CH [48] Battle In Hatred

244 44 5
                                    

Chapter [48] Battle In Hatred

Ace's POint OF View

Nung akmang tatayo pa sana si Hazel bigla namang tila mas sumakit ang nararamdamang kirot niya sa sugat niya kaya't sigaw itong napayuko ulit sa lupa.

"H-hindi ko kayang tumayo. P-parang napaparalisa ang buong katawan ko!" Nanghihina at pikit-matang bulong ni Hazel kaya't napapansin ko nga ang braso niya na nanginginig. Na animo'y pilit iginagalaw ang katawan pero para itong pinipigilan ng isang bagay o mahika.

"Mukhang yung babae ang natamaan ng ginamit mong paralyzing shot, Ken."

"Sayang naman! Isang beses lang magagamit yun eh, dapat sana yung lalaki ang natamaan dahil siya ang mas malakas sa kanila."

"Wala na tayong oras para magsisihan pa." Narinig kong tumayo yung lalaking sinipa ko palayo na bumalik malapit sa tatlo pang kasamahan niya. Ken pala ang pangalan niya. Tumingin siya sakin sabay nakangising pinahid ang dugong tumutulo sa ilong niya. "Hindi na naman magtatagal ang buhay ng kasamang babae niya kaya't ayos nayun bilang kabayaran."

Nagulat ako sa sinabi niya kaya't mabilis akong napalingon muli kay Hazel ngayon na tila kinakapos na sa hangin dahil pilit nitong tinitiis ang sakit mula sa napasong balat sa braso niya.

Ibig sabihin, isang paralyzing shot ang isinama ni Ken sa green lightning strike niya kanina at ako sana ang gusto niyang patamaan nun pero sa kasamaang-palad si Hazel ang nakasalo nun.

Ayun sa mga librong nabasa at narinig ko mula kay sir Jeshin, hindi normal na paralyzing shots meron ang mundong ito dahil bukod sa napipigilan nito ang kung anong klase ng galaw mo, magagawa din nitong patigilin ang daloy ng energy power sa katawan mo kaya't mas madaling kakalat ang pinsala nayun sa katawan mo at siguradong mapapadali ang kamatayan mo.

Nakakainis talaga.

"Hazel. Huminahon kalang. Gagamutin kita." Saad ko kay Hazel pero hindi ito tumugon dahil tila hindi na talaga nito kayang maigalaw kahit bibig niya.

"Umalis na tayo." Mabilis ulit akong napalingon sa direksiyon ng mga bandido na mabilis nading tumalikod palayo sa amin. "Hindi mo dapat kinakalaban ang mga tulad namin, bata. Itatak mo yan sa kokote mo. Hanggang sa muli." At halakhak lang nila ang huli kong narinig bago ito mabilis na nagsitakbuhan papunta sa masukal na gubat.

Hindi ko sila kayang habulin dahil kailangan ako ngayon ni Hazel. "Kainis!" Hindi ko mapigilang masuntok ang lupa bago walang pag-aalinlangang kinarga si Hazel sa mga bisig ko na para kaming kinakasal at seryosong tinakbo ang daan pabalik sa bayan.

Nararapat kong habulin at pigilan ang mga lalaking yun, pero mas mahalaga ang buhay ni Hazel ngayon.

Mas binilisan kopa ang takbo ko hanggang sa may binuo akong sand platform sa ibaba ng paa ko at tila isang skateboard ko itong sinakyan at mas bumilis ang takbo namin habang nakalutang sa ere.

Hindi ko yun nako kontrol kaya't mabilis na nawasak ang sand platform nayun at mabilis ulit akong bumagsak sa lupa pero mabilis ko din namang naibalanse ang katawan ko para hindi gumulong o matumba at tinuloy nalang ulit ang takbo ko gamit ang paa.

Masyadong mahirap at mapanganib gawin ang ganun dahil kailangan ko ng mas magandang konsentrasyon at hindi talaga naaayun na gamitin ko yun ngayon dahil masyado na akong tensiyonado para makapag concentrate pa.

"Anong nangyari?!" Bigla namang sumalubong sakin si sir Jeshin kaya't nung sandaling magkalapit kami ay mabilis at maingat kong ipinasa sa bisig nito ang wala ng malay na si Hazel kaya't nagtatakang tinitigan ako ni sir Jeshin. "Bakit siya naging ganito? May nakalaban ba kayo sa gubat?"

Reincarnated With You: Season 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon