CH [9] Name

701 77 4
                                    

Chapter [9] Name

Ace's POint OF View

Tatlong araw na ang lumipas mula nung dumating ang sulat galing sa mga bandido. Simula din nun hindi na muling bumisita dito sa bahay si Noegi kaya't medyo nalulungkot nadin si Hazel. Siya nalang din ang lagi kong inaasar dahil medyo na bo bore ako.

Ang sarap niya kasing kulitin eh. Dahil namumula lagi mukha niya. Lalo na nung biniro ko siyang hahalikan at tawang-tawa talaga ko sa reaksiyon ng mukha niya nun. Ang masama nga lang. Nasampal pa ako. At hindi lang yun. Hinampas pa niya ng frying pan ang ulo ko kaya't hanggang ngayon hindi parin nawawala ang bukol ko.

Kainis na babae talaga yun kahit kailan. Para talaga siyang si Snow kung manakit.

Teka. Balik tayo sa prinsipe. Nalihis ang usapan eh. Biro lang.

"Wag kang lalampa lampa! Bilisan mo."

"Upo!" Nag te training kami ni lolo dito sa bukid sa silangang bahagi ng Vendrisal. Mountain climbing habang may dala dala akong dalawang timba na puno ng tubig. Sinabi ni lolo na dapat hindi mabawasan ang laman nito kahit kunti bago kami makarating sa tuktok ng bukid.

Basic training lang to pero mahirap parin talaga.

"Hays. Kapagod!" Mabilis akong napahiga sa damuhan nang sa wakas ay nakarating narin kami sa tuktok. Parang mawawalan na ako ng lakas dun ah?

"Hindi ko sinabing magpahinga kana. Tayo jan!" Sigaw ni lolo at mabilis na inangat ang isang paa sabay tinangkang tadyakan ang mukha ko kaya't pagod man, mabilis naman akong pumagulong palayo sabay buong lakas na tumayo.

"Grabe kayo. Hindi nyo man lang ako pinagpahinga kahit kunti."

"Tapos na ang pahinga." Saan banda ang pahinga dun? Eh hindi pa nga kami umaabot ng isanginuto bago nakarating sa tuktok nato.

"Puro ka reklamo. Humanda kana." Mabilis siyang tumakbo patungo sakin sabay malakas na nagpakawala ng malakas na suntok saking tiyan kaya't mabilis akong pumagilid sabay buong lakas ding susuntukin sana ang tagiliran niya pero naunahan niyang matuhod ang sikmura ko kaya't napabuga ako ng laway sa lakas ng tama.

"Aray!" Naluhod ako at napahawak sa natamaang tiyan.

"Wag kang kampante lagi!" Sinubukan niyang i swing vertically ang paa niya tungo sa mukha ko kaya't mabilis kong inangat ang dalawang braso para salagin ang sipa niya pero malakas parin akong tumalsik at pumagulong palayo.

Ang sakit ng katawan ko. Parsng mauubusan na ako ng lakas.

"Malayo pa yan sa totoong labanan, Ace. Tandaan mo yan." Oo. Alam ko yan tanda. Ilang beses nang sinabi sakin yan ng instructor namin noon sa field. training namin sa past life ko bilang pulis.

Totoo na kapag nasa isang totoong labanan kana talaga. Hindi na pareho ang hirap at kaba na mararamdaman mo kapag nandun kana. At ang iba. Mawawalan lang ng saysay ang pinaghirapan mong training kapag naunahan kana ng kaba.

Ilang beses konang naranasan ang ganun. Dahil angundong kinagisnan ko talaga dati. Ay magulo lang din. Kagaya dito.

"Ilagan moto!" Napalingon ako sa direksiyon ni lolo at nanlaki agad ang mata ko nung mabilis siyang gumawa ng limang earth spears at mabilis na ibinato sakin.

Reincarnated With You: Season 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon