CH [57] Mother

233 45 9
                                    

Chapter [57] Mother

Ace's POint OF View

"Hoy Ace. Ano yang binili mo?"

"Scarf."

"Scarf? Diba may scarf kana? Bakit kapa bibili ng iba?"

"Hindi sakin to. Pinapabili ni Ryan."

"Bakit daw?"

"Aba siyempre isusuot niya din. Alangan namang gawin niyang kumot."

"Hoy. Kayong dalawa diyan. Bumalik na daw tayo sa palasyo." Sita naman bigla ni Jarin saming dalawa ni Ariel kaya't napalingon kami sa direksiyon niya.

"Ano ba yan. Wala pa nga tayong isang oras dito sa bayan e babalik na tayo agad?" Reklamo naman ni Ariel.

Kahapon lang natapos ang first day ng Academy Duels at mamayang alas dos ng hapon gaganapin naman ang pangalawang araw ng paligsahan o ang final day ng paligsahan.

At gaya nga ng inaasahan, ang Liufen Academy ang makakalaban namin mamaya dahil kagaya namin ay nanalo din sila kahapon sa laban nila laban dun sa Fion Academy.

At bago pa nga dumating ang oras ng laban naming yun ay nagpasya akong maglibot dito sa bayan ng Deligon. Akala ko nga hindi papayag si Ariel kanina na gawin namin to e dahil nga nasa libro lang ang atensiyon niya matapos kaming mag agahan kanina.

Pero pumayag ang loko-loko kaya nga nandito kaming dalawa ngayon at nag e enjoy habang naglilibot sa buong bayan.

Pero itong si Jarin, sumama din kaya nga badtrip lang dahil kanina pa nag-aayang bumalik na, e alas nuwebe palang naman ngayon ng umaga kaya't marami pa kaming oras bago ang nalalapit naming laban.

Kaya't naglalakad na kami ngayon pabalik sa palasyo. Naka sibilyan lang ang suot namin ngayon kung saan ay nakasuot ako ng usual blue jacket ko na may kunting white sa ibang parte nito at naka black pants. Hindi ko suot ang scarf ko ngayon at yung scarf na binili kolang kanina sa isa sa nagtitinda dito sa street ay nasa bulsa ng jacket ko at nakasuksok din ang dalawa kong mga kamay sa magkabilang pocket nito.

May benda pa rin si Jarin sa braso niya pero kumpara kahapon hindi na ito ganun kalala, pero sigurado akong hindi pa niya kayang lumaban ulit mamaya dahil siguradong lalala panigurado ang kondisyon niya.

Sabi ng medic na gumamot at humilot sa braso niya, kailangan niya ng higit isang linggong pahinga para hindi na ito mabinat dahil tila daw masyadong lumambot ang mga buto ni Jarin matapos nung laban niya kahapon.

Siguro dahil yun sa unidentified potion na ininom din ng kalaban niya kaya ganun ang nagiging epekto sa katawan ni Jarin habang naglalaban sila. Kaya pala tila nagiging madali lang sa kalaban niya ang mabali at masaktan siya dahila dahan-dahang naaapektuhan ang katawan nito hanggang sa tila kasing lambot nalang ng buto ng bata ang buto nitong si Jarin.

Mabuti nalang talaga at hindi ako nakaharap ng kalaban ng taong to. Dahil sigurado akong bali na buong katawan ko ngayon.

"O nakabalik na pala kayo. Kanina pa nagsimula ang kunting pagpupulong ng dalawang akademya sa hari para sa nalalapit na laban mamayang hapon." Bungad na sabi naman saming tatlo ni sir Jeshin. Dahil dun ay pareho kaming nagkatinginan ni Ariel.

"Jarin." Nilingon naman ni sir Jeshin ang katabi namin.

"Po?"

"Nakausap kona ang medic kanina na gumamot sa balikat mo. At kinalulungkot kong ibalita sayo na hindi ka makakasali sa laban mamayang hapon dahil hindi siya sigurado kapag pinwersa mong igalaw yan. Hindi ka naman pwedeng makipaglaban lang ng iisa ang kamay dahil malaking bawas yun sa lakas meron ka. At isa pa. Pwedeng gamiting kahinaan mo ang baling yan ng kalaban at pilitin kang sumuko bago niya yan tuluyang baliin ng tuluyan at siguradong sa kalaban mapupunta ang unang puntos nila kung saka-sakali. Kaya mas makabubuting iasa nalang natin kina Ariel at Ace ang labang ito."

Reincarnated With You: Season 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon