CH [81] Decoys

216 28 7
                                    

Chapter [81] Decoys

Ace's POint OF View

Pangalawang araw namin dito sa bayan.

Mas madami na ang tumutulong para sa paglilinis ng napinsalang kabahayan rito at sa tulong narin ng iba pang karatig kaharian, nagpadala pa sila ng kunting mga dagdag na tao para tumulong nadin.

Sa buong apat na mga kaharian, ang Vendrisal ang mas malaki ang tiyansang sunod na lulusubin ng kalaban dahil hindi na ito masyadong bantay-sarado ng mga Knight guards.

"Nagkukulang na ang mga Knights sa Vendrisal. Kung magpapadala pa tayo ng dagdag na tao para tumulong sa bayang ito mula sa pagkasira, tuluyang mawawalan ng seguridad ang kaharian."

Nagpapaliwanag si Heneral Revin ngayon kay Sir Hanami at sa ilan pang mga mamamayang humihingi ng tulong para mas mapadali ang trabaho rito. Nandun din ang isang Knight mula sa Deligon Kingdom.

Nandito ako ngayon sa labas ng isang wood tent kung saan din nasa loob nito nagaganap ang pulong nila. Nasa loob din ang ilan sa mga kumakatawan sa bayang ito.

"Kainis! Hindi man lang nakikinig. Sila na nga ang tinutulungan sila pa ang galit." Napatayo naman ako mula sa pagkakasandal nang biglang galit na lumabas si Heneral Rev sa tent.

Sumunod si Sir Hanami na buntong-hininga akong hinarap kaya't napatingin nadin ako sa kaniya.

"Nasan na sina Ryan at Hazel?"

Tinuro ko yung bandang ilog malapit sa wood tent na ito sa bandanh likuran. "Nangunguha mo sila ng isda kasama ang iilang mga bata." Sagot ko.

Malapit na magtanghali kaya't nagsisimula nading magsilungan sa mga katabing puno ang mga taong kanina pa pawisan na nagtatrabaho sa sirang bayan.

Hindi nagtagal may lumapit sa amin na isa sa Knight ng Vendrisal. "Sir. Nalinis napo ang mga sunog na tabla at naitambak na sa iisang lugar. Yung mga yero naman po na butas-butas nasa iisang pile nadin po." Pagre report nito habang nagpupunas ng mukha gamit ang isang panyo.

"May iilan pa naman sigurong magagamit dun diba?" Pero umiling lang ang Knight tsaka nagsalita ulit.

"Nakakalungkot mang isipin, pero tanging mga bato at iilang sementong bahagi nalang talaga ng mga bahay ang natira sa sunog. Pati ang mga poles sa bawat tabing daanan wala na ding silbi dahil nadamay sa lakas ng apoy."

Napabuntong-hininga nalang si Sir Hanami. "Pambihira naman. Nasaan si Zeck?"

Lumingon-lingon muna saglit ang Knight na ito bago kakamot-kamot sa batok na sinagot si Sir. "Ah. Hindi po ako sigurado eh."

Napansin kong napakunot-noo din si Sir Hanami. "Anong ibig mong sabihin na hindi mo alam? Hindi ba dapat kasama nyo siyang nagtatrabaho ngayon sa bayang ito?"

"Ah eh. Kasi po. Kaninang umaga papo siya nawawala nung mag-uumpisa na kami sa trabaho. Ang sabi niya iihi lang daw siya pero hanggang ngayon hindi papo siya bumabalik."

"Ang batang yun talaga. Humanda siya sakin kapag nakita ko siya." Tapos ay nilingon niya ako. "Ace, sumunod ka sakin."

"Ah okay po." Naging tugon kona lang.

Saglit kaming naglibot sa bayan pero lumipas na ang tanghalian wala pa rin kaming makitang Zeck sa paligid hanggang sa naupo nalang din kami sa ilalim ng puno para magpahinga dahil masyadong mainit.

"Bakit nyo poba hinahanap ang taong yun?" Hindi maiwasang tanong ko naman rito.

Nilingon niya ako at nagbuntong-hininga lang siya. "Hindi tayo dapat mamalagi sa bayang ito ng masyadong matagal. Tandaan mo ang totoong misyon natin na hanapin ang dating Master ko. At si Zeck lang ang pwede kong bigyan ng awtoridad na pamahalaan ang bayang ito pansamantala kapag nakaalis na tayo."

Reincarnated With You: Season 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon