CH [63] The White Cloaked Man

220 36 7
                                    

Chapter [63] The White Cloaked Man

Ace's POint OF View

"Sino ka? At anong ginawa mo sa mga kasama ko?" Matalim na nakatitig si papa dun sa lalaking nakaupo lang din habang sinasabi ang mga katagang yun.

Hindi ito sumagot bagkus ay hininto lamang nito ang kamay sa paglalaro ng kutsilyong yun sabay mas tinitigan pa si papa.

Mabilis din naman akong humakbang papasok sa silid at lalapitan pa sana yung mga katawan ng kasamahan naming duguan. "Hindi na gagana bata kahit subukan mopa silang iligtas. Dahil kanina pa sila nalagutan ng hininga." Natigilan ako sa biglaang pagsalita ng lalaking yun kaya't gulat akong napalingon rito ng naglalakihan kong mga mata.

Nakatitig nadin sakin ngayon ang mga mata ng lalaking ito habang kita ko ang bahagyang pagkurba ng isang dulo ng labi nito paitaas.

Halos tatlong metro lamang ang distansya ko sa lalaking ito habang nasa pagitan lang namin ang mga katawan ng knights na ito.

"Ace! Wag kang lumapit sa kaniya." Pasigaw na utos agad ni papa sakin kaya't nung bahagya kong naipihit ang aking tingin sa likod para tingnan sana si papa.

Bigla nalang ibinato nung lalaki ang kutsilyong hawak niya tungo saking mismong mukha kaya't nagulat ako lalo na si papa.

"Ace!" Rinig ko ang sigaw ni papa at kasabay din nun ay nung halos nasa isang pulgada nalang sana at tatama na at tutusok sa aking sentido ang kutsilyong yun dahil nga bahagya akong naka sideview, kasing bilis naman ng kidlat na naiabot agad ni papa ang kaliwang kamay niya pasalo sa mismong blade part ng kutsilyong yun at hindi niya ininda ang sakit o ang dugong umagos sa kamay niyang yun.

"Papa!"

"Ace. Lumabas ka!" Malakas namang utos ni papa sakin sabay gamit pa rin ang blade part ng kutsilyong muntik nang tumapos sa buhay ko kasing bilis ng kisapmata niya itong ibinato pabalik tungo sa mismong mukha nung lalaking simple at prenteng nakaupo lamang dun.

Pero mabilis lang din naman yung nasalo ng lalaki sabay muli ulit na ibinato pabalik sa mukha ni papa ang patalim.

Pero nung sandaling ilang pulgada nalang sana at tatama nadin sa mismong gulat na mata nito ang patalim biglang pwersahang nabukas yung nakasarang pinto sa gilid lang din namin ngayon at pumasok ang isang pigura mula dun papasok at gamit ang kaliwang kamay nito ay nasalo nito ang handle nung kutsilyo na sobrang na talaga ang pagitan ng talim nito sa mata ni papa.

"Hanami?!" Gulat namang nasambit yun ni papa nang mapagtanto kung sino ang lalaking nagligtas sa buhay niya.

Napasingkit ang mata nung lalaking nakaupo nang mapansin nito kung sino ang bagong dating lamang. At sabay nang paglingon ni sir Hanami sa lalaking yun, kasing bilis din ng kidlat itong umabante palapit sa kalaban sabay harapang pinabulusok ng saksak ang hawak na kutsilyo sa kaliwang kamay tungo sa mismong mukha nung lalaki.

Pero nung sobrang lapit na ng patalim sa mukha ng lalaki gamit lamang ang kaliwang kamay din nito kaagad niyang nasampal yun pakanan kaya't gamit ang kanang paa ni sir Hanami, mabilis niya yung harapang isinipa sa mukha ng lalaki pero mabilis lang din itong nakahilig pakaliwa ng kaniyang leeg kaya't dumiretso sa pader ang sipa nito na nasa likod lang din nung lalaking yun kaya't malakas itong nagkabitak.

"Muntik na yun ah—" at hindi na natapos ng lalaki ang komento niyang yun nang sa isang iglap ay bigla ding lumitaw si papa sa kaliwang bahagi nung lalaki sabay gamit ang kanang kamaong nababalot ng pulang enerhiya malakas at mabilis niya itong pinabulusok ng suntok pababa sa bunbunan nung lalaki pero ngisi lamang ang tinugon nito kay papa.

Sabay ginamit ang kaliwang kamay na nababalot din ng purple energy mabilis nitong na deflect paitaas ang kamao ni papa sabay gamit lang din ang kaliwang kamay nayun mabilis niya itong isinampal sa dibdib ni papa kaya't kumawala ang napakalakas na shockwave dun sabay gulat na napadaing si papa sa sobrang sakit sabay sobrang bilis at lakas na tumalsik papalayo at bumangga dun sa pader apat na metro ang distansya nito at kaagad din itong nasira at nabutas sabay diretsong napagulong si papa sa maduming lupa sa labas.

Reincarnated With You: Season 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon