CH [28] Aura

368 50 5
                                    

Chapter [28] Aura

Ace's POint OF View

"...naiintindihan nyo na ba?"

Walang ni isa sa amin ang tumango maliban kay Hazel kaya't napabuntong-hininga na lamang si sir Jeshin.

Kanina pa nagsimula ang second period ng klase namin at si sir Jeshin ngayon ang nagtuturo samin. Kanina pa siya nagpaliwanag at nagsusulat sa board tungkol sa kung papano gumagana ang mga kapangyarihan namin at kung pano ito kontrolin o gamitin ng tama bilang mga baguhan lamang sa larangan ng pagiging isang knight soldier balang araw.

Kagaya na lamang ng kung paano nagiging konektado ang kulay ng aming mata sa kapangyarihang tinataglay ng katawan namin. Alam naman namin yun logically, pero kapag pinag-aaralan mona pala ito ay tsaka mo lang malalaman na medyo nagiging komplikado na ito hanggang tumatagal.

Pero sa ayaw't sa gusto natin, ganun naman talaga ang ibig sabihin ng pag-aaral, diba? Kailangan mong maka diskubre ng iba't-ibang bagay na bago sa isip mo kahit na medyo nakakalutang lang ito ng utak mo. Pero kahit na ganun, parte pa rin yun ng pagiging isang magaling na knight kahit na hindi naman yun lahat ay makakatulong sayo sa isang aktuwal na laban.

"Sir Jeshin. Bakit hindi nyo nalang po ipaliwanag ng mas malinaw at mas madali para naman hindi na kami malito pa." Nakataas ang kamay na suhestiyon ni Dengki.

"Hm. Sa totoo lang ginagawa ko naman talagang ganito ang paraan ng pagtuturo ko dahil yung mga naunang estudyante ko ay naintindihan naman yun kahit na sinusulat kolang sa board."

"Iba naman po kami sa mga dati nyong estudyante." Sagot din ni Felkon na tinanguan naman ng dalawa niyang kambal. Magkapareho talaga sila ng iniisip.

Napangiti nalang si sir Jeshin tsaka inayos ang pagkakasuot ng kaniyang salamin sa mata. "Kunsabagay, may punto naman kayo." Itinaas nito ang dalawang palad hanggang ka level lamang sa kaniyang dibdib. "Ang pinapaliwanag ko kanina ay kung pano gawing malaya ang kapangyarihan nyo mula sa katawan nyo at kontrolin ito ayun sa gusto mo. I de demonstrate ko yun para sa inyo."

Tahimik lamang kaming lahat habang hinihintay kung ano ang susunod na gagawin ni sir Jeshin at ini stretch niya lang ang kanang palad niya samin habang nakaharap ang nakabukas na palad niya sa kisame.

Hindi nagtagal may namuong yellow lightning sa kaniyang palad at medyo malakas yun kaya't medyo kami nagulat pero parang hindi man lang mababakasan na nahihirapan si sir Jeshin ngayon habang naglalabas ng ganun kalakas na kidlat sa palad niya.

Isa pa, malapit sa isang rare power ang dilaw na kidlat na taglay niya kaya't ibig sabihin lamang nito ay isa Ang kapangyarihan ito sa mga mahihirap kontrolin ng isang tao. At umaabot ng halos kalahating taon bago ito tuluyang mahasa ng husto. At mukhang mas nasanay pa nga ito ngayon ni sir Jeshin kaya't mangha talaga kaming nakatitig lamang sa kapangyarihan niya.

"Ngayon naman. Tingnan nyo ito ng mabuti." Saad ulit ni sir Jeshin at pagkatapos ay biglang mas lumakas pa ang kidlat nayun na halos liparin na kami ngayon mula sa aming kinauupuan dahil sa pwersa nun. Pero hindi rin nagtagal ay biglang umangat sa ere ang kidlat nayun at hindi nagtagal bigla itong humaba hanggang sa nagsisimula na itong mahulma at hindi kalaunan ay bigla itong naging isang lightning spear. Pagkatapos nun ay mabilis yung pina spin ni sir Jeshin kaya't mas lalong lumakas ang hangin sa loob ng silid.

"Ganun lang!" Sabay mabilis na ini snap nito ang daliri kaya't mabilis na nawala ang lightning spear nayun. Tumigil bigla ang malakas na bugso ng hangin kaya't mabilis naman kaming napabuntong-hininga lahat. "Madali lang diba?"

"Madali ba yun?!" Halos lahat sila sumigaw nun maliban sakin kaya't napakamot si sir Jeshin sa kaniyang batok at nginitian na lamang kami.

"Ang sabi nyo mas madali kung i de demo ko." Saad ni sir Jeshin. "Pero hindi naman talaga ngayon ang tamang araw para i demonstrate nyo ang ginawa ko ngayon lang dahil kay sir Hanami nyo yun lahat malalaman. Information day lang ang araw nato kaya't sana lang ay walang nakakita satin diba?"

Reincarnated With You: Season 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon