CH [109] The War Prince

153 27 2
                                    

Chapter [109] The War Prince

Ace's POint OF View

"Ryan. Wala kabang napapansin?" Pabulong kong tanong rito. Taka naman niya akong tinitigan.

"Anong ibig mong sabihin?"

Tinuro ko naman yung mga guwardiyang pabalik-balik sa entrance gate nitong buong arena. May pumapasok, may lumalabas. Pero sa tuwing lumalabas sila tila sumesenyas sila sa isa't-isa sa pamamagitan ng bahagyang tango at titig. At nagkalat sila sa buong paligid ng audience ngayon.

"Ano ba kasing tinuturo mo?"

Kahit si Ryan hindi ito napapansin. Si Snow naman tutok sa laban ni Noegi at Leligan. Kahit ang mga sibilyan o ang mga maharlika'y walang kaalam-alam sa ginagawang formation ng mga Liufen knights. Sa nakikita ko ngayon, gusto nilang ikulong kami dito sa arena. Binlock nila ang entrance gate. Siguradong pati sa gate ng palasyo at sa bayan, wala nadin kaming kawala. Highly secured, handa na ang mga formation ng mga guwardiya.

Sinisiguradong walang makakaalis sa oras ng kaguluhan. Duda ako ngayon sa naiisip kong may patayang magaganap dito, pero dahil do'n sa nakita kong kausap ng prinsipe ng Liufen ang isa sa mga nakaputing balabal na lalaki, posibleng hindi rin ako nagkakamali sa mga nakikita ko at kung ano ang ibig sabihin ng mga ito.

Napatingin naman ako sa bandang itaas nitong arena at open lan ito, sa bawat gilid nito'y may marahang mga pigurang nagsusulputan na para bang dumudungaw sa amin ngayon.

"Hindi maganda to." Bulong ko't hindi agad mapakali't kinalabit agad si Ryan. Halatang nagulat siya sa ginawa ko kaya kaagad niya akong tinanong ulit.

"Ano bang nangyayari—"

"White cloaks bandits!" Sa sigaw kong yun, mabilis ding napalingon sakin si Snow at Ryan. Nang mapalingon ako kay Noegi sa gitna ng arena nalito din siya sa aking sinabi at nagtama ang aming mga mata.

"Anong sabi m—" hindi na natuloy ni Ryan ang sinasabi nang magpakawala ng mga nag-aapoy na mga palaso ang sa tingin ko'y archers sa itaas ng bubong ngayon patungo sa aming lahat na nandito sa ibaba nila.

***

Noegi's POint OF View

2 minutes before the attack...

Nang isigaw narin ng tagapamahala ang hudyat ng pagsisimula ng laban naming dalawa ni prince Leligan, kaagad kona din namang inihanda ang aking sariling dumepensa. Habang siya'y nanatili lamang sa kaniyang kinatatayuan at hindi gumagalaw. Bahagya akong nagtaka't napakunot-noo rito.

"Anong problema?" Tanong ko rito nang lumipas na ang dalawang segundo ay wala pa rin itong ginagawa.

Kunting sandali pa'y nagbitiw ito ng malalim na hininga't nagsalita. "Nakakalungkot lang kasing isipin. Na ito na ang magiging huling pagkakataon na maglalaban tayong dalawa."

"Ano bang pinagsasasabi mo? Naisip mona ba talaga akong tuluyang patayin dito dahil nababagot kana na hindi kita matalo-talo?" Naiinis ako sa lalaking 'to. Palagi nalang talaga niya akong pinapahiya.

Imbes na sumagot ay saglit itong ngumisi sakin sabay bigla ding tumakbo palapit. "Di bale nalang. Mawawala kana naman sa mundong 'to bago pa sumiklab ang digmaan. Kaya't hindi kana magdudusa pa." Nagulat ako nang sabihin niya yun mula sa likuran ko. Diretso saking tenga at ramdam ko ang mainit na hininga niya do'n.

Mabilis kong winakli ang mukha niya paalis saking likod pero naihilig niya din naman kaagad paatras yun at nakangiti pa rin.

"Kung hangad mo ng digmaan, ibibigay ko yun sayo." Sagot ko naman rito't sabay gumawa ng ice dagger sa kanang kamay't, mabilis yung pahalang na iwinasiwas tungo sa kaliwang leeg niya.

Reincarnated With You: Season 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon