CH [8] The Coming Tragedies

674 86 1
                                    

Chapter [8] The Coming Tragedies

Ace's POint OF View

Mabuti nalang at agad narin nitong nilihis ang tingin sakin at nilapitan na agad ang prinsipe kaya't nakahinga ako ng maluwag.

"Anong nangyari sa prinsipe?" Tanong niya kay Hazel habang inaalalayan ang prinsipe.

"Ah. Kasi po. Pasensya na talaga kasi naghamon po ang prinsipe na mag duel silang dalawa ni Ace, hindi ko naman po alam na ganito ang kalalabasan ng ensayo nila. Pasensya na po ulit hindi kopo sila napigilan." At agarang yumukod si Hazel sa lalaki.

"Ayos lang—hindi naman masyadong malala ang pulso niya. Wag kanang mag alala dahil magiging ayos lang ang prinsipe." Saad ng lalaki matapos tingnan ang pulso ni Noegi. Napahinga naman ng maluwag si Hazel dahil sa ibinalita sa kaniya ng lalaki.

"Sa ngayon, kailangang hindi to malaman ng hari dahil magiging malaking gulo to kapag nagkataong may nakakita." Seryosong saad ng lalaki at kinarga sa bisig nito ang natutulog na prinsipe. Tumingin siya sa gawi ko. "Ikaw si Ace, tama? Kakausapin kita mamaya."

Wala akong nagawa kundi ang tumango sa utos niya at tila hindi ako makapagsalita habang nakatingin siya sakin. Nakakatakot talaga ang mukha niya.

Muli niyang tinuon ang atensiyon kay Hazel. "Pwede bang dito nalang muna sa bahay nyo makapagpahinga ang prinsipe? Ayokong malaman to ng hari."

"A-ah. Opo. Sumunod po kayo sakin. Dun po tayo sa kwarto ni Ace." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Hazel pero umangal man ako nakapasok na agad sila sa loob ng bahay kaya't inis nalang akong napabuntong-hininga.

Marami namang kwarto dun, bakit sakin pa? Kainis kahit kailan ang babaeng yun. Parang may naaalala akong kapareho ng ugali niya noon. Para siyang si Snow. Lagi nung pinapagamit ang kwarto o gamit ko sa ibang tao o di kaya ay ang kaibigan niya.

Pareho talaga sila. Ewan koba, parang kahit saan ako magpunta nasumpa na siguro akong laging susundan ng babaeng yun. Pero imposible namang si Snow talaga si Hazel. Ugali lang ang magkapareho sa kanila.

Napabalikwas ako ng tayo nung marinig na bumukas ang pinto at lumabas yung lalaking may kulay pulang buhok. Tinuro niya yung dalawang bato na katabi lang din ng water well at sinasabi ng mata niya na dun kami maupo.

Nauna siyang maupo dun kaya't nag aalangan akong naupi din katabi niya. Kunting katahimikan. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya't hinayaan ko siyang maunang magsalita.

"Anong gusto mong unahin natin?" Panimula niya na medyo ikinalito ko. "Ang kalagayan ng prinsipe o ang kalagayan ng kaharian? Mamili ka sa dalawa." Tapos nagsindi ito ng sigarilyo at hinithit ito.

Reincarnated With You: Season 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon