CH [17] Prince Of Liufen

529 60 3
                                    

Chapter [17] Prince Of Liufen

Noegi's POint OF View

Limang minuto na ang nakalipas mula nung malaman ko sa isang kawal ang pagkawala daw ni Ace dito sa mismong loob ng palasyo.

Matapos kong makapagpaalam sa aking ama at guro ay mabilis din akong lumisan sa tabing trono kung saan ay may nagaganap na test sa aming harapan. Pero hindi ako nagdalawang-isip na ipagpaliban ang panunuod doon at mas pinili kong umalis at hanapin si Ace kung nasan man siya ngayon.

Mabibilis ang aking mga paa sa paglalakad dito sa isang tahimik na hallway. Hindi ko alam kung saan ako papunta pero patuloy lamang akong naglalakad dito umaasang mahanap ko siya.

Sobrang daming kwarto at sulok ng palasyo ang sinuyod ko bago ako tuluyang makalabas dun sa loob ng kastilyo at nandito ako ngayon sa isang malawak na hardin kung saan sobrang daming mga namumulaklak na bulaklak.

Pinapalibutan ito ng sobrang daming paru-paro pati na ng mga bubuyog kaya't nilihis ko sa ibang direksiyon ang aking paningin.

Sa nakikita ko wala pang ni isang kawal o knights ang nakaisip na puntahan ang lugar nato para mahanap si Ace dahil isang sagradong hardin ang bahaging ito sa mismong loob ng palasyo.

Pwedeng maparusahan ang kung sinumang hindi kabilang sa maharlika o mahalagang tao ang makakarating dito. Kaya hindi talaga ito kayang puntahan ng iba.

Nung akmang aalis na ako dito sa malawak na hardin at pumunta dun sa bandang kanan ko na tambakan ng mga alak at lumang sandata ay bigla-bigla nalang din akong may naramdamang isang paru-paro na mabilis na bumulusok sa aking direksiyon na animoy balak nito akong dagmalin kaya't mabilis kong ginawang yelo ang kaliwang kamay ko na parang isang gloves lang at ginamit yun para mabilis na sanggain ang paru-parong yun, at nung sandaling mabilis nga itong bumangga sa nagyeyelong palad ko mabilis ko ding kinuyom ang aking kamao dahilan para mapisa ng tuluyan ang paru-parong yun kaya't kasabay din nun, bigla nalang may lumabas na violet liquid sa loob ng nakakuyom na palad ko at pumatak ito sa sementong katapat ng kinatatayuan ko.

Isang butterfly poison.

Ito ay isang paru-paro na may dugong kulay violet o isang nakakalasong likido na pwedeng kumitil ng isang tao sa loob lamang ng dalawang minuto sa oras na siya ay ma infect sa dugong ito.

"Kagaya ng inaasahan ko simula palang. Nandito ka nga talaga. Ilabas mo si Ace kung ayaw mong pwersahin kitang gawin yun. Leligan." Nang sabihin ko yun bigla nalang akong nakarinig ng isang mahinang hagikhik sa aking likuran kaya't kaagad akong napalingon doon.

Nang gawin ko yun napansin ko kaagad ang isang lalaking kulay pula ang bagsak nitong buhok na abot hanggang kilay niya lang.

Mayroon itong kulay dark red na mga mata, matangos ang ilong at kapansin-pansin ang mapula nitong labi habang may kunting pilat naman ito sa kaniyang baba pa diagonally tungo sa kanang pisnge niya.

Nakasuot lamang ito ng isang maroon colored na coat at black na pantalon at black na sapatos. Kasalukuyan siya ngayong nakasandal na nakahalukipkip sa tabi ng pinto kung saan ako nanggaling kanina. Kung titingnan medyo matangkad siya sakin ng ilang pulgada pero isang taon lang ang agwat ng edad naming dalawa.

"Nasan siya?" Seryoso kong tanong at mababakas sa tono nito ang aking sobrang pagkabagot kapag kausap ko ang taong ito.

"Tatlong taon tayong hindi nagkita, pero ganiyan pa rin ang pakikitungo mo sakin. Hindi kana talaga nagbago, prinsipe Noegi." Nakangising sagot lamang nito kaya't mas lalo lamang akong nainis.

"Nasaan na siya." Pero pinilit kong wag magpadala sa galit ko at hinintay kopa rin ang sagot niya.

Kunot-noo niya akong tiningnan. "Anong ibig mong sabihin—"

Reincarnated With You: Season 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon