CH [88] Goosebumps

160 26 7
                                    

Chapter [88] Goosebumps

Ace's POint OF View

Saglit na tumigil sa paglapit ang mga bandido dahil nadin sa hindi inaasahang utos sa kanila nung lalaking nakamaskara.

Kaya't lumapit agad ako kay prinsipe Keileb at inalalayan itong makatayo ulit ng maayos. Nakasunod sakin yung knight na ginamot ko. "Hindi natin to kaya." Saad ng prinsipe at tila nalulungkot akong tiningnan. "Hindi ko inasahang ganito sila kadami. Sugatan nadin ang mga kasama natin."

Apat sa limang knights na kasama namin ngayon ay sugatan na nga. Yung ikalima naman at ang prinsipe ay napapagod nadin. Pati ako. Pero kaya kopa rin naman. May maibubuga pa rin naman akong hangin, sa ngayon.

Nilingon ko yung lalaking nakamaskara sabay nilibot sa paligid ang tingin at base sa bilang ko, nasa 30 black bandits nalang ang natitira. Hindi kasali yung nasa loob ng bayan na naka bantay.

Hindi ko alam kung bakit ganito kadami ang mga tuta ng White cloaks bandits. Parang wala mang lang silang kabawas-bawas.

"Nakalimutan mona ba ang sinabi mo kanina? Wala ng bawian to. Kaya bakit parang ikaw pa yata samin ngayon ang unang susuko?" Sabi ko sa prinsipe kaya't nalipat sa kaniya ang tingin ng mga knights.

"Alam ko. Pero. Ayoko namang mamatay kayo dahil lang sa pride ko—"

"Ikaw ang prinsipe ng Fion kingdom." Sabat ko rito agad kaya't napatitig siya sakin. "Ikaw ang susunod sa yapak ng Kamahalan kaya't dapat lang talaga na maging ma pride ka. Hindi naman ibig sabihin nun na dapat maging mayabang o maging matigas ka. Ang ibig sabihin ko ay dapat mayroon kang matatawag na isang salita. Hindi ka dapat sumusuko sa isang bagay dahil lang sa gusto mong walang mapahamak. Kung ikabubuti ng karamihan, bakit hindi mo ipagpatuloy? Walang mali dun."

Hinawakan ko ito sa balikat at ngumiti ako. "Pero siyempre, kung wala namang sapat na dahilan para mag sakripisyo wag mo naman sanang gawin. Hindi ka magiging Hari kapag ganun ka. Ang Hari matalino sa pagpaplano. Hindi uto-uto."

"Ako ba tinutukoy mo diyan?" Nakasimangut namang sabat ni prinsipe Keileb kaya't natawa ako ng malakas na ikinabigla ng ibang knights lalo na yung mga bandido. Hindi nila rinig ang pinag-uusapan namin rito pero alam nilang tumatawa ako.

"Ano kaba, hindi no." Saad ko at natawa ulit. Sabay sumeryoso at binalik ang tingin dun sa lalaking nakamaskara. "Siguro kailangan na nating tapusin agad to. Kumikilos na ulit sila."

"Tama k—" nabigla ako nang bumagsak sa lupa ang limang knights pati ang prinsipe kaya't mabilis ko din itong nilapitan.

"Anong nangyayari? Ayos lang kayo?" Inisa-isa ko sila para tingnan ang kanilang mga pulso at ayos lang naman.

May sugat sa balikat ang prinsipe at napansin kong may kunting yellow lines doon na kumakalat at napagtanto ko agad na isa yung marka kapag may nakakaparalisang kemikal na nasama sa sugat at kumakalat sa katawan.

Mukhang ganun din ang iba sa kanila maliban sakin. Mukhang kanina pa ito natanggap ng mga katawan nila at ngayon lang din tuluyang umepekto. May napansin naman akong isang dagger sa lupa at nung kinuha ko ito, mayroon yung kunting yellow liquid na nasa bandang blade niya, kaya't pwede kong isiping ito ang gamit ng halos lahat ng mga bandidong nakakalaban namin at the same time. Kung sakaling pati ako nakatanggap ng sugat mula rito malamang tapos na kami. Dahil pati ako, mapaparalisa narin.

Kung ganun, ito ang plano ng lalaking yun simula palang. Siguradong alam na nila na kapag nandito ako, maliit lang ang tiyansang mapapatay nila kami kaya't naisip nilang gamitin ang ganitong klase ng dagger.

"Ace?" Narinig ko ang halos pabulong nang tawag ng prinsipe sakin kaya't mabilis ko naman itong nilapitan ulit. "Hindi ko...maigalaw ang k-katawan ko."

"Naparalisa ang buong katawan nyo. Hindi ko man lang namalayan na may paralyzing dagger pala ang kalaban. Dapat sana lalo pa tayong nag-ingat eh." Sagot ko naman at bahagya itong napangiti.

Reincarnated With You: Season 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon