CH [79] Ultimate Power

219 33 5
                                    

Chapter [79] Ultimate Power

Hanami's POint Of View

Malakas na natawa ito sa sinabi ko sabay isang iglap lang, bigla itong naglaho at lumitaw na bahagyang nakalutang sa likuran ko. "Tingnan natin kung mapipilit mo nga ako!"

Sabay gamit ang kanang kamao nitong nababalot ng kulay lilang kidlat mabilis niya yung pababang inihambalos sa bunbunan ko kaya't mabilis ko din itong hinarap sabay gamit ang kanang kamay din, mabilis kong nasampal ng pakanan din ang wrist nito, sabay mabilis ding diretsong isinuntok sa sikmura nito ang kaliwang kamao ko ding nababalot ng enerhiya.

Napadaing ito sa sakit sabay tumalsik ng mabilis at halos tatlong beses na bumangga at nawasak ang mga pader ng kabahayan bago ito natigil sa pagkakatilapon niya.

May napansin naman akong tatlong nakabalabal pang lalaki ngayon ang patakbong lumalapit sa direksiyon ni Ryan kaya't nanlaki ang mata ko.

Hindi na ako nagdalawang-isip at hinarangan kaagad ang tatlong kalaban nayun nung sandaling halos pitong metro nalang sana ang distansya nila mula sa estudyante ko.

Nagulat ang mga ito lalo na si Ryan nang bigla din akong mabilis ang mga hakbang na tumakbo pasalubong sa mga kalabang yun.

Yung nasa bandang unahan sa kanila ay nagpakawala ng isang malakas na fireball pasalubong sakin, pero mabilis ko ding ikinumpas paitaas ang isang kamay sa harap kaya't umangat ang isang tila kasing taas kolang na wood wall sa harap na naging hadlang para makarating sa akin ang fireball nayun.

Tuloy-tuloy ang takbo ko at nakapag somersault ng mabilis palagpas sa wood wall nayun at habang nasa ere kasing bilis din ng kidlat akong bumulusok tungo sa lalaking yun at nabaon sa lupang kaagad na nagkabitak din ang mukha nito kung saan nakapatong ngayon ang kanang paa kong nababalot ng enerhiya.

Mabilis din namang kumilos yung isa pang lalaki mula sa kaliwa ko at kumuha ng dagger sa bewang at pahalang itong iwinasiwas tungo sa kaliwang leeg ko gamit ang kanang kamay.

Kaya't mabilis ko din namang sinampal pababa ang wrist niyang yun gamit ang kanang kamay sabay mabilis na nasipa pataas ang panga ng kaliwang paa ko kaya't tumalsik ito paitaas at walang malay na bumagsak sa isang sirang bubong ng bahay halos anim na metro din ang layo rito.

Sunod ay nagpakawala naman ng malakas na Fire Spray ang natirang lalaki tungo sa aking kanang bahagi, kaya't nakapag somersault agad ako paatras ng kunti kaya't muntikan lang niya akong masunog ng malapitan.

Umabante ito gamit ang kaliwang kamay na may hawak na dagger, sinubukan niya itong isaksak sa sikmura ko pero mabilis ko din namang nasampal pakaliwa ng kanang kamay ang wrist niyang yun, sabay gamit ang nababalot ng enerhiyang kaliwang paa ko paikot ko yung isinipa at direktang tumama sa batok niya dahilan para palagpas itong tumalsik tungo sa likod ko na tumama din naman sa wood wall na gawa ko dahilan nang ikinawasak din nito tinatabunan ng debris ang walang malay na katawan nung lalaki.

May narinig naman akong sunod-sunod na malalakas na pagsabog sa paligid di kalayuan rito pero hindi ko alam kung sinong gumagawa nun.

"Sir Hanami sa likod nyo!"

Nang mapalingon nga ako sa aking likod sumalubong naman sa mismong mukha ko ang isang paparating na suntok ng kanang kamao ni Ruk kaya't gulat ko ding naiwakli ang kamaong yun pagilid pero sa sobrang lakas at bilis nun, nadaplisan pa rin ang kanang sentido ko sabay sinipa ang sikmura nito na kaniya din namang ikinatalsik halos apat na metro lang din mula sa akin.

Dumugo ang sentido kong yun at kahit daplis lang marami pa ring dugo ang umagos.

Nung akmang pupunasan ko sana ito ng kamay yun din ang bilis nitong nagpakawala ng isang violet lightning bolt gamit ang dalawang magkadikit na mga palad kaya't nanlalaki ang mata ko din namang paikot na iginilid pakanan ang katawan ko kaya't dumiretso ang kidlat nayun sa isang bahay dahilan nang ikinasabog at ikinasira pa nito lalo.

Reincarnated With You: Season 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon