CH [19] Survival Test • Part I

493 60 4
                                    

Chapter [19] Survival Test • Part I

Ace's POint OF View

Mabilis akong nakarinig ng sunod-sunod na pagsabog sa hindi may hindi kalayuan sa posisyon ko bandang kanan kaya't mabilis na napunta dun ang atensiyon ko.

Dalawang minuto na ang lumipas at walong minuto nalang ay makakaligtas na kami sa pagkakatanggal sa test nato.

Pero kung iisipin nyo masyado lang yung madali. Pero para samin. Parang imposible nang matakasan pa si sir Hanami sa dimensiyon na ito.

Sa nakalipas na dalawang minuto lamang, tatlong bata na ang nahuli at natanggal sa test nato. Kung pano namin nalaman yun ay dahil may numerong nakalagay sa mga ice knife namin na katumbas kung ilang kutsilyo nalang ang natitira pang buo ngayon.

May pitong numero pa sa kutsilyo kaya't sigurado kaming may tatlo na ang natanggal.

Mabilis akong tumatakbo ngayon paalis dun sa pinangyarihan ng pagsabog pero gulat naman akong napatigil din nang dumaan sa gilid ng dinadaanan ko ang isang batang lalaki na may asul na buhok at asul ding mata. Kaparehong-kapareho siya ng mata ni Ryan, pero ang isang to ay babae.

Hingal siyang napatigil sa harapan ko habang naka sideview mula sakin dahil nga galing siya sa gilid ko na tumatakbo. Mukhang may pinagtataguan din siya ngayon. Kung sabagay, lahat naman kami ganun ang ginagawa.

Nang mapalingon siya sakin mabilis siyang nagulat na tila ngayon lang niya ako napansin sa tabi niya at tila bigla siyang tarantang napahakbang paatras at nanginginig ang tuhod. "Pakiusap. Wag nyo akong saktan! Parang-awa nyo na gusto ko talagang makapasa test nato." Maluha luha nitong sambit at patuloy pa rin ang pagmamakaawa sakin na akin din namang tuluyang ikinalito.

"T-teka miss. Ano bang sinasabi mo? Hindi naman ako ganung klase ng tao." Humakbang ako ng isang hakbang para sana lapitan siya.

"Wag! Diyan kalang! Wag mokong lalapitan. Pakiusap lubayan nyo na ako." Sigaw nito bigla kaya't isinuko kona lang ang ideya na lapitan siya.

Ano bang nangyayari sa isang to? Bakit ko naman siya sasaktan? Diba dapat ang ginagawa namin ay ang magtulungan nalang para naman lahat kami makapasa sa test, diba?

"Aba aba. Nandito kalang pala, basagin nyo na ang kutsilyo niya!" May tatlo na batang kalahok ang biglang nagpakita sa likuran nitong babaeng kausap ko.

Sa nakita at narinig ko, mukhang alam kona ang dahilan kung bakit takot ang babae nung makasalubong niya ako.

Nang mapansin ng babae ang tatlong lalaking nagpakita sa likuran mas lumala ang takot na naramdaman niya kaya't mabilis itong tumakbo palampas saking gilid.

"Hoy! Wag nyong hayaang makawala." Utos nung tila pinuno ng grupo kaya't mabilis din namang hinabol ng dalawang lalaki ang tinakbuhang direksiyon ng babae.

Pero nung sandaling makakalagpas na sana silang dalawa sa magkabilang gilid ko mabilis ko din namang na sidekick sa kanang tagiliran yung lalaking nasa kanan ko banda lalagpas, habang kasabay din nun ay mabilis kong na sidepunch yung kaliwang pisnge nung lalaking nasa kaliwa ko naman.

Mabilis silang tumalsik pareho sa gilid na naging dahilan para magulat hindi lang yung mga lalaki kundi pati din yung babaeng may asul na mga mata. "Ikaw?" Gulat siyang napatigil sa pagtakbo at nakatitig lamang sakin.

"Wag kang mag-alala. Hindi ako kasamahan ng mga to." Sambit ko naman ng hindi nililingon sa likod ang babae. Tanging nasa harapan lang ang tingin ko diretso dun sa tila pinuno ng mga baliw nato.

"Heh! Ngayong nakialam kana rin, dapat pati ikaw ay iligpit narin namin." Nakangising sambit nito sabay mabilis din namang nakatayo yung dalawang inatake ko.

Reincarnated With You: Season 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon