasabi sa libro diba?" Sabi ni Ryan sakin tsaka muli akong tiningnan. Medyo matalas ang paningin ni Ryan dahil kahit ako, hindi ko agad napansin na isang water prison ang dinadaanan namin ngayon.

Napatango naman ako. "Oo tama ka." Sabay tinuro ko yung hindi mabilang na mga red mushrooms sa tabing lupa din ng lawang ito. "Kapag nakita mo ang red mushrooms nayan sa isang malapit na tubig o lawa, kailangan mo yang iwasan dahil isa na yang Water Prison." Pagkokompirma ko na ikinatango din naman ni Ryan.

"Sinasabi sa alamat na kapag nahulog o nalunod ka sa ilalim ng tubig nayan malamang hindi kana makakalabas pa kahit anong gawin mo. Isa lang ang lawa na ito sa mga libo-libong water prisons sa iba't-ibang sulok ng mundo." Sabat ni Hazel habang nakatingin din dun sa lawa.

Pinagpatuloy namin ang paglalakad hanggang sa makarating din kami sa Vendrisal at nagtungo kaagad sa isang kainan at dun na kami nag hapunan.

Naabutan kasi kami ng gabi kakalakad.

"Mukhang malayo-layo ang binyahe nyo ah? Ginoong Hanami?" Sabay nilapag ng isang lalaking medyo may katabaan ang isang tray na may apat na pinggan ng pagkain gaya ng inorder namin.

"Salamat." Tugon naman ni sir Hanami sa lalaki at ganun din ang ginawa naming tatlo bago nagsimulang lumamon.

"Grabe! Na miss ko ang luto nila dito! Manong, isa pa?"

"Grabe ka Ryan. Pang-ilang kanin mona ba yan?" Tanong ko rito bago sinisid ang sabaw sa pinggan ko.

"Kung makatanong ka, parang hindi ka din gutom ah?" Saad din pabalik sakin ni Ryan kaya't napangiti ako.

"Oo nga no, tama ka. Fist-bump!" Sabay pinag apir namin ang mga kamao at sabay nagtawanan.

"Sir Hanami, babalik napo ako sa akademya." Bigla din namang tumayo si Hazel at mukhang kakatapos lang din niyang kumain.

"Sige." Sagot nalang din ni sir Hanami rito habang kumakain pa.

"Babalik kana agad?" Tanong naman ni Ryan kay Hazel sabay din nilapag ng isang lalaki ang pinggan ng pagkain sa harap niya.

Hinarap naman siya ni Hazel bago ito nagsalita. "Pagod na ako eh. Gusto konang matulog. Kita nalang tayo bukas." Tapos ngiting kumaway kay Ryan at tumalikod na.

"Sige ingat." Kaway din pabalik ni Ryan rito. "Si Ace, hindi mo kakawayan?" Pahabol pa niya pero tuluyan nang nakalabas si Hazel at hindi na pinakinggan si Ryan. "Ay. Hindi niya narinig?"

Reincarnated With You: Season 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon