CH [107] Secret Bargain

145 26 7
                                    

Chapter [107] Secret Bargain

Haori's POint OF View

Naglalakad ako sa masukal na gubat, paakyat nitong matayog at tahimik na bundok.

Narating ko ang tuktok nito at base sa sulat na hawak-hawak ko, kaagad ko ding hinanap ang lupang nilibingan nito.

Nang mahanap ko ito sa pamamagitan ng nakapatong na bato na may pangalang 'Sakura', nailuhod ko ang aking mga tuhod sa harapan nito't yukong napapikit.

Ayun sa sulat ni Jeshin sa akin, pinigilan siya ni Sakura na makuha ang black rose sa bundok din ito. At may biglang nagligtas sa kaniyang isang kakampi din ng hukbong yun at pinatay ang anak ko.

Hindi ako nakaimik. Bagkus ay napakuyom ang aking kamaong muling inangat ang ulo, at dahan-dahang ngumiti sa harap ng puntod nito. "Sana'y maging payapa kana... mahal kong Sakura."

***

Hanami's POint OF View

"Kung gano'n. Nandito siya para pasalamatan ang nagpalaya sa kaniya mula sa spell ni Jiuben—teka. Sino nga uli yun?"

Nandito kaming tatlo sa opisina ko at nakaupo sa may couch sa bandang gilid. Kaharap ko sina Jeshin at Ruk ngayon habang nakahalukipkip.

"Ang Pinuno ng White cloaks bandits." Sagot naman sakin si Ruk kaya't napatingin ako rito. Agad naman siyang nailang at napunta sa sahig ang tingin.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Pero base sa mga sinabi ni Jeshin talagang kontrolado lamang ang taong 'to sa Jiuben nayun, kaya siya naging kalaban namin.

Mahusay na knight soldier si Ruk, alam kong isa talaga siyang knight noon pa, nung nilusob niya ang isang bayan, at nandun kami nina Ace para pigilan ito. Pero hindi ko alam na isang powerful spell lang pala ang tunay na kalaban namin dito.

Sinabi sakin ni Jeshin na niligtas siya nito mula sa bingit ng kamatayan sa kamay ng isa pang miyembro ng hukbong yun, at si Ruk mismo ang pumatay rito. Kung natatandaan ko ang pangalan nito, sa palagay ko siya si Sakura. Si Sakura, ang anak ni sir Haori.

"Alam naba ni Sir Haori ang nangyari?" tanong ko kay Jeshin sabay nilingon ito.

"Siguradong alam na niya ang balitang yun." Agad din naman nitong sagot. "Baka nga sa mga oras na ito ay nasa mismong bundok na siya at nahanap na yung ginawa naming puntod bilang respeto sa anak niya."

Tila lumungkot ang boses ni Jeshin at napaiwas din ng tingin si Ruk. Napabuntong-hininga ako't tumayo. "May isang tanong lang ako. Alam naba ito ng Hari na nandito ang dating miyembro ng White cloaks bandits?"

"Ah. Sa bagay na 'yan."

"Pupuntahan ko ang Hari ngayon." Saad bigla ni Ruk at iniangat ang seryosong mukha nito sa akin. "Sasabihin ko sa Hari ang lahat ng mga nalalaman ko tungkol sa Hideout ng Pinuno namin at ng buong hukbo. At bilang kapalit, hihingin ko sa kaniya ang kapatawaran at sana'y gawin niya akong isa sa mga tapat na knight soldier niya sa kahariang ito."

"Talaga?!" Kita ko ang pagkapanabik ni Jeshin sa narinig niya, samantalang ako ay hindi nakaimik agad at ipinagsingkit ang mga matang nakatitig diretso sa mga mata ni Ruk.

Seryoso ba ang taong to?

Hindi ko alam ang pinaplano niya, pero kapag pakana ito ng Pinuno nila para may mag espiya sa Vendrisal na tauhan nila, hindi ako magdadalawang-isip na paslangin siya. Kahit kailan hindi ko ibababa ang harang ko sa taong to.

"Masyado pang maaga para pagkatiwalaan ka namin o kahit ng Hari." Sabat ko naman din na kaagad din nila akong nilingon. "Baka nga wala sayo ang senyales na may spell sa katawan mo, pero hindi natin alam baka sinadya lang yung temporaryong pawalan ng bisa at gigisingin muli sa'yo kapag tama na ang panahon. Magiging mahirap ang sitwasyong yun kung sakali."

Reincarnated With You: Season 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon