CH [103] The New Headmaster

162 27 5
                                    

Chapter [103] The New Headmaster

Ace POint OF View

Marami ang nangyari, sa gabing yun.

Masyado kaming natagalang makabalik sa Vendrisal mula sa aming paglalakbay sa masukal na gubat at hindi namin alam kung bakit nangyari yun.

Nakabalik kami sa Vendrisal nang lagpas hatinggabi nadin. At ang nadatnan namin. Ay hindi namin kailanman ginustong mangyari.

Patay na ang headmistress.

Maikling salitang binitawan ni Jeshin pero ramdam namin ang matinding kagustuhan sa puso niyang sanay ay kaya pa niya itong bawiin at sasabihing nagbibiro lamang siya, pero sa kasamaang-palad. Hindi niya yun nagawa.

Hindi niya kayang magawa at hindi na niya kailanman pwede pang magawa.

Sinabi ni Jeshin na ang huling nasambit ng headmistress nung oras na ito na ay nawawalan na ng hininga, ay ang nag-iisang pangalan na dahilan ng naging misyon namin.

Si Mr. Yuin.

Siya ang huling naalala ng aming punongguro bago man lang ito tuluyang pumanaw.

Araw ng kaniyang libing.

Mga estudyante. Guro, maliban kay Teacher Kenko na nagpapagaling pa rin ngayon. Knights. Si prinsipe Noegi. At ang Hari. Pati rin si Mr. Kang. Lahat kami naka uniporme ng itim habang nandito sa isang bakanteng damuhan sa labas ng Vendrisal  knight's Academy.

Kasama sa iba pang mga namatay na dating knights na naglingkod sa kahariang ito. Dito kami nagpunta at bilang pagbibigay respeto sa headmistress. Umiyak kami habang tinatabunan na ng lupa ang nagsisilbing habambuhay na himlayan ng headmistress.

Duda ako kung may walang magtataka kung paano natalo at namatay ang aming punongguro.

Napaka imposibleng mangyari yun pero nang marinig namin ang sinabi ni sir Jeshin bilang testimonya sa mga nangyari, mas lalong nagngalaiti kami sa galit nang malamang dalawa sa miyembro ng White cloaks bandits ang gumawa nito.

Si Kakojen. Na may natatanging lakas at misteryosong pagkatao. Si Sakura na anak ni sir Haori. Ang dalawang bandidong ito ang nagpahamak sa dalawang magagaling na miyembro ng Knight Forces.

Matapos ang libing. Kumbaga kahapon lang nangyari ang paglusob sa akademya. Hindi na namin nakita si Sir Jeshin sa klase. Ayun sa nakapansin. Madaling araw pa ito kung umalis.

May dahilan siya kung bakit niya gustong umalis agad ng walang paalam nang malaman naming may tama ng cursed dagger ngayon si teacher Kenko. Pahina na ng pahina ang katawan nito habang lumilipas ang oras.

At ang tanging gamot lamang dun ay nakatago sa isang bundok na habang taglamig lang din lumalabas.

Si Sir Lance kasama ang dalawang knights ay sinundan din si sir Jeshin dahil mahalaga ang lakad na ito para sa buhay ng isang tao. Hindi kolang alam kung mahahabol ba nila si sir Jeshin kung halos tatlong oras nadin naman ang pagitan ng kanilang pag-alis dito sa akademya.

Ngayong wala na ang headmistress.

Kailangang pumili ang lahat ng panibagong mamumuno sa akademya mula sa mga natitirang gurong nababagay sa naka bakanteng posisyon na ito.

Pero hindi yun ganun kadali. Ilang araw din ang itatagal ng pagpipili dahil ang council naman ang magpapasya sa bagay nayun at ang Hari ang panghuling magdedesiyon.

"Kamusta napo si teacher Kenko?" Inabangan namin ni Ryan si sir Hanami dito sa gilid ng pinto nitong pagamutan at itinanong yun kaagad sa kaniya.

"Hindi maganda. Kung nandito palang sana si Elgar malamang maiibsan pa kahit kunti ang pagdurusa niya." Sagot ni sir Hanami't bahagyang nilingon ang kamang kinahihigaan ng teacher naming namimilipit sa sakit. "Hindi magtatagal tuluyan ng bibigay ang katawan niya't hindi na siya makakahinga."

Reincarnated With You: Season 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon