CH [95] Nibi's Sword

177 28 10
                                    

Chapter [95] Nibi's Sword

Ace's POint OF View

Dahil kay sir Hanami. Halos lahat alam na ni Lolo ang mga bagay na nangyari sa amin sa loob ng tatlong taon na humiwalay ito ng landas namin at hindi nagpakita.

Medyo lumalamig nadin ang panahon kasi parang hindi na tumitigil ang pagbagsak ng snow kaya't nagpasya na din kaming umalis na sa kainang yun.

"Ah! Bago ko makalimutan," biglang tumigil si Lolo at hinarap kaming lahat. "May gaganaping seremonyas sa Mansion ng Sekival mamayang alas otso."

Napakunot-noo ako. "Seremonyas?"

Tumango si Lolo. "Tama. Kaarawan ngayon ng Head Clan ng mga Sekival at kung hindi ako nagkakamali, pang walumpo't limang kaarawan na niya ito ngayon." Tapos ay nilingon niya ako. "At isa pa, matagal kana ding gustong makilala ng iba kopang mga apo dun. Tanging mga kuwento lang kasi ang naibabahagi ko sa kanila kapag ikaw ang topic namin."

Bakit naman nila akong ginagawang topic?

Pero mukhang masaya nga yun.

"Hmm. Magandang ideya nga yan." Sagot naman ni sir Hanami at ako'y nilingon. "Mukhang kailangan nga talaga ni Ace na makilala ang buong angkan kung nasaan siya nanggaling."

"Kakatapos lang nating kumain, tapos kakain na naman ulit?"sabat naman ni Mr. Kang. "Ayos! Sama kami diyan."

"Hindi ba siya nabubusog?" Pabulong na sabi ni Ryan kaya't napatitig sa kaniya si Mr. Kang na kaniya din namang ikinaiwas agad ng tingin.

"Sige. Kita tayo dun mamaya." Sagot ni Lolo at lumingon sakin. "Ace. Siguradong matutuwa silang lahat kapag nakilala ka nila."

Ngumiti lang ako rito bilang tugon at tumango. Hindi nagtagal nagpaalam na din itong lumihis na ng daan at ganun din naman ang ginawa namin.

Pasado alas-otso na nang tuluyan nading tumigil ang pagbagsak ng niyebe sa labas. Nauna na sina Sir Hanami at Mr. Kang sa Mansion habang kaming tatlo ni Ryan at Hazel naman ay sabay lang na naglalakad dito sa tahimik na kalsada. Bawat bagsak ng mga paa namin sa dinadaanan ay tila lumulubog kami sa hindi gaanong kakapal na snow.

Tanging mga street lights lang ang nagbibigay samin ng liwanag sa aming tinatahak na daan. Hindi rin gaanong tao ang lumalabas sa ganito kalamig na panahon.

Hindi kita ang mga bituin sa kalangitan kaya't nakasisiguro kaming hindi pa dito nagtatapos ang pagbagsak ng snow at may darating pa mamaya.

Simpleng coat lang ang suot ko at isang plain black na pantalon at isang sapatos. Nasa leeg ko lagi ang scarf ko kaya't hindi ako masyadong natatablan ng lamig ngayon. Meron ding scarf itong si Ryan. Si Hazel naman wala. Kaya't kahit nilalamig na ito, nagpipigil lang siya.

"Ace. May tanong lang ako," Kaagad kong natingnan si Ryan sa bandang kaliwa ko habang nakapamulsa lang dahil dun siya nakapwesto. Katabi naman niya si Hazel dun sa kaliwa din niya. "ano pala ang power origin ng angkan nyo?"

"Sa kinuwento sakin ni Lolo noong hindi pa ako nag-aaral sa akademya, ang sabi niya Earth. O ang kapangyarihang kayang manipulahin ang lupa, pero may nagsasabi din na Fire." Sagot ko naman at pilit inaalala ang mga yun.

"Earth at Fire?" Tanong ni Ryan.

"Ah!" Tsaka may bigla akong naalala. "May isa pa pala."

Nagtaka ito. "May isa pa? Diba hindi normal sa isang angkan na may dalawang power origin? Tapos sinasabi mong may pangatlo pa?" Nagtatakang tanong ni Ryan sakin.

"Earth, Fire, at ang pangatlo ay Light." Sagot ko at dahil sa gulat biglang natigil si Hazel sa paglalakad at nanlalaki ang matang tiningnan ako.

"Hazel? Bakit?" Napahinto nadin si Ryan at ganun din ako. Tiningnan namin si Hazel kung saan ay nakatitig naman sa akin.

Reincarnated With You: Season 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon