CH [25] White-haired Boy

390 59 5
                                    

Chapter [25] White-haired Boy

Ace's POint OF View

Umalis na si sir Jeshin dahil may kailangan silang pag-usapan ngayon sa meeting place nila. Naiwan naman kaming pito dito at wala kaming kakilala kaya't napabaling ang tingin ko sa direksiyon kung saan marami ang mga estudyante ngayon ang nakatingin samin habang nagbubulungan.

Kung titingnan sa mukha halos magkasing tangkad na sila ni sir Jeshin or ni sir Hanami dahil siguro matagal na sila dito nag-aaral. Siguro huling taon na nila dahil ilan sa kanila ay may nakasuot na ng kulay white badge habang yung iba ay blue at minsan lang ako makakita ng green badge sa kanila.

Kung ganun, puro talaga sila magagaling dito. Mukhang kaming pito lang talaga dito ang naka green badge pa kaya't medyo nakakahiya. Pero wala naman kaming dapat na ikahiya dun dahil natural naman na ganun pa talaga ang ranggo namin.

"Hoy, bata!" Bigla namang may tumawag samin at yun ay dun galing sa isang puno katabi ng isang fountain area. Maraming benches sa paligid dun at pati narin ang mga estudyante. Nabalik sa lalaking tumawag samin ang aming tingin. "Baguhan kayo dito diba?" Maangas nitong tanong samin habang prenteng nakasandal lamang sa katawan ng puno sa itaas.

"Opo tama kayo." Sagot ni Ryan rito.

"Kung ganun,.." muli nitong sambit tsaka mabilis na tumalon pababa ng kahoy tsaka nakapamulsa kaming tiningnan. "..sino sa inyo ang gusto akong labanan?"

Nang marinig namin yun biglang nagbulungan ang ibang estudyante na nakarinig at nagsimula na kaming paikutan ng mga estudyante dahil parang gusto silang may makita at hindi na bago sa kanila ang ganito.

"Mukhang hindi talaga siya titigil sa ginagawa niya."

"Palagi nalang siyang nanghahamon ng mga baguhang estudyante at ipapahiya niya sa lahat na siya ang isa sa pinakamalakas na estudyante dito."

"Ang babata pa ng hinahamon niya. Hindi ba siya naaawa sa mga bulilit nayan?"

"Hoy, Jarin! Maawa ka naman sa mga batang yan. Palampasin mona lang to marami kapa namang pagkakataon para magpasikat." May biglang sumigaw na isa sa nagkukumpulang estudyante at mukhang tinutukoy niya ang lalaking ito na nasa amin ngayong harapan. Kung ganun, Jarin ang pangalan niya.

"Wala akong pakialam kung maliliit sila. Tungkulin kong humamon ng mga baguhan at halos ilang taon kona din itong ginagawa at wala pang nakatalo sakin." Mayabang na saad ni Jarin tsaka nakangising tinitigan ako na tila ba'y minamaliit niya talaga kami.

Kung titingnan ang height niya, halos hanggang sa tiyan lang niya ang height namin. At base sa badge niya. Yellow knight ranker siya. Ibig sabihin, malakas talaga siya.

"Pasensya na kuya, pero wala kaming oras para makipaglaro sa inyo. Marami papo kasi kaming dapat puntahan dito." Magalang na sambit ko kahit na ramdam na ramdam ko ang pang-iinsultong ngiti niya samin ngayon.

Napatingin ako kay Ryan at nakatingin lamang siya dun sa lalaki. "Ryan. Tara na." Hinigit ko ang braso niya at nauna nang naglakad paalis dun pero mabilis na tumakbo yung isang lalaking kasama namin patungo kay Jarin.

"Teka-sandali!" Hindi ko naabot ang braso niya para sana pigilan siya sa pagtakbo kaya't inis akong muling humarap dun sa direksiyon kung nasaan si Jarin na mas lalo lang lumawak ang ngiti nang makita niyang may pumatol sa hamon niya.

Kung hindi ako nagkakamali, ang pangalan niya ay Felkon. Siya yung nag aktong boss nang dalawa pang natitirang lalaki dito maliban samin ni Ryan na sinubukang inatake si Lerri noon para tanggalin siya sa test.

Reincarnated With You: Season 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon